Kahit nangangamba si Bryan sa mga mangyayari, pumayag na siya sa mungkahi ni Troy. Alam naman niya sa kanyang sarili na wala siyang magagawa dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon.
Makalipas ang isang linggo, nilisan na ng pamilya ni Andrew ang kanilang tahanan upang tumira sa bahay ni Troy. Walang naging problema dahil naging mabait naman ang kanyang lola sa mag-ina.
"Naku ang laki nito Troy para sa amin ni nanay. Pwede naman kami sa kwarto na lang ng dati niyong katulong." ang sambit ni Andrew nang ipakita sa kanya ni Troy ang magiging silid nilang mag-ina.
"Tsk. Huwag ka nang mahiya Andrew. At saka kahit magiging masambahay si Tita dito, ituturing ka na namin ni lola bilang miyembro ng aming pamilya."
Naantig ang puso ni Andrew sa mga pahayag na iyon ni Troy. At dahil doon ay masasasabi niya na talagang napakabait niyang tao.
"Salamat talaga Troy. Isa ka talagang mabuting kaibigan. Noon pa man ang bait mo na sa akin, sa amin ni nanay. Hanggang sa mga panahon na pinahinto ako sa pagtutor, nariyan ka. At itong pagpapatira mo sa amin. Hayaan mo balang araw babawi ako sa lahat ng ginawa mo sa akin." ang maluha-luhang pahayag ni Andrew.
"Ui. Bawal ang iyakin dito sa bahay namin." ang sagot ni Troy na may halong biro sabay gulo ng buhok ni Andrew. "Ang mabuti pa mag-ayos na kayo ni Tita ang mga gamit niyo ok."
_______
"I like them. Sa tingin ko magkakasundo kami ng kanyang ina." ang masayang komento ng lola ni Troy.
"Yes Grandma. Thank you sa pagpayag mo. Hayaan niyo po na hindi niyo ito pagsisisihan." ang sagot ni Troy at niyakap sa likod ang kausap. Ganoon ang paraan ng kanyang panlalambing sa taong nagpalaki sa kanya ng halos 10 taon matapos mamatay ang kanyang mga magulang mula sa isang aksidente.
"Ginawa ko lang ito upang pasayahin ang pinakamamahal kong apo. And besides maganda naman ang motibo mo kaya hindi na ako nagdalawang-isip."
Ngiti ang isinukli ni Troy sa narinig.
"And of course para palagi na kayong magkasama ni Andrew. Aba eh halos araw-araw na siya ang bukang-bibig mo." ang pahabol ng kanyang lola. Palagi kasing nagkukuwento si Troy sa kanya ng mga bagay-bagay na nangyayari sa kanila ni Andrew.
"Huwag naman kayo maingay lola." si Troy.
"Bakit ayaw mo bang marinig niya? At wala ka bang balak sabihin sa kanya ang..." ang tanong ng lola na agad pinutol ni Troy.
"Hindi na lola. Masaya na ako at kuntento sa pagtulong ko sa kanila."
Matagal nang inamin ni Troy sa kanyang lola ang totoo niyang nararamdaman kay Andrew. Sa una ay nagulat ang matanda at di makapaniwala sa rebelasyon ng apo, ngunit naintindihan naman niya ito. Para sa kanya mas mahalaga ang kaligayahan nito.
"Cute pala siyang bata ano, mabait at magalang bukod sa pagiging matalino at masipag. Now I know kung bakit mo siya nagustuhan. Im sure na kapag nag mature pa siya, magiging magandang lalaki rin siya tulad mo."
Natawa naman si Troy.
"Tama na nga yan lola. Oo nga pala, kailan po pala ang alis mo papuntang London." ang pag-iiba niya ng usapan.
"Next week na iho, tutal may makakasama ka naman na dito e."
Business-minded ang lola ni Troy. Sa kabila ng kanyang edad na 56, nagagawa pa rin niyang pamahalaan ang kanilang negosyo na paggawa ng tela. Nag-eexport na sila sa ibang bansa katunayan ng pag-unlad nito.
"Magtatagal na naman kayo doon" si Troy na medyo nagtatampo.
"Ito talagang apo ko. Palagi naman tayong nag-uusap di ba sa internet. Hayaan mo sisikapin kong makabalik agad."

BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Fiksi RemajaBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...