Campus Trio part 14

10.9K 205 4
                                    

"Oh bakit ka umiiyak?" ang tanong ni Bryan nang mapansin ang reaksyon ni Andrew.
"Naku wala ito. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari."
"Like what?"
"Yung ngayon. Hindi ko kasi akalain na mama mo pala ang nagpapaaral sa akin. Tapos kung anu-ano pa ang mga pinaggagawa ko sa iyo. Nakakahiya tuloy. Tapos kayo rin pala ang nag-alok sa akin ng trabaho kaya mas lalo akong nahiya."
"Billy laro ka muna sa taas ha, mag-uusap lang kami ni Kuya Andrew mo." ang utos niya sa bata.

Nang makaalis ang bata ay nagpatuloy na ang kanilang pag-uusap.
"Pwede ba Andrew huwag mo nang isipin iyon. Kalimutan na natin ang nakaraan."ang pahayag ni Bryan. Inakbayan niya si Andrew.
"I cant believe na ang kilala kong Andrew na matapang, determinado at may positibong pananaw sa buhay ay maiiyak sa mga simpleng bagay na tulad nito. At take note may hiya ka rin palang nalalaman ha."

Natawa si Andrew sa pahayag na iyon ni Bryan habang nagpupunas ng kanyang mga luha.
"Pasensya ka na sa naging pagtrato ko sa iyo noon."
"No. I cant accept your apology nang ganun lang Andrew."

Napatingin naman si Andrew sa sagot na iyon ng kausap.
"Ahm I mean dapat may kapalit iyon."
"Yun ba sige ok lang kahit ano gagawin ko."
"Dalawang bagay lang, una, pag-igihan mo ang trabaho mo dapat matulungan mo talaga ang kapatid ko sa pag-aaral at pangalawa dapat maging mabait ka na sa akin. Huwag mo na akong susungitan pa. Kasi ang sakit ng puso ko kapag inaaway mo ako."

Natawa ulit si Andrew.
"Ikaw ha tinatawanan mo ba ako?"
"Hindi. Masaya lang ako."
"Good. So ngayon babaguhin na natin ang lahat at magsisimula ito sa pagpapakilala ko sa aking sarili."

Tumayo si Bryan sa tapat ni Andrew at inilahad ang kanyang kamay.
"I'm Bryan Luis Sebastian, eldest son of Dr. Florentina Sebastian and the most handsome guy in our university. Nice to meet you." ang pagpapakilala nito sa kanyang sarili.
"Ako si Andrew Tecson." at nagkamayan silang dalawa.
"Ok, since formal na tayong magkakilala, I hope na sana maging maayos ang ating ugnayan."

Tumango lang si Andrew.
"Halika magmeryenda muna tayo habang hinihintay mo si mommy."

Masayang nagkuwentuhan ang dalawa habang kumakain. Sa mga oras na iyon narealize ni Andrew ang pagiging kwela ni Bryan. Hindi niya tuloy maiwasang maikumpara siya sa kanyang kaibigan na si Troy na madalas ay seryoso lang.

Maya-maya lang ay narinig ng dalawa ang  tinig ng isang babae at lumapit sa kanilang kinaroroonan.
"Magandang hapon po Mam Sebastian." ang magalang na pagbati ni Andrew sa dumating.
"Sa iyo rin iho." ang sagot nito.
"Maraming salamat po sa ibinigay niyong trabaho sa akin. Napakalaking tulong nito para sa aming pamilya."
"Ay naku iho huwag ka sa akin magpasalamat, dito sa anak kong si Luis. Siya ang nagrekomenda sa akin na kunin ka."
Sinulyapan ni Andrew si Bryan at nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Sinuklian din niya ito ng isang ngiti.

"Iho, saan ka pala nakatira?" ang tanong ng ginang kay Andrew.
"Sa Tondo po mam."
"Ah malayo pala dito. Hindi ka ba nahirapan sa pagpunta dito?"
"Medyo po. Hindi ko kasi akalain na malayo nga. Nagpatulong po ako kay Troy na pumunta dito. Tinawagan ko siya sa isang phone booth nung nasa Cubao ako tutal naibigay naman niya sa akin ang kanyang contact number. Mabuti na lang at may sapat akong perang dala."
"Ah ok."
"Mom what if kung ako na ang maghatid-sundo sa kanya para hindi na rin siya gaano magastusan at mahirapan sa pagpunta dito." ang biglang pagsingit ni Bryan sa usapan nila.
"Good idea. Sige anak. So Andrew iho by next semester magsisimula ka na. Basta pag-igihan mo lang ang pagtuturo sa anak ko wala tayong magiging problema."
"Opo Mam."
"Everything clear so I have to go na. Mayroon pa akong pupuntahan na isa pang meeting. Luis ikaw na ang bahala sa bisita natin."
"Yes Mom. Sige po ingat kayo."
"Yung kapatid mo ipakilala mo na kay Andrew."
"Ok na po, nag meeet na sila kanina."
"Sige alis na ako."

Nagpatuloy ang dalawa sa pagmemeryenda.
"Masyado talagang busy ang mommy mo" ang pagpuna ni Andrew.
"Oo, halos araw-araw umaalis yan. Maliban kasi sa pagiging admin ng school, inaasikaso din niya ang family business namin. Pero naiintindihan namin siya ni Billy. Kahit hectic ang schedule niya hindi naman kami niya pinapabayaan."
"Ah. Yung daddy mo naman nasaan?"

Napansin ni Andrew ang pagbabago ng mood ni Bryan sa kanyang tanong. Hindi agad ito nakasagot sa kanya.
"Sorry ha. Feeling close na tayo kung makapagtanong ako." ang paghingi niya ng paumanhin.
"4 years ago pa nang mamatay si Dad sa isang car accident. Iyon din ang araw ng high school graduation ko." ang biglang paglalahad nito. Halatang mahal na mahal niya ang kanyang dad. Natural lang na malungkot siya ng ganito.
"Naku sorry ulit dapat talaga hindi ko na tinanong iyon. Nakakahiya na naman, masyado na yata akong namersonal sa iyo."
"Ok lang ako Andrew. Dont worry. Your presence is enough para makamove-on na ako." ang nakangiti na nitong tugon.
"Talaga. Ikaw ha ang hilig mo namang mambola." si Andrew. Pero sa isip niya ay nakaramdam siya ng kilig sa sinabing iyon ng kausap.
"Ewan ko sa iyo. Kung ayaw mong maniwala di wag. Sige na tapusin na natin ito para maihatid na kita pauwi."
______
Lingid sa kaalaman ni Andrew ang lubos na kasiyahan ni Bryan sa mga nangyari. Naging pabor sa kanya ang resulta ng kanyang ginawang hakbang. Kaya sa gabing iyon matapos niyang maihatid si Andrew sa tirahan nito ay tinawagan niya sina Michael at Troy para sa celebration ng kanyang tagumpay.

"Congrats pare." ang sabi ni Michael nang dumating sila ni Troy sa napag-usapan nilang bar.
"Oo, sige order lang kayo. Treat ko lahat."
"Galante ka na ngayon ha. Sige sasamantalahin na namin ni Troy. ang pagkakataon."
"Bahala kayo."

Kahit papaano ay naging masaya na rin si Troy para sa kaibigan. Sa tagal nilang pagsasama ay ngayon lang niya nakita ito na ganoong kasaya. Masasabi niyang binago na ni Andrew ang pagkatao nito. Base sa takbo ng mga nangyayari, naisip niyang tama ang desisyong magpaubaya.
______
"Mabait pala yung kapatid mo." ang komento ni Andrew sa ipinakita ng bata sa unang araw ng tutorial nila.
"Siyempre naman mana sa kapatid." si Bryan na ikinatawa ni Andrew.
"Oo mga 1%."
"Grabe ka naman. Parang sinasabi mo na masama akong tao ah." ang medyo nagtatampo nitong pahayag. "Ano pa kaya ang dapat kong gawin para maappreciate mo ang kabaitan ko?"

Tumingin si Andrew sa kanya. "Sapat na itong ginawa mo tulong sa akin at lubos ko itong pinagpapasalamat."
"Sige na tapusin mo na yang meryenda mo para maihatid na kita sa inyo." ang malumanay nitong sagot.
______
Makalipas ang dalawang buwan ay naging maayos ang takbo ng lahat para kay Andrew. Bukod sa matataas na grado na nakuha niya ng first semester ay wala rin siyang naging problema sa kanyang bagong trabaho sa pamilya Sebastian.

Sa mga panahon ding iyon ay mas lumalim pa ang samahan nila ni Bryan. Dahil sa kanyang trabaho ay halos araw-araw na silang magkasama. At doon nagsimulang umusbong ang kakaibang nararamdaman niya sa kanya.

Sa school naman ay mas lalong sumikat si Andrew. Naging usap-usapan sila ni Bryan ng lahat ng estudyante roon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Andrew mula kay Dina ang hindi magagandang komento sa kanya na nakapaskil sa bulleting board sa lobby.

Kimumpirma niya ang naturang impormasyon pagkatapos ang kanyang klase. At nang makita niya ito ay halos maluha siya sa inis sa mga negatibo at di makatotohanang nakasulat doon gaya ng oportunista na dumidikit sa mayaman para magkapera at di matanggal ang scholarship, manggagamit at higit sa lahat ang di maiwasang pangangantyaw sa kanyang sekswalidad base sa mga larawang kuha nilang dalawa na magkasama sila.
 "Ano na ang balak mo ngayon Andrew?" ang tanong ni Dina sa kanya.
"Hindi ko alam Dina. Sa totoo lang nauubos na ang pasensya ko sa kanila. Halos araw-araw na lang e."
"Magpakatatag ka Andrew." ang biglang pagsingit ng isang boses na papalapit sa kanila na dahilan upang maglingunan ang lahat ng naroroon.
"Troy." ang nasambit ni Andrew.
"Kayong lahat, alisin na ito. Masyado na kayong nakakasakit ng tao." ang medyo pabulyaw niyang utos.

"Sobrang hiya ko na sa sarili Troy. Kahit saan ako magpunta lagi ko na lang naririnig na pinag-uusapan ako."ang naibulalas na sama ng loob niya. Nakatambay sila ngayon sa likod ng campus.
Hinaplos ni Troy ang ulo ni Andrew. "Sa pagkakataong ito dapat ipakita mo na ang tunay na ikaw. Nasaan na ang nakilala kong Andrew na matapang, may paninindigan at di nagpapaapekto sa mga paninira ng iba?"
Lumingon si Andrew sa kanyang kausap. "Ewan ko ba, masyado na akong nadadala ng sitwasyon at saka nahihiya na ako kay Bryan."
"I understand. Huwag kang mag-alala sa kanya, dahil hindi naman niya binibigyan na ng pansin ang mga iyon, di tulad ng dati na siya mismo ang rumeresbak sa sinumang bumubunggo sa kanya. Alam mo ba kung gaano siya kasaya nitong mga huling araw? Natutuwa kami ni Michael na makita siyang masaya di tulad noon na palaging seryoso at masungit. Natututo na siyang makitungo ng maayos sa mga taong nasa paligid niya. Thnaks sa iyo Andrew na dumating ka para baguhin siya." ang mahabang pahayag ni Troy.

Lubos ang tuwa ni Andrew sa mga narinig niya kay Troy. Kahit siya rin mismo ay napapansin na niya ang mga pagbabagong ito ng kanyang kaibigan. Hindi man niya direktang sinabi ang mga ugaling dapat niyang itama ay kusa na itong ginawa  ni Bryan. Dahil dito ay mas tumindi pa ang nararamdaman ni Andrew para sa kanya.

"So halika Andrew isama kita sa aming tambayan para kung saka-sakaling maunang matapos ang klase mo ay doon mo na lang abangan si Bryan." ang yaya ni Troy sa kaniya.

"Welcome Andrew sa aming tambayan." ang pagbati sa kanya ni Michael na kasalukuyang nanonood ng TV. "Halika maupo ka muna at manood habang hinihintay mo si Bryan."
"Ano ang gusto mong kainin Andrew?"
"Sige kahit ano na lang."

Lumabas si Troy para bumili ng makakain nila. Si Andrew naman ay pinagmamasdan ang paligid ng tambayan. Masasabi niya na espesyal talaga ang campus trio sa university. Halos lahat ng bagay na makakapaglibang sa isang tao ay naroon na.


Ilang saglit pa at dumating na si Troy dala ang hamburger at softdrinks. "Kain muna tayo."
"Oo nga tara Andrew sabay ka na sa amin. Matatagalan pa siguro si Bryan dahil naglalaro pa ng basketball." si Michael.
"Salamat. Kayong dalawa bakit wala kayo doon?" ang naitanong ni Andrew. Kadalasan kasing magkakasama ang tatlo sa paglalaro nito na pinanonood ng karamihan sa mga estudyanteng nahuhumaling sa kanila.
"Simple lang. Wala kami sa mood maglaro. Ikaw kamusta naman ang mga araw mo na kasama ang kaibigan namin. Mabuti naman at nagkakasundo na kayo."
"Ayos lang. Madali lang naman makasundo ang kaibigan niyo."
"Ok, talagang tinamaan na siya sa iyo. Honestly nagtatampo din kami sa kanya minsan dahil nagiging madalang na ang pagsama na niya sa trip namin. Off-limits na rin siya sa mga girls sa pinupuntahan namin. Pero wala naman kaming magagawa, kung ano ang magpapasaya sa kanya ay susuportahan na lang namin." si Michael ulit.

Ilang minuto rin tumagal ang pag-uusap ng tatlo. Doon niya nalaman na mabait din pala si Michael.At makalipas ang isang oras ay dumating na ang hinihintay ni Andrew. Nakasuot pa ito ng jersey kita ang malatrosong braso nito at malalaking binti. Pawisan ang buo niting na hindi nakaapakto sa taglay nitong kakisigan.

"Oh Andrew kanina ka pa ba naghihintay?"
"Hindi naman." Ang nasa isip ni Andrew ngayon ay ang itsura ni Bryan.
"Salamat mga tol at inentertain niyo siya. Sige shower muna ako saglit para makaalis na tayo. Naghihintay na si Billy sa bahay." ang sabi nito sa kanya.
______
"Siguro nga makakabuti sa iyo kung doon ka na sa tambayan namin maghihintay sa akin. Anytime welcome ka doon." ang sabi ni Bryan habang bumibiyahe sila pauwi.
"Dinala ako ni Troy doon."
"Oo. Nabanggit niya rin sa akin ang nangyari kanina. Sabi niya na dinamdam mo ang mga panunukso nila sa iyo."
Napayuko na lang si Andrew.

"Huwag mo na lang sila pansinin pa. Ipakita mo na hindi ka nagpapaapekto. Im sure na magsasawa rin sila sa iyo. Inggit lang sila sa iyo dahil kasama mo ang pinakaguwapong hunk ng campus." ang dagdag nito sabay kindat sa kanya.

At napangiti si Andrew sa narinig niya.
"Tama ka. Sige susubukan ko." ang sagot niya. "Ikaw, wala ka bang nararamdaman na kahit kaunting pagkainis sa kanila?"
"Wala akong pakialam sa kanila. Ang importante lang sa akin ay ang sarili kong kasiyahan at ikaw yun Andrew."

May kilig na dulot kay Andrew ang pahayag ng kausap ngunit may mga pangamba pa rin sa isip niya kaya naglakas-loob na siyang itanong iyon kay Bryan.
"Tutal alam mo namang lahat ang mga panunukso sa akin, gusto ko lang malaman ngayon kung ano ang mga iniisip mo sa akin, lalo ng ang tungkol sa... ano" ang di matuloy-tuloy niyang pagtatanong.
"Teka paano ko ba ito sasabihin. Ah... ikaw hindi ka ba naiilang na mabigyan ng malisya ang pagsasama natin."

Lumingon sa kanya si Bryan at naging seryoso ang mukha nito. "Alam ko na ang itatanong mo, yung tungkol sa pagkatao mo na isa kang bading. Totoo ba talaga iyon Andrew ha?"

Nakaramdam na siya ng kaba sa mga oras na iyon.

Itutuloy...

CAMPUS TRIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon