Campus Trio part 1

39.9K 435 40
                                    

NOTE: I DO NOT OWN ANYTHING 

CREDITS TO: "AllAboutBoysLove"

CAMPUS TRIO Part 1 

"Bale 52 pesos lahat" ang pagsusuma ng may-ari ng mga kalakal na binenta ni Andrew sa kanyang junkshop. Pagkatapos noon ay binigay na sa kanya ang pera.

Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay palaging ganito ang routine ni Andrew. Dose anyos pa lang simula nang mamatay ang kanyang ama ay kumakayod na siya para lang may pambaon sa pagpasok sa school. Hindi na rin regular na nakakapaghanap-buhay ang kanyang ina dahil sa may karamdaman ito. Bago siya pumasok ay nag-iikot muna siya sa mga karatig bahay para mangolekta ng mga bagay na maaaring ibenta tulad ng dyaryo, bote, plastik karton at lata.

"Nay kain na po tayo" ang sabi niya sa kanyang ina pagkarating nito sa kanilang bahay. Nakatira lang sila sa isang squatters area sa Tondo.  

"Sige mauna ka na anak, bilisan mo at baka ma late ka sa school. Naku unang araw pa naman ng pasukan." ang sagot naman ng ina na nakahiga pa rin sa kama nilang kahoy. 

"Sabi ko naman sa iyo na itigil mo na yang pangangalakal. Magkakaroon ka na rin naman ng allowance sa scholarship mo." ang dagdag pa niya. 

"Nay naman. Sayang din ang kikitain ko at isa pa makakatulong din ito para may panggastos tayo sa bahay. Sige titirahan ko na lang kayo ng isang isda." si Andrew. Nagsimula na siyang kumain at nang matapos ay nagmadaling gumayak para sa pagpasok.

"Ito pala ang uniporme mo anak. Galing ito sa anak ni Mrs. Reyes na kakagraduate lang. Mabuti na lang at kahit papaano ay naibsan ang gastos natin." ang sabi ng kanyang ina habang inaabot ang nasabing uniporme kay Andrew.  

"Salamat po" ang nakangiti niyang pagtugon.

Ngayong araw ang opisiyal na pagbubukas ng klase at ito rin ang unang araw ni Andrew na mag-aaral ng kolehiyo. Maswerte siya dahil nakapasok siya sa isang sikat at pribadong unibersidad sa Metro Manila bilang isang full scholar. Matalino siyang bata at dahil valedictorian siya sa pinagtapusan niyang higshschool ay madali niyang nakuha ang nasabing scholarship mula rin mismo sa kanyang papasukan.

Pasado alas diyes na nang umaga nang makarating siya sa unibersidad. Medyo nakaramdam siya ng magkahalong hiya at kaba dahil sa mga nakikita niya sa paligid. Pakiramdam niya ay bumaba ang kanyang pagkatao kumpara sa mga estudyanteng nakikita niya na halatang may kaya at mayayaman.

Sinimulan na niyang hanapin ang kanyang classroom na nakalagay sa kanyang registration card. Medyo nahirapan siya dahil sa hindi pa siya pamilyar sa lugar. Matapos ang halos sampung minuto ay nakita na rin niya ito.

Pumasok siya sa loob at umupo sa isang bakanteng upuan sa likuran. Habang naghihintay para sa pagdating ng kanilang propesor ay pinagmamasdan niya ang kanyang magiging mga kaklase. Tulad niya ay tahimik rin ang mga ito dahil sa hindi pa sila magkakakilala.

Biglang nabasag ang katahimikang bumabalot sa loob ng kanilang silid sa malalakas na paghiyaw ng mga estudyante sa labas. Agad silang sumilip sa bintana at ang iba naman ay lumabas sa corridor upang alamin ang dahilan ng mga paghiyaw na iyon.

"Nandito na sila!" ang malakas na pagsigaw ng isang babae. Halatang kinikilig ito. 

"Ang Campus Trio!" ang sabi naman ng iba.  

"Bigyan niyo sila ng daan"  

"Campus Trio, ano iyon?" ang nagtatakang tanong ni Andrew sa kanyang sarili nang marinig iyon.

Nagdesisyon siyangmag-abang sa labas para alamin kung sino ba yung mga sinasabi nilang Campus Trio. At sa ilang saglit lang ay mas lalong lumakas ang pagtili at paghiyaw ng mga tao tanda na papalapit na sa lugar nila ang nasabing grupo. Hanggang sa dumating na sila.

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon