Campus Trio part 19

8.8K 186 9
                                    

Nang maalala ni Andrew ang usapan nila ni Dr. Sebastian ay agad siyang kumaripas ng takbo sa kabilang direksyon. Naririnig niya ang pagtawag ni Bryan sa kanyang pangalan pero hindi niya pinansin ito.

Agad namang nakahanap ng taguan si Andrew. At doon niya ibinuhos ang kanyang mga saloobin sa pamamagitan ng pag-iyak. Masakit sa kanya ang layuan ang taong naging dahilan upang matuto siyang magmahal.

Sa kabilang banda naman ay puno ng pagtataka si Bryan sa inasal na iyon ni Andrew. Naisip niya na baka may kinalaman ang naging usapan nila ng kanyang ina kaya kinausap niya ito.

"Pinatigil ko na si Andrew sa pagtututor sa kapatid mo." ang sagot ng kanyang ina habang abala sa pagsusulat.
"Bakit niyo po ginawa yun ma?"
"Im not satisfied sa kanyang pagtuturo sa kapatid mo."
"Hindi satisfied? Nakita niyo naman ang pagtaas ng mga grades ni Billy."
"Gusto ko rin mag advance lessson siya. Mas makakabuti sa kanya kung isang professional tutor ang magtuturo sa kanya."
"Alam na ba ni Billy ang tungkol dito?"
"Hindi ko naman kailangan ipaalam pa sa kanya dahil ako ang masusunod."
"Paano naman po si Andrew, Mawawalan ang pamilya niya ng additional income."
"Sinabihan ko siya na pag-iisipan ko ang ipapalit kong trabaho sa kanya."
"Kailan pa?"
"Maghintay siya."

Hindi kumbinsido si Bryan sa sagot ng ina. Alam niyang may iba siyang dahilan sa pagpapahinto kay Andrew sa pagtutor.
"Ano pa ang iba niyong pinag-usapan Ma?"
"Yun lang."
"Bakit may iniisip ka pa bang iba?"
"Meron. Kanina pagkalabas ni Andrew dito, bigla na lang siya tumakbo nang makita ako. Alam ko na may sinabi ka sa kanya na naging dahilan para magkaganon siya."
"Talaga palang ganyan ka kung makapag-alala sa kanya."

Sa pahayag na iyon ng kanyang ina ay nakakuha na ng idea si Bryan.
"Oo Ma. Dahil mahalaga siya sa akin." ang deretsahang niyang sagot.
"Alam mo ba ang sinasabi mo?!" ang medyo napataas na ng boses na tanong ng ina.
"Oo at seryoso ako Ma."

Napatakip ng mukha ang ina ni Bryan dahil sa mga narinig sa anak. "Yan, yan ang dahilan kung bakit ko siya pinatigil. Gusto kong lumayo siya sa iyo."
"Hindi ako papayag Ma."
"Nahihibang ka lang. Hindi mo ba iniisip ang maaring maging implikasyon ng kahibangan mong yan. Ngayon na lang pinag-uusapan ka na ng lahat ng tao at estudyante sa buong university."
"Wala akong pakialam sa kanila. Ang importante lang sa akin ay ang kasiyahan ko at ito ay si Andrew."
"Masyado nang nilason ng Andrew na yan ang isip mo. Sabi ko na nga ba noon pa lang may hinala na ako sa inyong dalawa. Sige pairalin mo ang tigas ng ulo mo. Tignan lang natin ang pwede mangyari sa kanya."

Natigilan si Bryan sa narinig sa ina. Alam niya ang mga kayang gawin nito makuha lang ang gusto. Una niyang naisip ang scholarship ni Andrew. Maaaring siyang tanggalin at hindi na makapagpatuloy ng pag-aaral. Kung mangyayari iyon ay masisira ang kanyang kinabukasan pati ng kanyang ina.
"Ok. Kung anuman ang gusto niyo susundin ko."
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo."

Pagkalabas ng opisina ay agad niyang pinuntahan si Andrew sa room nito upang kausapin ngunit siyay nabigo. Napagdesisyunan na lang niya na puntahan ito sa kanilang bahay.
______
Malungkot na inilahad ni Bryan sa kanyang mga kaibigan ang naging usapan nila ng ina.
"As expected. Noon pa lang iniisip ko na ang possibility na mangyayari ito" ang komento ni Michael. "Pero bilib ako sa yo tol. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa mong isuko ang gusto mo ha."
"Ako sumuko. Hindi ah. Never kong gagawin ang bagay na yan." ang pagdeny ni Bryan sa narinig.
"Eh ano yung sinabi mo kanina kay Tita."
"Nasabi ko lang yun para hindi na maging kumplikado pa ang sitwasyon. Baka kung magpumilit ako ay pahirapan niya si Andrew."
"So ano ba ang balak mo?"
"Naisip ko na sundin si Mama sa ngayon. Hihintayin ko lang na makapagtapos ako at makapaghanap ng magandang trabaho nang sa gayon ay hindi na ako aasa sa kanya. Hindi na niya ako makokontrol."
"I agree with your plan tol. Talagang ang laki ng pinagbago mo." ang masayang papuri sa kanya ni Troy. Simula nang makilala niya si Andrew ay napansin niya ang paglabas ng mga mabubuting katangian ng kaibigan.
"So the question is, makakaya mo bang dumistansiya sa kanya. Aba halos isang taon pa ang hihintayin mo?" ang tanong ni Michael.
"Pipilitin ko kung yun lang ang tamang paraan." ang tugon ni Bryan. "Kaya mga tol may papakiusap lang sana ako sa inyo."
"Kung tungkol kay Andrew, sige tutulungan ka namin." ang agad na sagot ni Troy.

Pinakiusap ni Bryan sa dalawa na pansamantalang tumingin kay Andrew at sabihin sa kanya ang lahat ng nangyayari sa kanya. Pumayag naman ang mga ito. 
_______
"Bakit ang aga mo anak. Wala ka bang tutorial ngayon?" ang nangtatakang tanong ng ina kay Andrew nang umuwi siya nang hapong iyon.
"Wala na po nay." ang walang emosyong tugon nito.
Napansin ng ina ang kakaibang itsura ng anak.
"Pinahinto na po ako ni Mam Sebastian." ang pagpapatuloy ni Andrew sabay upo sa silya at naghubad ng sapatos.
Nilapitan siya ng ina. "Bakit naman biglaan yata?"
"Gusto po niyang lumayo ako kay Bryan."

Nakuha na ng kanyang ina ang ibig ipakahulugan ng anak.
"Hayaan mo na anak, tutal kahit papaano ay nakapag-ipon ka naman di ba."
"Opo nay. At napagdesisyunan kong tanggihan na rin ang iaalok niya sa akin na bagong trabaho para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Sige po nay pahinga na muna ako."
Hinayaan na muna ng ina ni Andrew ang anak. 
_______
Kinagabihan habang naghahapunan ang mag-ina ay inilahad ni Andrew ang lahat ng mga nangyari sa ina.  Patapos na sila ng pagkain ng biglang may kumatok sa pinto ng kanilang bahay.

"Kayo na po magbukas nay baka si Bryan yan." si Andrew.
"Wala ka bang balak siyang kausapin anak?" ang tanong ng ina.
"Sabi nga ni Mam Sebastian na lumayo na akosa anak niya di ba? Kaya hindi ko na siya kakausapin pa."
"O siya sige ako na magbubukas." ang tugon ng ina sabay tayo papunta sa pinto.

"Magandang gabi po nay." ang pagbati ni Bryan sa ina ni Andrew pagkabukas ng pinto. "Si Andrew po?"
"Ah nagpapahinga na. Medyo masakit ang pakiramdam niya." ang pag-aalibi ng ina.
"Ganoon po ba?" ang malungkot niyang tugon. "Patawad po nay sa mga nangyari, sa ginawa ng Mama ko."
"Ayos lang iho. Ganoon talaga ang buhay, hindi laging masaya. May mga pagsubok pa rin tayong dadanasin. Alam kong malalampasan din natin ang mga ito. Maaari ko bang malaman kung ano ang pakay mo sa kanya?"
"Gusto ko lang po siyang kausapin sa nangyari kanina. Sasabihin ko po sa kanya ang mga plano ko."
"Plano?" ang nagtatakang tanong sa kanya ng ina ni Andrew. "Kung tungkol yan sa pagsuway mo sa utos ng iyong magulang at ipagpilitan ang iyong kagustuhan ay huwag mo na sana ituloy."
"Pero sana po maintindihan niyo na hindi ko kayang mawalay kay Andrew."
"Alam ko iho ang nararamdaman mo. Ngunit hindi mo ba naisip ang posibilidad na baka lumala pa ang sitwasyon. Sana maintindihan mo rin na iniisip ko ang kapakanan ng aking anak."
"Opo nay. Kaya nga po pinagplanuhan ko pong maigi ito."

Akmang sasagot pa ang ina ni Andrew nang biglang ubuhin ito.
"Ayos lang po ba kayo nay." ang nag-aalalang tanong ni Bryan. Hinagod niya ang likuran nito.
"Oo iho medyo malamig kasi eh. Sige na umuwi ka na, masyado nang gabi."
_______
Nanatiling nakatayo si Bryan sa kanto. Hindi siya uuwi hanggat hindi niya nakakausap si Andrew. Nagtiyaga siyang maghintay hanggang sa makahanap siya ng tiyempo. Madaling araw na at halos tahimik na ang lugar na iyon nang magdesisyon siyang bumalik sa bahay nito. Tinungo niya ang bintana ng mismong silid ni Andrew. Inangat niya ang kahoy na nagsisilbing pangsara nito.

Naaninag siya ni Bryan sa pamamagitan ng ilaw na nagmumula sa poste. Nakahigang nakatagilid siya patalikod sa bintana. Pumasok siya at umupo sa matigas niyang kama.

Ang haplos ng kanyang kamay sa ulo ang siyang nagpagising kay Andrew.
"Bryan anong ginawa mo dito?" ang tanong niyang may pagkabigla. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo.
"Gusto lang kitang makausap at huwag kang maingay baka magising si nanay." ang sagot ni Bryan. Ikaw kamusta ka na?" ang sunod niyang tanong. Nais niyang alamin ang kanyang kondisyon matapos ang mga nangyari.
"Ayos lang." ang matipid na tugon ni Andew.

Sa kabila ng madilim na silid ay napansin ni Bryan mata ni Andrew, iba sa dating maganda at mapungay na isa sa mga nagustuhan niya rito.
"Thats a lie. Kaya pala tinakbuhan mo ako kanina."
"Nagmamadali lang ako kanina."
"Talaga, e bakit ka naiiyak? Huwag kang magkaila, napansin kita kanina. Hanggang ngayon, kita ko sa mga maga mong mata."
"Ang linaw naman ng mata mo." ang nasabi na lang ni Andrew sabay yuko.

Naramdaman na lang ni Andrew ang mga malalaking braso na bumalot sa kanyang katawan.

Itutuloy...

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon