Bumulaga kina Andrew at Troy ang dami ng mga bisitang kababaihan sa loob ng auditorium pagkapasok nila. Sinalubong sila ni Michael at dinala s kanilang magiging mesa.
Habang nakaupo ay pinagmamasdan ni Andrew ang paligid. Namamangha siya sa kanyang nakikita palibhasa ay unang pagkakataon niyang makadalo sa ganoong kalaki at magarbong okasyon. Sadyang pinaghandaan ang mga dekorasyon sa loob pati ang malaking streamer sa entablado na ang nakasulat ay ang pagbati kay Bryan.
Ngunit sa kabilang banda ay medyo naiilang pa rin siya. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga tingin sa kanya ng mga bisitang naroon. Pakiwari niya ay pinag-iisipan na siya ng hindi maganda ng mga iyon.
"Huwag mo na silang pansinin. Tayo lang kasi ang naiiba dito." ang bulong sa kanya ni Troy. Tama nga naman dahil silang tatlo lang bukod kay Bryan ang mga lalaki na naroroon.
Dahil sa kasikatan ay pinagpiyestahan ng mga kababaihang naroon sina Troy at Michael. Halos sila na ang naging usap-usapan doon. Samantalang si Andrew ay napapayuko na lang. Pakiramdam niya na out of this world siya.
Inakbayan siya ni Troy na ang isang kamay ay humahaplos sa kanyang balikat. Sa kabila ng pagiging abala sa pag-entertain sa mga kababaihan ay hindi niya magawang alisin ang kanyang atensyon kay Andrew. Gustong iparating ni Troy kay Andrew na ayos lang ang lahat at hindi siya nag-iisa.
At makalipas ng halos sampung minuto ay nakarinig sila ng paghiyaw hudyat na dumating na ang kanilang pinakahinihintay.
Tumingin si Andrew sa pinto kung saan nag-uumpukan ang mga bisita. At pumasok doon si Bryan kasama ang kanyang ina. Nginitian sila ng mag-ina habang papunta sa entablado.
Nang makarating ay agad hinanap ni Bryan si Andrew. Napangiti siya nang makita niya ito sa isang mesa kasama sina Michael at Troy na katabi niya. Hindi ito nakaligtas sa kanyang ina.
"Good evening ladies, Nandito na ang inyong pinakahihintay ang ating birthday boy, Mr. Bryan Sebastian!" ang pahayag ng lalaking emcee na nagpahiyaw sa buong auditorium.
Tumayo si Bryan at kumaway sa lahat.
"Yan. Talagang napakaguwapo niya. So alam naman natin na maliban sa kanyang kaarawan ay ngayon din ang araw ng mga puso. Kaya sa gabing ito, may isang big surprise si Dr. Sebastian sa ating lahat na may kinalaman sa dalawang selebrasyon na ito. At ito ay malalaman natin maya-maya lang. For the meantime kantahan na natin si birthday boy."
Habang kumakanta ay pasimpleng sinusulyapan ni Andrew si Bryan. Hindi niya magawang titigan ito dahil katabi niya ang kanyang ina. Iniisip na niya kung paano mabibigay sa kanya ang regalong teddy bear.
Matapos magsalita ang emcee ay bumaba na nang entablado si Bryan samantalang ang kanyang ina ay lumabas. Napansin naman ni Andrew na papalapit sa kanilang kinaroroonan si Bryan kaya agad siyang nagpaalam kay Troy na kukunin ang kanyang regalo sa sasakyan nito.
"Saan pupunta si Andrew?" ang agarang tanong ni Bryan sa dalawa nang mapansin ang pagmamadali ni Andrew.
"Ah wala may kukunin lang sa car." ang sagot ni Troy sa kanya. "Hintayin mo na lang siya pabalik na iyon."
"Naks naman tol si Andrew talaga ang hinanap mo ah." ang pangangantsaw sa kanya ni Michael.
"Siyempre naman ngayon na ang pagkakataon na makakapag-usap kami ulit."
"Hindi halata na miss mo siya ano."
"Hay ewan ko sayo!"
Samantala, habang naglalakad si Andrew papuntang parking lot kung saan naroroon ang kotse ni Troy ay napansin niya ang isang napakagarang sasakyan iniluwa doon ang isang babae. Hindi na niya sana bibigyan ng pansin iyon nang makita niya ang pagsalubong ni Dr. Sebastian sa babaeng iyon. Sa tingin niya ay magkakilala sila. Muli ay nakaramdam si Andrew ng parehong pakiramdam nung matanggap niya ang imbitasyon. Magkagayunpaman ay isinantabi ulit iyon ni Andrew at nagpatuloy sa pagkuha ng regalo na ibibigay kay Bryan.

BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Ficção AdolescenteBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...