Lingid sa kaalaman ni Andrew na alam na ni Bryan ang dahilan ng kanyang pagkabigla sa nakita niyang suot nitong kwintas. At least kahit hindi man niya direktang sabihin ay naiparating nito sa kanya ang nararamdaman nito hanggang ngayon.
"Hanggang ngayon, suot pa rin niya ang kwintas, ibig sabihin ay may nararamdaman pa rin siya sa akin. Ito siguro ang dahilan kung bakit niya kami tinulungan ni nanay." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili.
Sa kabila ng kanyang mga nalaman ay hindi pa rin niya magawang magdiwang dahil sa nabuo niyang prinsipyo na hindi na siya papasok sa isang imposible at komplikadong relasyon. Kahit paano ay may pagkalito pa rin sa kanyang isip at puso pero itinago na lang niya iyon sa taong kanyang kaharap ngayon.
"Bilisan na natin kumain para makabalik agad tayo sa ospital." ang kanyang sinabi matapos ang ilang minutong pag-iisip.
"Sige. Kailangan ko na ring bumalik ng opisina. Pero ihahatid muna kita papunta roon." ang tugon naman sa kanya ni Bryan.
Abala pa rin sila sa pagkain nang biglang maalala ni Bryan ang sinabi sa kanya ng kanyang dad tungkol sa napag-usapan nila ni Andrew.
"Ah Andrew, nabanggit pala sa akin ni Dad na wala pa pala kayong matutuluyan ni nanay mo pagna discharge na siya. Kung gusto mo, doon na kayo sa aking bahay tumuloy."ang pag-aalok nito sa kanya.
Napatingin si kanya si Andrew, nagulat sa biglaang pag-offer nito. Totoo namang pinoproblema niya ngayon ang magiging tirahan nila pero hindi siya agad maka oo dito. Una, alam na niya na may nararamdaman pa rin ito sa kanya, dahil sa iisang bahay sila tutuloy, ay posibleng bumalik sila sa dati na iniiwasan niyang mangyari. Pangalawa, ang pinaka komplikado sa lahat, kung papayag siya ay magkukrus muli ang landas nila ng mama nito pati na rin ng fiancee niyang si Sarah.
Naalala bigla ni Andrew ang sinabi sa kanya noon ni Troy nung huling dalaw nito sa kanila sa probinsya.
"Magkasama pa rin sila ngayon ni Sarah. Hindi pa sila kasal ngunit may anak na sila."
Isang bagay na natural lang mangyari sa isang lalaki na siyempre masakit para sa isang tulad ni Andrew. In short, talunan talaga sila kapag involve na ang babae sa isang relasyon.
"Thanks for the offer, pero maghahanap na lang kami ng maliit na kwarto. Marami namang paupahan dito sa Manila di ba?" ang pagtanggi ni Andrew sa kanya.
"Nag-aalala lang naman ako sa inyo. Alam kong kaunti na lang ang natitira sa inyong pera baka hindi niyo kakayanin ang magiging renta."
Umiling si Andrew. "Kung noon nga nairaos namin ang buhay sa probinsya, siyempre makakayanan din namin ito ngayon ni nanay. Nahihiya na ako sa iyo Bryan sa dami ng naitulong mo sa amin. Ayoko namang abusuhin iyon. Hindi naman kami ganoon kainutil para di makatayo sa sarili namin"
"Kailanman ay hindi ako nag-isip ng ganyan. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil bumabawi ako sa mga pagkakamali ko sayo noon. At patuloy ko pa rin itong gagawin."
Hindi sumagot si Andrew.
"I remember kung ano ang sinabi sa akin ni Dad. Na gagawin mo ang lahat para makabayad lang sa utang na loob. Honestly hindi talaga kami pabor sa gusto mo dahil kusang loob namin ang ginawa naming pagtulong but one day, naisip ko na ang sinabi mong ito ang panghahawakan ko para makasama kita ulit." ang kanyang pagpapatuloy.
"Anong ibig mong sabihin Bryan?"
"Lahat gagawin mo di ba, pinangako mo yan kay Dad. So... wala ka nang choice kundi sumunod sa gusto ko. Isa na roon ang tumira kayo ni nanay sa akin. Simula ngayon, ako na ang responsible sa inyong dalawa."
Hindi naman ganoon ang pinag-usapan nina Andrew at Dr. Luis gaya ng sinasabi ni Bryan ngayon ngunit sa pagkakataong ito ay may punto siya. Sa isip-isip niya ay magaling pa rin talaga siyang magmanipula ng mga pangyayari.
"Ok. Tama ka. I admit na medyo mahihirapan kaming magsimula ulit ni nanay dahil nasa probinsya ang halos lahat ng kabuhayan namin. Gaya nga ng sabi mo no choice na ako kundi pumayag."
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Bryan dahil sa pagtatagumpay ng kanyang plano.
"Kahit papaano, nakatulong ang pride mo sa akin ha. Pero salamat at pumayag ka. Napasaya mo talaga ako Andrew." ang pahayag niya sabay hawak sa isang kamay ni Andrew.
Agad namang kumalas si Andrew at sulyap sa paligid. "Tapos na ako tara na."
Gaya ng sinabi ni Bryan ay hinatid niya si Andrew pabalik ng ospital. Bago buksan ni Andrew ang pinto ay saglit siyang pinigilan nito.
"Nakuha ko na ang number mo kay Dante." ang sabi nito sabay pindot ng kanyang cellphone.
Maya-maya lang ay tumunog naman ang cellphone ni Andrew sa bulsa.Nag miscall pala ito sa kanya.
"Yan! youre lucky dahil iilan lang ang binibigyan ko ng personal kong number. Kung alam mo lang na marami ang nagkakandarapa na hingiin ito sa office."
Napangiti na lang si Andrew sa sinabi nito.
______________
Hinahanda na ni Andrew ang mga gamit nilang mag-ina para sa paglabas nito ng ospital kinabukasan.
"Anak parang malalim ang iniisip mo ha." ang pagpuna sa kanya ng ina nito. "May problema ka ba?"
"Tungkol kasi kay Bryan. Inalok niya kasi ako na doon na tayo tumuloy sa kanya."
"Ganoon ba? Pumayag ka ba anak?"
"Sa ngayon po wala akong magagawa kundi pumayag. Unti-unti na kasing nauubos ang naitatabi kong pera. Tapos malapit na rin ang pasukan. Pero pansamantala lang iyon nay. Pag maayos na ang lahat, bubukod agad tayo."
"Halika muna dito anak." ang malambing na pagyaya nito. Agad naman siyang sumunod at umupo sa bandang gilid ng kanyang higaan.
Hinaplos ng kanyang ina ang ulo ni Andrew. "Kilala kita anak. Alam kong naguguluhan ka. Umamin ka sa akin, nung unang makita mo si Bryan ano ang naramdaman mo?"
"Sa totoo lang po, masaya ako sa muli naming pagkikita lalo nang malaman ko na siya ang tumulong sa atin."
"Iyon lang ba?"
"Opo nay."
"Mahal mo pa ba siya?"
Natigilan si Andrew sa hindi inaasahang tanong na iyon sa kanya ng ina. Matatandaan na masama ang loob nito kay Bryan sa ginawa sa kanya noon.
"Ikaw lang ang nakakaalam ng sagot anak. At ikaw lang din ang may kakayahan na magkontrol ng iyong buhay. Malaki ka na at alam mo na ang tama at maling bagay." ang pagpapatuloy nito.
"Hindi ko na po iniisip yan. Isang malaking kalokohan lang naman ang pagmamahal para sa isang tulad ko." ang tugon ni Andrew.
Napabuntung-hininga muna ang kanyang ina bago magsalita ulit. "Alam mo anak, nang malaman ko na si Bryan ang tumulong sa atin, naglaho na ang kinikimkim kong sama ng loob sa kanya. Naisip ko na maswerte ka anak at nakilala mo ang isang tulad niya. Kung di dahil sa kanya, baka nagkahiwalay na tayo ng tuluyan."
Hindi umimik si Andrew, hinihintay ang pagpapatuloy ng kanyang ina.
"Isipin mo na lang anak kung bakit niya ginagawa niya ito sa atin? At iyon ay dahil sa mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. At ang nararamdaman niyang iyon sayo ang nagbigay sa akin ng pangalawang buhay. Tapos ito, patuloy ka pa rin niyang tinutulungan."
Walang naging pagtutol si Andrew sa mahabang pahayag ng kanyang ina. Napatunayan din niya ito nang makitang suot pa rin ni Bryan ang kwintas.
Tumayo siya, tinumbok ang isang malaking bag na naglalaman ng mga damit nilang mag-ina. At sa bulsa nito sa loob ay kinuha niya ang isa pang kwintas, na may pendant na initial ng kanyang pangalan.
Naalala niya ang sinabi ni Bryan na dalawang kwintas na suot nila ang simbolo ng kanilang pagmamahalan. At nang makipaghiwalay siya dito ay hindi na niya ito muli pang sinuot. At kahit pa ngayong alam niya na may pagmamahal pa rin sa kanya si Bryan ay hindi pa rin niya ito magawang suotin.
"Nasa iyo pa rin, ang binigay niya sayo. Kung wala ka na talagang nararamdaman sa kanya ay dapat na wala na sa iyo yan." ang pahayag ng kanyang ina patungkol sa kwintas.
"Gaya po ng sabi ko nay, hindi na po mahalaga kung ano ang nararamdaman ko." ang naisagot na lang ni Andrew dito.
_____________
"Good Morning po!" ang masiglang bati ni Bryan sa nakahigang ina ni Andrew kinabukasan.
"Ikaw pala iho, halika pasok ka." ang nakangiting tugon naman nito sa kanya. "Wala si Andrew umuwi saglit sa tinutuluyan niya nag-ayos na ng mga gamit niya.
"Ok lang po. Mamayang tanghali na daw kayo lalabas nay sabi ni Dad."
"Oo nga iho."
"Siyanga po pala, inalok ko si Andrew na sa akin na kayo tumuloy, alam ko kasing wala kayong matitirahan."
"Nagkausap na kami tungkol sa bagay na yan, at nagpapasalamat ako sayo. Pumayag na siya sa alok mo."
Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang naramdaman ni Bryan sa kanyang narinig. Malaking bagay kasi ito para mapalapit ulit siya kay Andrew.
"Mabuti naman po at pumayag na siya." ang nakangiti nitong pahayag.
"Ah Bryan, nandito ka na rin lang, ay kakausapin na rin kita ng masinsinan."
"Sige nay, ano po ang sasabihin niyo?"
"Malaki ang nagawa mong tulong at nagastos sa amin. At alam kong ginawa mo iyon dahil sa pagpapahalaga mo sa aking anak."
"Totoo po yan nay."
"Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon di ba?"
Walang pag-aalinlangang tumango si Bryan bilang pagtugon sa tanong nito.
"Sabi ko na."
"Ngayong alam niyo na po ang nararamdaman ko sa anak niyo, matatanggap niyo pa ba ako para sa kanya?" ang di niya maiwasang itanong. Naalala kasi niya ang pagtataboy nito sa kanya bago ang huling pag-uusap nila ni Andrew noon.
"Ito lang ang masasabi ko sayo, kung anuman ang magiging desisyon ng aking anak ay susuportahan ko. Gaya nga ng sinabi ko sa kanya kagabi, siya na ang nakakaalam ng makakabuti sa kanya."
Doon nakumpirma ni Bryan na wala nang galit sa kanya ang ina ni Andrew.
"Salamat po nay. Kung mangyaring magkalapit ulit kaming dalawa ay hindi na pala kayo tutol." ang nakangiting pahayag nito."
___________
Habang nag-eempake si Andrew ay tinawagan siya ni Troy. Saglit siyang humito para kausapin ito.
"Hey Andrew whats up?" ang agad na tanong nito sa kanya.
"Ito, naghahanda sa paglipat namin sa bahay ni Bryan. Kayo naman ni Maribel kamusta na."
"Eto busy pa rin sa business, alam mo namang kami na lang ang inaasahan ni grandma di ba?.... So pumayag ka pala sa inalok niya sayo."
"Napilitan lang ako no choice eh. Ilang araw na lang tatagal itong perang tinatago ko."
"Bago pa man niyang sabihin sayo yan ay binanggit na niya sa akin ang tungkol dyan. At ngayon pa lang alam kong masayang-masaya na ang bestfriend ko."
"Mabuti naman at wala na kayong tampuhang dalawa."
"After ng vacation namin sa inyong province ay nag-usap kami. At doon kami nagkaayos." ang simpleng tugon nito. Hindi na niya dinetalye pa ang kanilang pinag-usapan.
"Pero Andrew, naalala mo di ba yung sinabi ko sayo noon tungkol sa kanya, na nagsasama na sila at may anak na." ang pagpapatuloy ni Troy.
"Oo naman. Actually yan ang isa sa pinakadahilan ko kung bakit nagdadalawang isip ako na tanggapin ang offer niya sa akin."
"May itatama lang kasi ako tungkol diyan. Totoong may anak na sila but hindi sila nagsasama."
"No need to say that. Wala na akong pakialam pa sa kung ano ang meron sila ni Sarah. Actually Troy naisip ko na rn ang posibilidad na magkrus muli ang landas namin ni Sarah at lalo na ng Mama niya, at pinaghandaan ko na iyon. Hindi rin naman kami magtatagal doon."
"Ok. So goodluck na lang sayo diyan. If anything happens just call me. Dont worry sasagot na ako nun."
"Sige salamat Troy."
____________
"Mommy nandito na po sina Tita Sarah." ang tila excited na sigaw ng batang si Billy na kasalukuyang naglalaro sa garden sa kanyang mama nang makita ang kotse nito.
Agad namang lumabas sa loob ang ina nito, hinihintay ang paglabas ni Sarah sa loob ng kotse.
"Good Morning po Mommy." ang masiglang bati nito sa kanya.
"Good morning din, at sayo rin Carl." ang tugon naman nito sabay kiss sa pisngi sa karga nitong bata. "Miss na miss ko na ang aking apo!" ang naibulalas niya sabay kuha nito kay Sarah para kargahin. Nilapitan din ito ni Billy at kinukurot ang pisngi.
"So kamusta na pala ang preparations niyo ni Bryan para sa 1st birthday ng aking apo." ang tanong nito sa kanya.
"Hindi pa namin gaano napapag-usapan yan Tita, masyado po kasi siyang busy."
"Ganoon ba. Hayaan mo kung wala siyang time, ako na lang ang tutulong sayo sa paghahanda."
"Mommy dito po ba sa bahay magcecelebrate si baby Carl ng birthday." ang pagsingit naman ni Billy.
"What do you think Sarah?"
"Its ok kung dito gaganapin."
"Yes! ang masayang sambit ng bata."I will invite all of my classmates and friends."
Nagkatawanan silang dalawa.
"By the way Mommy, kaya po pala ako naparito para itanong kung may idea kayo kung saan maaaring pumunta si Bryan. Galing kasi ako sa kanilang unit at walang tao doon, hindi ko rin siya macontact sa kanyang cellphone."
"Baka naman maaga umalis, alam mo naman ang trabaho ng isang engineer."
"Tinawagan ko rin po siya sa opisina, at sabi nila ay wala pa siya doon. Actually may napapansin na akong may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw."
"Kung ganoon agad akong gagawa ng paraan kung sakaling may ginagawa siyang kalokohan. Hindi katwiran sa akin ang pagiging independent, he is still my son." ang makahulugang pahayag nito.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Genç KurguBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...