"Hindi ah!" ang nasambit ni Andrew sa kabila ng nararamdaman niyang kaba.
"In denial mode ka pa rin." ang pailing-iling na si Bryan. "Umamin ka na. Tayo lang naman dalawa ang makakaalam."
"Pwede ba tumigil ka na. Sabi nang hindi nga."
"Relax lang nagagalit ka kaagad nagtatanong lang naman ako."
"Hindi naman kasi iyon ang itatanong ko."
"Sige na nga, kung hindi, so ano iyon?"
"Sinabi ko na kanina, kung naiilang ka ba kapag kasama mo ako."
"Ano sa tingin mo?" ang balik tanong niya kay Andrew. "Isipin mo ha, kung naiilang nga ako, dapat hindi na kita nilalapitan, kinakausap o hinahatid gabi-gabi sa inyo. Common sense naman."
"Oo nga naman." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili.
"Kung sabagay tama ka. Lapit ka nga ng lapit sa akin kahit tinataboy na kita."
"Noon yun pero di na ngayon. Close na kasi tayo di ba?"
"Nagsawa lang ako sa kakulitan mo."
Inilapit ni Bryan ang kanyang mukha kay Andrew.
"Are you sure na iyon ang dahilan? Sa tingin ko kasi hindi."
"Umayos ka nga sa daan ang tingin baka madisgrasya tayo."
Agad namang binalik ni Bryan ang atensyon niya sa pagmamaneho.
"Oh ano na ang sagot mo Andrew?" ang tanong niya ulit.
"Alam mo naman ang dahilan nagtatanong ka pa. Hindi ba sinabi mo sa akin na magpakabait ako sa iyo. Kaya ginawa ko, bilang utang na loob sa naitulong mo sa amin."
"Iyon lang ba ang dahilan Andrew?"
"Bakit meron pa bang iba?"
"Oo."
"Ano?"
"Na may feelings ka sa akin."
Hindi agad nakapagsalita si Andrew dahil sa pagkabigla sa kanyang narinig sa kausap.
"Sabi ko na nga ba. Hindi ka makapagsalita. Oh namumula ka na." si Bryan nang sulyapan ang reaksyon ng kausap.
Agad namang inayos ni Andrew ang sarili. Nagpahalatang hindi naapektuhan kahit sa loob niya ay may bahid ng katotohanan ang sinabi ni Bryan.
"Oh sagot na. May gusto ka sa akin di ba?" ang tanong ulit ni Bryan sa kanya.
"Wala ano. Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo."
"Talaga lang ah. Kaya pala hindi agad nakasagot sa tanong ko."
"Hindi ko lang inaasahan na magtatanong ka ng ganyan."
"Ganoon ba, pasensiya na kung nabigla ka. Hindi ko lang napigilan ang sarili kong magtanong."
"Ano daw, napigilan?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. "Ibig bang sabihin nito na naghihinala na siya sa akin. Naku dapat siguro na mag-ingat na ako."
"Oh anong iniisip mo diyan?" si Bryan nang mapansin ang pananahimik ni Andrew.
"Wala."
Napapailing na ngumiti si Bryan sa kanya.
______
"Ilang buwan na kayong magkasama, hindi mo pa rin siya napaamin?" ang tanong ni Michael matapos ilahad ni Bryan ang naging usapan nila ni Andrew kagabi.
"Kahit hindi niya sabihin ang totoo, alam ko naman na may gusto siya sa akin." si Bryan.
"Sa tingin ko tol, kailangan mo pang dagdagan ang efforts mo." si Troy.
"Tama ka tol. Sa tingin niyo, ano pa ba ang mga dapat kong gawin?"
"Tol ikaw ba yan? Unbelievable, isang Bryan Luis Sebastian ang nagtatanong ng ganyan." ang natatawang kantyaw ni Michael sa kanya."
"Upakan kaya kita diyan. Seryoso na kaya ako." ang nakasimangot na tugon ni Bryan.
"Tol naman kasi, hindi bagay sa grupo natin ang magtanong ng ganun."
"Alam ko iyon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakasalalay na dito ang future ko."
"Sige na nga. Troy ano kaya ang pwede nating itulong sa kaibigan natin?"
"I have a plan."
Pinag-usapan ng tatlo nang masinsinan ang magiging plano nila.
______
"Perfect!" si Andrew matapos icheck ang pinagawa niyang exercises kay Billy. Magkatabi silang nakadapa sa kama ng bata.
"Siyempre po magaling ang tutor ko." ang tugon ng bata.
Napangiti si Andrew. "Ikaw ha binobola mo ako."
"Totoo kayang magaling ka at matalino pa." si Bryan na pumasok sa kwarto. "Meryenda muna kayo."
"Wow, hamburger weeee!" ang masayang sambit ng bata matapos makita ang dala niyang pagkain. Napapangiti na lang si Andrew sa kainosentehan ng bata.
"Nakakatuwa talaga yang kapatid mo Bryan. Ni isang beses hindi ako binigyan ng kunsumisyon. At ang daling matuto." si Andrew habang pinapanood niyang kumain si Billy.
"Siyempre naman kanino pa ba magmamana yan. Alam mo na." ang sagot ni Bryan sabay turo sa kanyang sarili.
"Oo na lang. Sige ikaw na." ang nasabi na lang ni Andrew.
"Siyanga pala Andrew, sa inyo ulit ako matutulog ngayong gabi ah."
"Ha bakit na naman?"
"Basta."
"Hay ewan ko sa iyo bahala ka."
_______
Gaya nang napag-usapan ay sinabayan ni Bryan si Andrew pauwi. Nagcommute na lang silang dalawa.
"Nandito na po ako nay, kasama ko po si Bryan." si Andrew pagkapasok ng bahay.
"Oh halina kayo at sumabay nang kumain." ang alok ng kanyang ina sa kanila.
"Good evening po nay." ang magalang na bati ni Bryan sabay mano. "Tamang-tama po gutom na ako."
"Gutom ka na naman, kakakain lang natin kanina sa inyo ah."
"Eh, kumalam ulit ang tiyan ko eh, kainan na." si Bryan na umupo agad sa mesa at nagsandok ng kanin at ulam.
Napapangiti si Andrew sa mga pinapakitang asal ni Bryan.
"Ang sarap po ng sinigang niyo ah!" ang sambit nito na may kanin pa sa loob ng bibig. "Parang gusto ko nang dito tumira."
"Mabuti naman iho at nagustuhan mo sige, kain pa."
"Waaahhh.... ang takaw talaga mo talaga Bryan." ang sambit ni Andrew. "At ikaw isang mayamang nilalang, gusto tumira sa lugar na ito, unbelievable.
"Pwede naman ah. Tao rin naman ako gaya niyo."
"Ewan ko sa iyo Bryan.
"Kung matakaw ako, dapat gayahin mo para tumaba ka naman. "
"Hays napagtripan na naman ang katawan ko." ang napapailing na si Andrew.
"Tama siya anak dapat magpataba ka naman, tignan mo si Bryan malusog at macho pa." ang nanay ni Andrew.
"Tama po kayo nay, at saka ito ang pang-akit ko sa iba kaya maraming nagkakagusto sa akin. Ayaw nga lang umamin ng iba eh" ang tugon ni Bryan.
At nagtaka naman si Andrew sa bigla niyang paglingon sa kanya matapos sabihin iyon. Pakiramdam niya ay siya ang pinatatamaan nito. Pero binalewala na lang niya iyon.
"Grabe busog na busog ako." si Bryan matapos nilang kumain. Nasa sala sila at ang nanay na ni Andrew ang nagligpit ng kanilang kinainan. Hinihimas niya ang kanyang tiyan.
"Yan mawawala na yang mga abs mo magiging tabs na." si Andrew.
"Hindi mangyayari iyon, mag gym naman ako bukas. Ayaw ko kayang tumaba baka hindi mo na ako magustuhan niyan."
"Ano sabi mo? Ako may gusto sa iyo. Mr. Bryan Luis wag kang masyadong assuming jan."
"Sabi ko nga. Hay nagdedeny pa kasi."
"Ewan ko sa iyo, tara matulog na nga tayo.
______
"Talagang nakaready ka ha" si Andrew nang mapansin ang suot na boxer ni Bryan nang hubarin ang short nito.
"Siyempre naman." si Bryan sabay hubad ng t-shirt.
"Kailangang pa ba talagang maghubad ng t-shirt" si Andrew na hindi makatingin sa katawan ng kausap.
"Siyempre naman. This is my asset na kaya dapat lang na ipakita ko ito."
"Ano bang tao ito?" ang tanong ni Andrew sa kanyang sarili. Natutukso na kasi siya sa mga pinapakita nito.
"Ok, tulog na tayo." si Bryan at humiga na sa kama ni Andrew. "Higa na dito." ang utos niya kay Andrew.
"Tabi na naman tayo? eh doon na ako sa kama ni nanay."
"No, dito ka kaya nga ako nakitulog para makatabi kita." ang sagot nito.
Natawa ng hilaw si Andrew. Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kausap.
"Sige na, basta huwag mo lang ako dantayan ha."
"O sige yayakapin na lang kita."
"Lalong di pwede."
"Andrew naman, sa ilang buwan nating magkakilala ganyan ka pa rin kailap sa akin."
"Iyon na nga eh. Buwan pa lang wala pang taon. Siyempre di mo ko masisisi kung magiging mailap ako sa iyo."
"Hindi pa ba sapat yung mga ginagawa ko sa iyo. Nakikisama na ako sa pamilya mo, ikaw kilala na nang pamilya ko."
"Basta Bryan, mahirap ipaliwanag."
"Kasi pilit mong tinatago ang nararamdaman mo."
"Ano namang alam mo sa nararamdaman ko?"
"Na gusto mo ako."
"Ikaw talaga Bryan. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga."
"As always tatanggi pa rin siya. Halika na tulog na tayo." si Bryan na hinila ang braso ni Andrew.
Halos kalahating oras nang nakahiga ang dalawa sa madilim na kwarto ni Andrew. Nakatalikod si Andrew kay Bryan. Halos hindi makatulog si Andrew dahil sa pag-iisip sa kanya. Napapansin niya ang pagbabago sa pag-uugali nito na dahilan upang lalong mahulog ang damdamin sa kanya.
Nasa kasagsagan siya ng pag-iisip nang biglang magsalita ang kanyang katabi.
"Gising ka pa ba Andrew?" ang tanong nito sa mahinang boses. Hindi siya sumagot.
"Tulog na yata." ang sabi nito nang walang marinig na sagot.
Naramdaman na lang ni Andrew ang malalaking braso na bumalot sa kanyang katawan.
"Payakap ha." ang bulong nito sa kanyang tainga. Hindi pa rin gumalaw si Andrew. Pinakinggan lang niya ang mga sumunod na sinabi nito.
"Alam mo Andrew, ang saya-saya ko talaga dahil nakatabi ulit kita. Gusto kong maulit lagi ito."
Hinigpitan pa niya ang yakap kay Andrew at dinantay na ang kanyang mga binti.
Muli ay napangiti si Andrew sa kanyang narinig. Hinayaan na lang niya ang pagyakap ni Bryan sa kanya.
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Teen FictionBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...