Campus Trio part 2

14.7K 301 7
                                    

CAMPUS TRIO Part 2"Parang ang tahimik mo ngayon ah." ang puna ni Troy, ang isa sa campus trio sa kasama niyang si Bryan. Kasalukuyan silang nasa locker room at nagpapahinga.

"I guess yung boy kanina ang iniisip niya. Tama ba Bry" ang pangangantsaw naman ni Michael.

"Tama. Ngayon lang naman siya nagkaganito eh. First time kayang may pumatol sa kanya." si Troy ulit. Nagkatawanan ang dalawa.

"Shut up!" ang inis na tugon ni Mike sa kanila. "Dinadagdagan niyo pa ang problema ko."

"Aha. So big deal pala sa iyo ang ginawa ng boy na iyon kanina. Kung sa bagay eh nasanay ka nang walang pumapatol sa iyo." si Troy.

"At hindi siya natakot kay Bryan." si Michael.

"Hindi talaga dahil nagpapapansin lang siya sa akin." ang sabi ni Bryan at bahagyang natawa. "Siya ang unang nagparinig so ibig sabihin gusto niyang pansinin ko siya. Naguguwapuhan lang kasi siya sa akin."

"Kung ganoon nga ano na ang plano mo?" si Troy.

"Sa ngayon, gusto ko siyang kilalanin. Kayong dalawa, kunin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya." ang utos ni Bryan sa dalawa.

Sina Troy, Michael at ang leader na si Bryan Anthony, silang tatlo ang bumubuo sa grupo ng Campus Trio na sikat sa unibersidad na pinapasukan nila. Matagal nang magkakaibigan ang tatlo simula pagkabata at magkakakilala ang pamilya. Si Bryan ang pinakamayaman sa kanila at ang kanyang ina ay ang major sponsor ng school. Kaya ganoon na lang ang kalaki ang kanyang impluwensya sa buong campus.

Hindi lang sa yaman kilala ang tatlo dahil pagdating sa itsura ay hindi sila pahuhuli. Halos hindi magkamayaw ang mga babae at bading pati na rin ng mga lalaki kapag nakikita sila dahil sa ankin nilang kaguwapuhan. Pawang matatangkad din at maganda ang pangngatawan dahil sa kanilang pagkaathletic.

______

"Mano po nay" si Andrew na kakarating pa lang. Ang kanyang ina ay abala sa pagsasaing.

"Oh kamusta na ang unang pasok mo anak?" ang tanong ng matanda sa kanya.

"Ayos lang po nay" ang sagot lang ni Andrew na hindi na binanggit pa ang nangyari sa kanila ni Bryan. Ayaw niyang mag-alala pa sa kanya ang ina.

"Siyanga pala nay, sa susunod na linggo na pala ako magsisimula ang duty ko sa library kaya medyo gagabihin na ako ng uwi." ang kanyang pagpapatuloy.

"Ganoon ba anak, sige. Hayaan mo, palagi kitang ipagluluto ng mga paborito mong pagkain para makakainm ka ng husto pag-uwi mo. Sigurado akong mapapagod ka niyan sa maghapon."

"Salamat po nay" si Andrew at yumakap sa ina.

______

Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na si Andrew para sa kanyang pangangalakal. Matapos ang halos tatlong oras na pangongolekta at pagbebenta ay kumita siya ng sixty pesos. Pagkabalik sa kanila ay agad na siyang gumayak sa pagpasok.

"Buti dumating ka na Andrew." ang salubong sa kanya ni Dina pagkapasok niya ng room.

"Bakit may problema ba?" ang tugon naman nito habang nilalapag ang kanyang bag sa silya.

"Tara baba tayo may ipapakita ako sa iyo." si Dina.

Bahagyang nagulat si Andrew sa pinakita sa kanya ni Dina na nakadikit sa isang bulletin board sa lobby, ang larawan na pagkuwelyo sa kanya ni Bryan at magkatapat ang kanilang mukha.

"Alam mo bang pinag-uusapan ka sa buong campus. Ikaw daw kasi ang kauna-unahang lumaban sa trio."

"Tsk.tsk.tsk. Eh ano naman ngayon" ang tila hindi interesadong reaksyon ni Andrew sa narinig.

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon