Chapter 3: Vampire and Werewolf

30 4 0
                                    

THIRD PERSON POV

"Dapat bang pagtagpuin ang landas ng dalawa, Caspian?" tanong ng isang babaeng sa nagngangalang Caspian.

"Yes- at dapat wala ring makakaalam kahit sino sa plano natin, Aravina." seryosong tugon ng lalaking nagngangalang Caspian.

'kahit si Carmilla.'

Saad niya sa kaniyang isipan. Lingid sa kaalaman ng lahat na anak ni Caspian si Cassandra, ang dalagitang misteryosa sa baryo nila. Alam kasi ng lahat na wala na si Cassandra sa mundo nila dahil kusa nalang itong nawala na parang bula.

"Hindi magandang plano 'yan, Caspian. Anak mo si Cassandra-"

"'Wag ngayon, Aravina. 'Wag mo 'kong pagsabihan kasi alam ko yung ginagawa ko." seryosong saad niya kay Aravina.

Napatango nalang si Arvina sa sinabi ng kaniyang kasama. Hindi niya batid na magagawa ng kasama niya 'yon sa kaniyang anak na si Cassandra. She was too innocent- and kind for this. Alam ni Aravina 'yon pero wala na siyang magagawa dahil nakasalalay ang buhay ng kapatid niya kung tututol siya sa plano ni Caspian.

'Kailan ma'y hindi mo magagamit ang anak mo sa kasamaan, Caspian. . ."

"Hindi ko akalain na ganoon lang yung apekto sa likodong ibinigay ko sa kaniya. Hindi ko inaakalang hanggang sampong taon lang 'yong talab nun." bulong ni Caspian sa kaniyang sarili pero narinig iyon ni Aravina.

"Anak mo ba talaga siya, Caspian?" seryosong tanong ni Aravina. Ilang segundo 'yong lumipas nang makaramdam nalang siya na biglang may humawak sa kaniyang leeg at hindi niya akalain na andun na siya sa ere habang hawak ni Caspian yung leeg niya.

Nag-iba ang kulay ng mga mata ni Caspian. At ang mga ugat sa kaniyang leeg ay naging itim at sa gilid ng noo niya'y bahagyang umitim din. "Wag mo 'kong tanungin ng ganiyan, Aravina. Alalay lang kita at wala sa trabaho mo ang tanungin ako ng ganiyan."

Habol hininga ang ginawa ni Aravina nang bitiwan siya ni Caspian. Hawak niya ang kaniyang leeg na ngayo'y nangingitim dahil sa higpit ng hawak ni Caspian kanina.

CASSANDRA'S POV

Kasalukuyan kaming andito sa hapag kainan para kumain ng hapunan. Tahimik lang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Anyway, Sandra. I already arranged the forms for your transfer. Bukas na bukas ay aalis kana." saad ni Papa.

Napahinto ako sa narinig ko. Bukas na kaagad? Wala man lang ba kaming bonding sa pagbabalik ko?

"Do I need to stay there, 'Pa?" tanong ko.

Kinuha niya yung table napkin at pinunasan niya yung mapulang labi niya bago nagsalita. "Yes. . . and that is a part of your journey as a student, Sandra. That school will teach you how to be independent." he calmly said.

I know how to be independent. They don't need that, anyway. I can handle myself.

"And mananatili ka roon until the end of the school year, anak." napabaling ako kay Mama nang magsalita ito. ". . . and don't worry, everything is gonna be fine. That school is full of strong barrier, walang makakapasok dun na Crimson Nightshade vampires, Sandra. That school is secured." paliwanag ni Mama.

The Crimson Nightshade Coven

This name evokes a sense of darkness, power, and mystery, reflecting the sinister nature of the group of malevolent vampires. The use of "Crimson" symbolizes blood and danger, while "Nightshade" adds a touch of poison and intrigue to the coven's name.

Aish. Wala ba talaga silang pa visit sa kanyang-kanyang family namin? Kawawa naman pala yung mga students doon.

Natapos na kaagad kami sa pagkain at agad akong nagtungo sa kwarto ko. Naayos na lahat pati ang mga gamit ko, andito na rin yung uniform ng school.

Crimson Shadows: The Vampire's Tale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon