"Happy Valentines Andrew." ang nasabi ni Bryan habang hawak ang teddybear na regalo sa kanya ni Andrew.
"Thank you nga pala sa regalo mo. Ewan ko ba, pero nagustuhan ko ito." ang kanyang pagpapatuloy sabay yakap dito.
Sobrang saya ni Bryan sa regalong natanggap niya mula kay Andrew. Ngunit agad ding nabura ang ngiti sa kanyang labi ng maalala niya ang mga pangyayari kanina.
Sa gabing iyon sa kanyang kwarto habang nakahiga, yakap ang teddy bear ay iniisip niya si Andrew. Gusto niya sana itong kamustahin ngunit hindi niya magawang tawagan ito o di kaya'y puntahan sa bahay ni Troy. Nangangamba siya sa mga mangyayari kung magkausap sila at magkaharap. Baka kasi tuluyan na siyang itakwil nito at tapusin ang anumang ugnayan nila. Siyempre masakit sa kanya iyon.
Ngunit mas nanaig pa rin ang kanyang lakas ng loob. Agad siyang bumalikwas mula sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Matapos iyon ay nagmadali siyang lumabas ng silid at bumaba. At napahinto siya sa taong humarang sa kanya sa pinto.
"Hindi mo siya pwedeng puntahan anak."
"Gusto ko lang siya kausapin Ma."
"At ano naman ang sasabihin mo sa kanya? Are you going to tell him na plano ko lang ang lahat ng ito?"
"Oo, iyon naman ang totoo di ba? Alam mo ba Ma, sawa na ako sa ginagawa niyong pagkontrol sa buhay ko. Malaki na ako at may sariling pag-iisip na."
"Aba sumasagot ka na ha. Nagiging bastos ka na. Hindi ka na marunong rumespeto, tsk. At hindi kita kinokontrol. Tinatama ko lang ang iyong kahibangan."
"Ayoko nang makipag argumento sa iyo Ma. Please lang payagan niyo na ko."
"No!"
Napapailing na lang si Bryan na bumalik sa kanyang silid. Alam niyang hindi siya mananalo sa kanyang ina. Bukod sa magulang niya ito at mas matanda, nangangamba rin siya sa magiging epekto nito sa pagaaral ni Andrew, na baka tanggalin na nito ang kanyang scholarship.
__________
"Noon pa man ay nagdududa na ako sa motibo ng kaibigan mo sa aking anak." ang pahayag ng ina ni Andrew sa kausap na si Troy ilang minuto makalipas makita ang anak na malungkot at naiiyak habang papasok ng kwarto. Nasabi niya ito dahil ipinagtataka niya kung bakit magkakagusto ang isang taong tulad niya na may itsura, mayaman at may impluwensya sa lipunan sa mga ordinarong tao na tulad nila ni Andrew.
"Naiintidihan ko po kayo ni Tita. Alam ko po na bilang ina ay masakit din sa inyo na makita si Andrew na nagkakaganoon." ang tugon ni Troy. "Ngunit tulad po ni Andrew ay naging biktima rin si Bryan ng sitwasyon. Hindi rin niya inaasahan at nagustuhan ang mga nangyari." ang kanyang pagpapatuloy. Bilang kaibigan at kababata ay dinepensahan niya kahit papaano si Bryan.
"Sa ngayon hahayaan ko munang mapag-isa ang aking anak. Bukas na bukas rin ay kakausapin ko siya tungkol sa bagay na ito."
Habang nag-uusap sina Troy at ang kanyang ina ay panay naman ang pag-iyak ni Andrew sa loob ng kanyang silid.
"Noon pa man iniisip ko nang mangyayari ang bagay na ito e. Kahit saang anggulo mong tignan mali ang relasyong pinasukan ko. Kaya dapat matutunan kong tanggapin sa aking sarili ang mga nangyari. Hindi dapat ako umiyak. Makaka move-on rin ako at makakapagsimula ulit. Tuloy lang ang buhay." ang sabi niya sa kanyang sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas nang maisipan niyang lumabas ng silid. At doon nakita niya ang kanyang ina na natutulog sa sofa. Agad niyang nilapitan ito.
"Kamusta ka na anak?" ang nag-aalalang tanong ng kanyang ina.
"Ayos lang po nay. Huwag kayong mag-alala." ang kanyang tugon sabay ngiti.
"Naikwento na sa akin ni Troy ang nangyari kanina. Ano na ngayon ang balak mo anak?"
"Sa totoo lang po ay sobrang nalungkot ako. Ngunit hindi dapat ito maging dahilan upang gawin kong miserable ang aking buhay. Ako na mismo ang gagawa ng paraan nay. Naisip ko po na tuluyan ko nang iiwasan si Bryan upang di na lumala pa ang sitwasyon. Tatapusin ko na lang po ang school year."
"Teka ibig sabihin nito hihinto ka sa pag-aaral mo? Paano na yung scholarship mo?"
"Hindi po ako titigil nay. Lilipat na lang siguro ako sa isang state university. Tungkol po diyan, may pangamba na akong maaapektuhan na ito lalo na ang Mama ni Bryan ang nagbibigay sa akin nito. Kaya naisip ko po na mag part-time job. Hindi na muna siguro ang pangangalakal. Maghahanap ako ng trabahong mas malaki ang sahod."
Agad niyakap ng ina ni Andrew ang anak sabay haplos ng ulo nito.
"Hindi madaling desisyon ang gagawin mo anak. Hayaan mo, narito lang ako upang tulungan ka at gabayan." ang kanyang pahayag.
Ang pag-uusap na iyon ng mag-ina ay pinakinggan ng lahat ni Troy. Lalo siyang humanga kay Andrew sa pinapakita nitong determinasyon at lakas ng loob bukod sa pagiging mabait nito. Hindi niya maiwasang mapangiti kaya pakiramdam niya ay mas lalong umusbong ang kanyang pagtingin dito. Tulad ng kanyang narinig sa ina ni Andrew, siya rin ay tutulong rin sa abot ng kanyang makakaya.
_________
Isang linggo ang lumipas ay naging usapan pa rin sa buong campus ang mga kaganapan nung gabi ng selebrasyon ng kaarawan ni Bryan. At sa mga panahong iyon ay pilit iniiwasan ni Andrew si Bryan. Kabaliktaran naman nito si Bryan na gustung-gusto lapitan si Andrew upang kausapin ngunit hindi siya makakuha ng tyempo dahil sa higpit ng pagbantay ng kanyang mama.
Hanggang sa isang araw ay hindi na siya makatiis at nagpatulong na kay Troy. Nag-usap sila ni Troy sa tambayan.
"Gusto kitang tulungan tol, pero si Andrew na mismo ang nagsabi sa akin na ayaw ka na niyang kausapin."
"Magpapaliwanag lang ako tol sa kanya. Sasabihin ko rin na hindi ko gusto si Sarah, na kaibigan ko lang siya. At pipilitin ko pa ring tuparin ang pangako ko sa kanya."
"Nakapagdesisyon na siya tol. Sabi niya na tatapusin na lang niya itong taon at lilipat na raw siya ng school."
"What? Sa...saan naman siya lilipat? Kung aalis siya dito mawawalan sya ng scholarship, tiyak na mahihirapan siya."
"Alam niya. At nakarating na rin sa kanya ang sinabi ng mama mo na tatanggalan na siya ng scholarship sa susunod na taon. Huwag kang mag-alala tol, ako ang bahala sa kanila. Tutulungan ko si Andrew sa abot ng aking makakaya."
Agad nakaramdaman ng lungkot si Bryan sa kanyang mga narinig dahil ito na ang magiging hudyat ng paghihiwalay nila ni Andrew. At kasabay nito ay nagseselos siya. Dapat kasi ay siya ay nasa posisyon ni Troy tumutulong kay Andrew.
"Please naman tol, huli na to, gusto ko lang siya talagang makausap tutal aalis na rin naman siya." ang muling pakikiusap ni Bryan. Dahil sa kanyang mga narinig ay mas tumindi ang kagustuhan niyang makita dito at masabi ang lahat ng kanyang saloobin.
Sa mga oras na iyon ay pinagmamasdan ni Troy ang kanyang kausap. Kitang-kita niya ang malaking pinagbago nito sa pag-uugali. Unang pagkakataon kasing nagpakumbaba nang ganoon si Bryan. Madalas kasing kampante lang ito dahil sa lahat ng gusto nito ay nakukuha. Isa pa riyan ang lungkot sa mukha nito kabaliktaran ng pinapakitang ngiti na may pagka astig. Talagang napakalaki ang naging impluwensiya sa kanya ni Andrew.
"Kung sa bagay may punto ka tol" si Troy. Tama naman siya, dalawang linggo na lang ang natitira at matatapos na ang school year.
"Sige tutulungan kita tol. Susubukan ko siyang kausapin mamaya. Sasabihan na lang kita kung papayag siya." ang kanyang pagpapatuloy.
"Salamat tol."
________
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" ang malungkot na tanong ni Dina kay Andrew matapos sabihin nito ang kanyang naging desisyon. Nasa corridoor sila ngayong dalawa habang hinihintay ang kanilang professor sa huli nilang subject sa araw na iyon.
"Oo. Mawawala na kasi ang scholarship ko sa susunod na taon. Alam mo naman na mahirap lang kami at di na kaya ni nanay ang babayaraing tuition fee."
"Grabe na talaga yang si Mam Sebastian. Tama ba yung pati ang scholarship mo ay idadamay niya. Napaghiwalay na nga niya kayo ni Papa Bryan e."
"Hindi natin siya masisisi. Naninigurado lang naman siya. At mabuti na rin to. Para makapagsimula na lang ulit kami ni nanay."
"Nakakalungkot naman. Mawawalan na ako ng kaibigan dito."
"Hindi naman ako mawawala, lilipat lang kami ng ibang lugar. At saka maaari naman tayong magtawagan di ba?"
"Oo. Sige good luck na lang sa iyo. Basta balitaan mo na lang ako sa mangyayari sa iyo. Huwag mo akong kalilimutan"
|Hindi mangyayari yun." ang nakangiting si Andrew.
_______
"Hi babe nandito na ako!" ang masayang bati ni Sarah pagkapasok nito sa tambayan. Isang ngiti lang ang isinukli ni Bryan sa kanya.
"Oh nagdala ako ng meryenda. Binigyan ko na rin nito si Tita kanina. Tara kain na tayo." ang masiglang pahayag ni Sarah. Kabaliktaran naman nito si Bryan na seryoso ang mukha.
"Ang lalim ng iniisip natin ngayon ah. Anong problema?" ang tanong nito sabay haplos sa pisngi ni Bryan.
"Wala ito. So hmmm.... nagugutom na ako tara kain na tayo!" ang nasabi na lang ni Bryan sabay ngiti.
Kahit hindi sinabi ni Bryan sa kanya ang problema nito ay alam na iyon ni Sarah. Nabanggit na rin sa kanya ng mama nito ang lahat. Sa sarili niya ay nabigla siya. Hindi makapaniwala sa sexual orientation ng kausap. Tulad ng sabi ng mama nito, naniniwala siya na baka naguguluhan lang ang kanyang anak at naimpluwensyahan lang siya ng Andrew na iyon. At gagawin niya ang lahat upang mapabago ito at bumalik sa dati ang kanilang pagiging close.
Kapansin-pansin kay Sarah ang pananahimik ni Bryan habang kinakain ang kanyang dalang meryenda. Naisip niyang magbukas ng topic para magkausap sila.
"Babe, ilang linggo na tayong magkasama pero hindi mo man lang ako yayain na lumabas?" Nilagyan niya nag kaunting himig ng pagtatampo ang kanyang boses.
"Pasensya ka na. Sige saang lugar ba gusto mong puntahan natin?" ang tugon ni Bryan. Sa sarili niya ay wala siyang interes sa bagay na ito dahil ang focus ng kanyang isip ay kay Andrew. Ngunit pinagbigyan na rin niya ang gustong mangyari ni Sarah.
"Gusto ko lang naman na ibalik ang pagiging close natin tulad ng mga bata pa tayo. Pwede tayong mamasyal sa mall o kaya ay mag date."
"Sure. Sige bukas." ang kanyang pagsang-ayon.
________
Katatapos lang ng klase ni Andrew sa araw na iyon nang puntahan si ni Troy sa kanilang classroom. Simula ng mga nangyari nung selebrasyon ng kaarawan ni Bryan ay si Troy na ang madalas nitong kasama. Sabay sa pagpasok at pag-uwi palibhasa ay nakikituloy siya sa bahay nito.
"How's you day?" ang ngiting tanong sa kanya ni Troy.
"Araw-araw mo na lang tinatanong yan ah."
"Syempre naman. Gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyayari sa iyo."
"Bakit naman?"
"Dahil... sabi ni Tita na bantayan kita at alamin lahat ng ginagawa mo." ang sagot ni Troy. Ngunit sa loob niya ay iba ang gusto nitong sabihin.
"Si nanay talaga hays. Pwede bang wag na kayong mag-alala pa sa akin ok na ako oh."
"Mabuti naman kung ganoon." Sa puntong iyon ay susubukan niya ulit na gawin ang isang misyon, ang kanyang pingangako sa kanyang kaibigan na si Bryan.
"So good mood ka ngayon. Pwede na sigurong..." ang kanyang pagpapatuloy na agad pinutol ni Andrew.
"Ooops! ayan ka na naman Troy. Ayoko na nga sabi." Alam na agad ni Andrew kung ano ang ipapaalam sa kanya ni Troy.
"Matatapos na ang school year tapos lilipat ka na ng school. Kaya siguro naman ay mapagbibigyan mo na siya."
"Troy naman. Sige kung papayag ako at makakapag-usap kami may mababago ba? Wala! Sabihin mo na lang sa kanya na ituon na niya sa kanyang fiancee ang kanyang atensyon."
"Yan nagagalit ka na naman sa akin. Sorry na please."
Nakapagdulot naman talaga ng inis kay Andrew ang paulit-ulit na gawaing ito ni Troy. Ngunit agad na naglaho ito ng makita niya ang mapupungay na mata nito at ang nakakabighaning ngiti habang humihingi ng sorry sa kanya. Pakiramdam niya ay nahihipnotismo siya.
"Oo na. Huli na ito ah. Ayoko nang marinig sa iyo yan."
"Opo."
_________
"Kamusta na ang pag-aaral mo anak?" ang tanong ng ina ni Andrew. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan.
"Ayos lang po. Medyo marami nang pinapagawa sa amin dahil malapit na nga matapos ang sem sabayan pa ng pagrereview ko para sa final exams."
"Kaya mo yan!" si Troy. "Matalino ka naman kaya makakayanan mo ang lahat ng yan. Makakapasa ka sa lahat ng exams mo."
"Nambola na naman siya. Kumain ka na nga lang diyan." si Andrew.
"Tsk. Ano pa nga bang ginagawa ko?" ang pilosopo nitong sagot. "Talagang kakain ako lalo na si Tita ang nagluto." pangiti-ngiting turan ni Troy.
"Takaw mo talaga, tignan mo sarili mo mataba ka na."
"Ows di nga? Totoo mataba na ako?" ang kanyang tanong. "Hindi ako naniniwala." Sabay hubad ng kanyang shirt. "Ito ba yung mataba?"
Natigil si Andrew sa kanyang ginagawang pagbibiro kay Troy. Sa halip at natulala ito sa kanyang nakita. Sa totoo lang bilib siya ka Troy , kahit kasi matakaw itong kumain ay napapanatili niya ang ganda ng katawan nito.
Napangisi lang si Troy na nagpatuloy sa pagkain. Hindi nakaligtas sa kanya ang naging reaksyon ni Andrew. Bihira lang niyang gawin ang paghuhubad at pagpapakita ng katawan nito sa ibang tao ngunit kay Andrew ay nagagawa niya ito. Siguro nga ay dahil ito nararamdaman niya.
"Ah nay, siya nga pala bukas aalis kami ng kaklase ko, mamamasyal lang kami." ang pag-iiba ni Andrew ng usapan.
"Ganoon ba anak, mabuti kung ganoon. Aba matagal ka na ring hindi nakakapaglibang." ang pagpayag ng kanyang ina.
"Yup dahil masyado kang focus sa pag-aaral mo. Its time na makapagrelax ka. Si Dante este si Dina ba yung kasama mo?"
"Oo. Niyaya niya lang ako, gusto lang niyang makapagbonding kami. Alam niyo naman na ilang araw na lang tapos na ang sem."
"Oh i see. Pwede bang sumama ako sa inyo?" si Troy.
Napatingin si Andrew sa kanya.
"Malapit na kayong umalis dito ni Tita. Gusto ko rin sanang makibonding sa iyo hanggat nandito ka pa. Sulitin ko ang mga huling araw na magkakasama tayo." ang pagpapatuloy ni Troy.
May nahimigang pagtatampo at lungkot si Andrew sa tono ng boses ni Troy. Kahit siya rin ay ganoon din ang mararamdaman lalo nat mahaba rin ang panahon ng kanilang pinagsamahan.
"Sigurado ka ba? Baka mailang ka lang sa amin. Iba kami sa mga kaibigan mo." ang tanong ni Andrew. Ang huling pahayag nito ay patungkol sa dalawa nitong kaibigan.
"Hindi, as a mater of fact gusto ko rin namang maranasan ang sumama sa ibang tao. Sawa na kaya ako sa kanilang dalawa. At saka dapat lang na kasama ako doon para mabantayan ka ano." ang tugon ni Troy na hinaluan ng kaunting biro. Alam niya kasi ang gustong ipahiwatig ni Andrew.
"Sige bahala ka." ang simpleng tugon ni Andrew.
Isang nakabibighaning ngiti ang isinukli ni Troy sa kanya.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
CAMPUS TRIO
Teen FictionBaguhan lang si Andrew sa isang pribadong unibersidad sa Metro Manila at isang full scholar.Isang araw nakaaway niya ang isa sa Campus Trio na si Bryan ,sila ang pinaka gwapo at kilala sa unibersidad(Bryan, Troy, Michael) .Pano kung isang araw nahul...