Campus Trio part 18

9.6K 191 4
                                    

Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.

"Sinabi ko bang tumingin ka sa akin?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niyang libog. Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Magkagayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan.

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang pagtawa ni Bryan.

Sa lababo ay hindi pa niya magawang maghugas dahil tinitignan pa niya ang nasabing likido. Unang beses pa lang niya makakita nito kaya inamoy niya. At isang bagay ang di niya napigilang gawin sa sarili.

______

Pagkababa pa lang ni Andrew ng jeep na sinakyan kinabukasan ay napansin na niya ang mga estudyante sa paligid na nakatingin sa kanya, hanggang sa makapasok na siya sa campus ay ganoon pa rin. At nang makarating siya sa lobby ay nakita niya ang kumpulan ng mga ito na nakatingin sa malaking bulletin board.

"Mga schoolmates nandito na siya!" ang sigaw ng isang babae. Clueless pa siya sa mga oras na iyon kaya wala siyang gaanong reaksyon.

At nalaman na lang niya na siya pala ang tinutukoy ng sumigaw nang magtinginan sa kanya ang mga estudyante.

"Ang kapal naman ng mukha mong agawin si Bryan." ang banat ng isang babaeng may katabaan ang itsura.

Nagtaka naman siya sa mga sinasabi nila kaya tinignan niya ang board. At tumambad sa kanya ang mga larawang magkasama sila ni Bryan sa mall. Sa isip niya, isang espiya ang kumuha ng mga ito dahil detalyado talaga ang pagkakakuha. At ang nakakuha ng kanyang pansin ay ang litrato na kung saan ay nagkiss silang dalawa habang karga siya. Ginuhitan siya ng sungay sa ulogamit ang marker.

"User ka! Bakla!" ang patutsada ng isa pang babae.

At nagsimula nang magsigawan ang mga estudyante. Sa sobrang pagkagulat ni Andrew sa hindi inaasahang ginawa ng mga ito ay napaluha na lang siya. Sobrang masakit sa kanya ang mga salitang panlalait na lumalabas sa bibig ng mga ito.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang isang braso na humahaplos sa kanyang likuran. Nang lingunin niya kung sino iyon, nalaman niyang si Dina pala.

"Tama na Andrew, tara na sa room." ang bulong nito sa kanya.

"Aba kaya naman pala, tignan mo ang kaibigan niya isa ring bakla." ang biglang pagsingit ng isa pang babae.

"Ang sasama ninyo." ang sagot ni Dina sa kanila.

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon