Patuloy pa rin sa pagbibihis si Bryan at si Andrew ay nananatiling nakamasid sa kanya. Lingid sa kaalaman nito na nahalata ni Bryan ang pagtitig nito sa kanya at sinadya talaga niyang gawin iyon sa harap niya.
"Ayos to ah, fitted talaga sa akin." ang sabi nito matapos isuot ang pinahiram na damit ni Andrew.
Kitang kita naman ni Andrew na tila puputok na ang suot nitong lumang t-shirt na puti dahil sa kaliitan. Bakat na bakat talaga ang laki ng pangangatawan nito. Nang mapadako ang tingin nito sa ibaba ay napansin niya na nakaumbok pa rin ng pagkalalaki nito.
"Ui! tulala ka na jan may problema ba?" ang tanong ni Bryan kay Andrew na nagkunwaring walang kaalam-alam sa ginagawa nito."
"Wa..wa..wala. Inaantok na kasi ako." ang alibi ni Andrew sabay hikab ngunit nang tignan niya ang kausap ay bigla itong natawa sa kanya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" ang naitanong ni Andrew sa kanya.
"Hindi ikaw kundi yang pagsisinungaling mo. Gawain mo rin pala yan eh. Nagagalit ka pa sa mga sinabi ko sa nanay mo ah."
Natauhan na si Andrew sa sagot nito at nagsisimula na naman siyang mainis kay Bryan.
"Ako sinungaling? Tsk. tsk.tsk."
"Oo, ayaw mo kasing umamin."
"Anong ibig mong sabihin ha?"
"Na pinagpapantasyahan mo ako. Halata ko naman sa mga nagnanasa mong mata. Hindi na bago sa akin yan."
Hindi agad nakapagsalita si Andrew dahil sa totoo naman ang sinabi nito. "Kung bakit ka kasi nagpahalata Andrew. Oo nga naman, madali nga niyang makilatis ang mga taong may pagnanasa sa kanya dahil sa dami ng mga nagkakagusto sa kanya sa school." ang nasabi niya sa kanyang sarili.
Bigla namang nilapit ni Bryan ang mukha niya sa nakaupong si Andrew. "Kita mo namumula ka na oh. Sabi ko na nga ba aminin mo na kasing may gusto ka sa akin."
Hinawakan naman ni Andrew ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ah, at saka ang kapal naman ng mukha mo. Ano naman palagay mo sa akin?"
Umupo na si Bryan sa tabi ni Andrew at inakbayan ito. "Natural lang na itago mo sa akin yan. Pero I will assure you one thing. Wala akong pakialam sa kung anuman ang sexual preference ng isang tao. So kung anuman ang kinakatakot mong malaman ko ay ngayon pa lang tanggalin mo na yan dahil ayos lang sa akin."
Kahit maganda ang sinabi ni Bryan ay hindi nito mapaniwalaan ng buo ni Andrew. Napakaimposible talaga kasi sa tulad ni Bryan ang magbitaw ng ganoong mga salita. Kaya may mga pagdududa pa rin siya sa kabila ng pagkahumaling niya sa kanya.
"Teka nga ano ba talaga ang ginagawa mo dito?" ang naitanong na lang ni Andrew sa kanya. Medyo ginalaw na niya ang katawan kay Bryan upang maalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.
Ngunit mas lalo pang hinigpitan ni Bryan ang kanyang akbay na halos nakayakap na ang braso nito sa katawan ni Andrew. "Ulyanin ka na ba Andrew. Siyempre sasama ako sa trabaho mo di ba?"
Nagulat naman si Andrew sa sagot nito. Wala naman siyang nakakalimutan na sinabi niya iyon ngunit di niya akalain na seseryosohin talaga nito.
"Bahala ka tignan lang natin kung makakatagal ka."
"Ako pa Andrew. Kahit anong bagay hindi ko inaatrasan. Kanina nga lang diba nung kinain ko yung ulam niyo."
"Ano naman kinalaman ng pagkain sa trabaho ko. Siyempre napilitan ka lang dahil nahihiya ka kay nanay."
"Hindi ganoon yun Andrew. Ginawa ko lang iyon dahil may nais akong patunayan. Isa pa nasarapan din naman ako sa luto niya eh."
Napaisip si Andrew sa una nitong sinabi. " Ano naman yung dapat mong patunayan?"
Hindi na sinagot pa ni Bryan ang tanong na iyon ni Andrew. "Tara na matulog na tayo." ang sabi na lang nito sa kanya.
Humiga na si Bryan sa plywood na kama ni Andrew na nilatagan ng banig. Napansin naman ni Bryan na nakaupo pa rin si Andrew.
"Higa ka na." ang sabi nito habang nakataas nakaunan ang ulo sa nakataas niyang braso.
"Dali, dito ka na sa dibdib ko umunan. Pwede mo na rin akong gawing tandayan."
Ngunit hindi pa rin humihiga si Andrew kaya si Bryan na ang naghatak sa braso nito para humiga.
"Yan Good."
Ilang minuto ang nakalipas nang makatulog na si Andrew sa kanyang posisyon. Samantalang si Bryan naman ay gising pa, dinadama ang taong nasa tabi niya ngayon at nakayakap sa kanya. Napapangiti siya at nagugustuhan niya ito.
"Sana ganito lagi taong ganito Andrew." ang sabi niya sa kanyang sarili habang hinahaplos ang buhok nito.
______
Alas kwatro ng umaga nang magising si Andrew kinabukasan. Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga nang mapansin niya na nakayakap pala siya at nakadantay sa katabi niyang si Bryan.
"Naku napasarap ang tulog ko nakakahiya sa kanya." sa isip-isip ni Andrew. At nang makita niyang mahimbing pa rin itong natutulog ay nakahinga siya ng maluwag.
Sa halip na gisingin ay sinamantala na niya ang pagkakataon upang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Nahuhumaling na naman siya sa mukha nitong natutulog na mistulang isang anghel. Ang nakataas nitong buhok ang lalong nagpagwapo sa kanya. Marahan niyang pinisil ang maskulado nitong braso. At higit sa lahat ang pagkalalaki nito na mas lalong lumaki ang umbok marahil ay tumigas ito. Parang gusto na niyang salatin iyon ngunit minabuti na lang niyang pigilan ang sarili sa tukso na iyon.Ginising na lang niya ito.
"Bryan gising na." ang malakas na pagyugyong niya dito.
"Andrew maaga pa ah." Umupo na ito mula sa pagkakahiga at nag-unat ng braso at nagkusot ng mata. "Madilim pa." ang dagdag nito sumulyap ito sa bintana.
"Kailangang ganitong oras ako gumising, at saka may importanteng lakad ako mamaya. Tara na tumayo ka na dyan."
Lumabas na si Andrew ng silid. Samantalang si Bryan ay nanatiling nakaupo. "Ganito pala ang ginagawa niya araw-araw. Kulang na sa oras ang tulog niya kaya siguro ganoon ang pangangatawan niya." sa isip ni Bryan. Nakaramdam siya ng awa para kay Andrew.
______
"Medyo malayo ang lalakarin natin dahil pupuntahan sa subdivision alam ko namang kaya mo isipin mo na lang na exercise ito." ang pahayag ni Andrew habang naglalakad sila sa kalsada. Tumango ito sa kanya.
"Teka nga pala, nasaan pala yung kotse mo."
"Hindi ko na dinala, nagpahatid na lang ako kay Michael dito."
"Ah ok."
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa subdivision.
"Magandang umaga po Manong guard." ang masiglang pagbati ni Andrew sa gwardya ng lugar.
"Magandang umaga din. May kasama ka pala."
"Ah si..." ang pagpapakilala sana ni Andrew nang putulin ito ni Bryan.
"Ako si Bryan, bestfriend po ni Andrew."
"Ah. Sa tingin ko hindi ka mangangalakal, parang mayaman ka kasi." ang puna ng gwardya sa itsura ni Bryan.
"Sige po Manong mangongolekta na kami baka malate ako sa pagpasok." ang pag-iiba na lang ng usapan ni Andrew.
Isa-isang hinalungkat ni Andrew ang mga basurang nakalagay sa mga trash can sa bawat kabahayan doon.
"Ano ba ang mga kinukuha mo dyan?" ang tanong ni Bryan na nag-oobserba sa ginagawa ni Andrew.
"Mga bagay na maibebenta sa junk shop."
"Meron pa ba nun jan eh puro naitapon na yan dahil useless na."
"Oo, tulad ng mga lata, papel, dyaryo at bote. Binibili ng junkshop ang mga iyon dahil narerecycle."
"Ah. hindi ka ba nandidiri jan."
"Alam kong itatanong mo iyan sa akin. Sanay na ako dito, sa panahon ngayon dapat hindi ka na mamili sa trabaho mo, ang importante marangal ito. Nakapalaking tulong sa akin ang perang kinikita ko dito dahil nagagamit ko bilang baon sa pagpasok. Sa estado ng buhay namin ni nanay, kailangan talagang kumayod." ang seryosong tugon ni Andrew.
Lubos na humanga si Bryan sa pahayag na iyon ni Andrew. Hindi pala biro ang routine nito sa umaga bukod sa kanyang pag-aaral. Sa kabilang banda ay naaawa siya dito kaya naisip niya na tama lang ang ginawa niyang kunin ito bilang tutor ng kanyang kapatid nang sa gayon ay matigil na ito sa ganitong kahirap na trabaho.
Tumulong na rin sa paghahanap si Bryan. Kahit nandidiri sya ay tiniis niya ito para matulungan lang si Andrew.
Maliwanag na nang matapos sila sa pangongolekta. Bago sila pumunta ay isa-isa nilang inapakan para mapipi ang mga bote at lata.
"Kailangan pa bang gawin ito?" ang tanong ni Bryan sa kanya.
"Siyempre naman para mabigat sa timbang. Depende kasi sa bigat ang ibabayad ng junkshop.
"Ganoon pala ibig sabihin mababa lang ang kita kapag magaan?"
"Oo naman."
Nang matapos ay naglakad na sila papuntang junk shop.
"Ako na ang magbubuhat Andrew." ang alok ni Bryan nang mapansin na medyo nabibigatan si Andrew sa bitbit nitong malaking itim na plastik na naglalaman ng kanilang nakolekta.
"Ang gaan pa nito ah. Mas mabigat pa yung mga weights na binubuhat ko sa gym." ang sabi nito nang ipasa sa kanya ni Andrew ang dala. Ngunit sa isip niya ay mabigat na ito kung ang pagbabasehan ay ang pangangatawan ni Andrew.
"65 pesos lahat." ang sabi ng may-ari ng junkshop matapos kwentahin ang lahat ng kalakal. Binigay na nito kay Andrew ang bayad.
"Halos tatlong oras ka nagtrabaho ganyan kaliit lang ang kinita mo?" ang komento ni Bryan habang naglalakad na sila.
"Ganoon talaga at least meron di ba. pangbili na rin ito ng bigas." ang nakangiting tugon ni Andrew.
"Dapat talaga tumigil ka na sa trabaho mong ito ngayon pa at magkakaroon ka na ng part-time job na pagtutor."
Napatingin si Andrew sa kanya. "Teka paano mo nalaman?"
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Teen FictionBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...