Campus Trio part 5

12.5K 267 10
                                    

"Ahm, bago yan, thank you ulit sa pagpayag mo na sumama sa aking kumain." ang nakangiting pahayag ni Troy habang nakatingin kay Andrew.

Tumingin sa kanya si Andrew. "Youre Welcome basta ikaw." ang kanyang tugon.

"Alam mo ba ngayon lang ako sumaya ng ganito."

"Talaga?"

"Oo, at dahil sa iyo yun Andrew."

Napatigil sa pagsubo si Andrew. Hindi niya maitanggi sa kanyang sarili na nasiyahan din siya sa sinabi nito ngunit may pag-aalinlangan pa rin siya. Malay ba niya na kinukuha lang nito ang kanyang loob para sa kanyang kaibigan na si Bryan.

"Ikaw naman, mahilig ka palang magbiro heheheh"ang kanyang sagot.

At sa pagkakataong iyon, mula sa masayahing mukha ni Troy ay naging seryoso ito.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?"

Hindi agad nakasagot si Andrew. Maya-maya lang ay inilapit ni Troy ng kaunti ang kanyang mukha kay Andrew.

"Im trying to be nice sa iyo pero parang hindi ka pa rin naniniwala sa akin"

Wala nang nagawa si Andrew kundi ang umamin at sabihin ang kanyang mga totoong iniisip tungkol kay Troy.

"Honestly, may mga doubts pa rin ako hanggang ngayongtungkol sa mga intentions mo sa paglapit sa akin, siguro dahil na rin kay Bryan."

Napailing ng ulo si Troy. "Ok I understand. Siguro yung galit sa kanya ang dahilan ng iyong mga pagdududa sa akin. Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo,seryoso ako sa mga ginagawa ko sa iyo."

Ngumiti lang si Andrew sa kanya. At habang pinagmamasdan niya ang kausap ay doon niya narealize ang itsura nito. Talaga palang pinagpala siya dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang makisig at gwapong lalaki. Halos matulala na siya sa kanyang mga nakikita.

"Uy! may problema ba sa mukha ko" ang pambasag niya na nagpabalik sa ulirat ni Andrew.

"Ah... eh wala naman." ang nasabi lang ni Andrew sabay lagok ng kanyang iniinom.

"Ok. Siguro naman Andrew papayag ka na sa hihingiin ko sa iyo."

"Ah oo, basta kaya ko bakit hindi." ang pambawi niyang sagot marahil sa pagkapahiya sa pagkatulala niya.

"Actually sa maniwala kat sa hindi, nung unang araw pa lang na nakita kko yung ginawa mo kay bryan sa court, nagkaroon na ako ng interes sa iyo. Kaya gusto sana kitang maging kaibigan kung ok lang."

Lubusang nabigla si Andrew sa kanyang narinig. Unang pagkakataon kasing may nagsabi at nag-alok ng pakikipagkaibiganm sa isang tulad niya.

"Kakahiya naman yun." ang sagot ni Andrew sa kanya.

"Dahil ba sa estado ng buhay natin? Dahil ba kay Bryan? O inaalala mo ang magiigng reaksyon ng ibang mga estudyante sa campus?" ang tanong ni Troy.

"Alam mo Andrew, sincere ako sa pakikipagkaibigan sa iyo. Sa maniwala ka sa hindi, sa iyo ko lang ginawa ito dahil kakaiba ka sa lahat ng mga estudyante. Kaya sana pagbigyan mo na ako. Sana huwag mo akong isama sa galit mo kay Bryan."

Kita ni Andrew sa mga mata ni Troy na talagang tapat siya sa kanyang mga ipinahayag.

"Wala naman mawawala sa akin kung papayag ako di ba? Sige."

Itinaas ni Troy ang hawak niyang baso.

"So this is the official day na magiging friends na tayo. Cheers!"

______

"Mam Good afternoon po. Nasaan po si Andrew del Rosario?" ang tanong ni Bryan sa librarian.

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon