Campus Trio Book 2: "True Love"

10.3K 165 66
                                        

"True Love" mga salitang madaling bigkasin o isulat pero sadyang mahirap hanapin. At kapag natagpuan na ay nagdudulot ito ng sobrang kasiyahan sa isang tao. Lahat naman tayo  ay naghahangad nito di ba?

Sa pagbubukas ng ikalawang libro, abangan muli ang kwento ng pag-ibig ng ating mga bida at paano nahanap at nakamit ang kanilang "True Love."

*Si Andrew, nabibilang sa mga taong hindi nabiyayaan ng karangyaan. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya na tuparin ang kanyang mga pangarap. Para sa kanya, habang may buhay at pag-asa. Sa kabila ng mga pagsubok ay hindi sya sumuko hanggang sa napagtagumpayan niya ito.

At ngayong natatamasa na niya ang kaginhawaan, ay hindi pa rin siya lubusang masaya. Pakiramdam niya ay may kulang pa, ang kanyang tunay na pag-ibig. Ngunit paano niya makakamtan ito kung naging bato na ang kanyang puso na magmahal ulit?

*Si Bryan, isang taong masasabing gifted. Sa itsura pa lang panalo na. Maputi, matangkad, gwapo, maganda ang pangangatawan at tindig. At isa siya sa mga taong nabiyayaan naman ng yaman na halos lahat ng luho ay kanyang nakukuha.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana para sa kanya. Sa kabila ng mga katangiang hinahanap-hanap ng isang tao sa isang boyfriend na halos nasa kanya na lahat, ay hindi siya naging mapalad sa kanyang buhay pag-ibig dahil sa isang maling desisyon. May pag-asa pa kayang makamit niya ulit ang kanyang "True Love?"


Go visit: michaelshadesofblue.blogspot.com/search/label/True Love
Bisitahin nyo po ang site para mabasa niyo completely ung story (True Love). Dun lang po sa site ng MSOB ipopost ang story, hindi po dito.
"Nandun po sa ibaba ang mga links pakihanap na lang po sa comments"

Happy Reading

Credits to: daredevil

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon