CAMPUS TRIO part 26 (R e v i s e d) LAST PART

9K 183 56
                                    

NOTE: Kindly read the Campus Trio part 25(R e v i s e d)

Sa mga oras na iyon ay gusto nang hatakin ni Bryan si Andrew sa labas ng kainan upang tanungin kung bakit siya nakakapagsalita siya ng ganoong klaseng bagay. At sa nakikita niya sa mukha nito na parang masaya pa siya sa kanyang pinagagawa sa kanila. Ganoon na lang ba kadali para sa kanya ang lahat?

"May problema ba...Bryan?" ang tanong ulit ni Andrew sa kanya nang mapansin nito ang kanyang pananahimik dahil sa pagtataka.

"Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo." ang sabi niya sa kanyang sarili. Naguguluhan na siya sa mga oras na iyon.

Sa panig naman ni Andrew, sa totoo lang ay may bahagi sa kanyang isip na hindi nito gagawin ang kanyang pinapakiusap. Sa kabila ng pagpapakita niya sa kanila na OK lang siya at hindi naapektuhan, umaasa siyang tatanggi ito at sasabihin na hindi niya ito kaya dahil siya ang tunay na mahal nito.

Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi man pinahalata pero sobra siyang nasaktan sa kanyang nakita. Sa harap nilang dalawa ni Troy kasama nang iba pang mga tao na naroroon ay naging saksi kung paano hinalikan ni Bryan ang kanyang fiancee.

“Its over Andrew.” Ang sabi niya sa kanyang sarili. Ito na ang hudyat para tuluyan na siyang kumalas gaya ng kanyang naunang desisyon.

__________

Nagmamaneho ngunit tila wala sa sarili. Ito ang nakikita ngayon ni Sarah sa kanyang fiancee na si Bryan. Matapos ang naging usapan nilang apat ni Troy at Andrew ay mas naging kakaiba na ang kinikilos nito. Ni hindi na niya makausap pa ng maayos o ngumingiti man lang sa kanya.

Noon pa man ay napapansin na niya ang tila malamig na pakikitungo sa kanya ni Bryan. Alam naman niya ang dahilan nito kaya sinisikap niya na ibalik ang dating Bryan na kababata niya gaya na rin ng pinakiusap sa kanya ng ina nito.

Matapos ang naging usapan nila ay agad na itong nagyaya na umuwi at ihatid siya sa kanilang bahay kahit pa gusto pa niyang mamasyal sila. Wala na rin siyang magagawa pa. Naisip niya kasi na nakakawalang gana naman kapag ang isa mong kasama ay tila nagpapakita ng kawalang interes sa inyong ginagawa.

 Gayunpaman ay sinubukan pa rin niya na kausapin ito.

“Babe, wala pa naman tayong pasok bukas diba, what if kung ipasyal mo ako dun sa resthouse niyo sa Baguio” ang kanyang sinabi. Gusto na niyang makita ulit ang lugar na iyon.

“May gagawin ako bukas.” Ang simple nitong pagsagot na hindi man lang nililingon ang kausap.

“Hmmm... Ok, maybe kapag may free time ka na.”

Wala na siyang narinig pang pagtugon mula dito.

Samantala, patuloy pa rin si Bryan sa kakaisip nang tungkol  kay Andrew at sa mga nangyari ng paghaharap nilang apat ni Sarah at Troy. Hindi siya mapalagay, nagtataka sa mga pinakita ni Andrew. At siyempre hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niyang selos sa kanyang kaibigan na si Troy.

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon