CASSANDRA'S POV
"Nakita ka nalang namin do'n malapit sa cafeteria." ani Seraphina. ". . . tas ayon, nilapitan ka namin. Namumutla ka nun, which is normal lang sa inyong mga bampira- pero iba kasi yung putla mo nun, ang lamig-lamig mo pa. Mukha kang patay na nakabangon tas hindi alam kung saan pupunta." puna niya na ikinatawa nina Thalia at Ely.
Ampt! Makapatay ba naman ito.
"Walang nakakatawa 'no, walang nakakatawa sa patay." irap ko.
Oo, haggard ako nun. Pero grabe naman sila makapagsalita- patay agad na nakabangon?
"Eh 'yan yung nakita namin e." Ely chuckled.
Napailing nalang ako bago ininom yung dugo ko. Sabi nung witch na gumamot sa'kin ay nakulangan lang ako ng dugo kaya nahimatay ako.
Pero bakit ganoon? Umiinom naman ako.
"Masarap?" napatingin ako kay Thalia nang tinitignan yung iniinom ko.
"Try mo." inilahad ko sa kaniya yung dugo pero napailing nalang ito. Aish, nagtatanong pa e malay ba namin sa mga lobo if masasarapan din sila.
"Anyway, kailangan na natin umalis bago pa tayo maunahan ng mga ibang students." ani Thalia.
Kasalukuyan kaming andito sa dorm nila. Wala yung mga lalaki since may pinuntahan.
"May 5 minutes pa, mamaya na." tamad na sagot ni Ely.
Inubos ko na yung huling patak ng dugo bago itinapon yung lalagyan sa basura. Pupunta kami ngayon sa forest para manghunt, si Seraphina kasi yung nakaisip nun, friendship moments kumbaga raw.
"Hindi nalang kaya tayo tutuloy?" napalingon kami ni Elysia sa kaniya nang sabihin niya iyon.
"No, Ely. Pupunta kami! Palibhasa kasi tamad ka." sagot ni Seraphina at inirapan siya. I don't know kung bakit napag-isipan ni Seraphina ang manghunt eh mga lobo sila. Wolves don't drink blood.
"Seraphina, you don't drink blood, same with Thalia- kaya bakit niyo napagpasiyahan na maghunt tayo?" nagbuntonghininga si Elysia nang tanungin niya 'yon.
"Yes, we don't, but we're going to hunt not because we want to drink but we want to help Sandra to drink more blood." nakangiting ani Seraphina.
"Mahirap mang hunt." komento ni Ely habang pinaikot-ikot yung daliri niya sa hibla ng kaniyang buhok.
"What do you mean? We grew up as a wolf, Ely. At lumaki rin kaming kumakain ng karne sa nahunt namin." ani Thalia.
Elysia talaga, kung ano-ano nalang yung pinagsasabi para lang hindi matuloy yung plano ng dalawa.
"Fine. . . pero hindi tayo magtatagal, ah?" usal niya at tumango naman kami.
****
"Wahh!! Kinakagat ako- help! Can someone help me please!" napatingin ako sa kaliwang direksyon nang marinig ko yung tili ni Elysia.
What the hell!
Agad akong tumakbo ng mabilis at naabutan siyang nakaupo at nakasandal sa malaking puno.
Nilapitan ko ito bahagyang itinikod yung isang tuhod para mapantayan siya. Napasinghap ako sa nakita ko. God! Ano ba'ng pinaggagawa niya?
"Ely-" hindi ko na natapos yung pagsasalita ko nang sumigaw ito sa sakit.
"Wah!!! Sandra- p-please gamutin mo. . . m-masakit!" aniya.
BINABASA MO ANG
Crimson Shadows: The Vampire's Tale
Vampire[COMPLETED but NOT yet EDITED] In the world of vampires and werewolves, their world is very mysterious. Just like a girl with a lifelong curse. A girl who was killed but lived, Lived in another body but her physical form remained in the body she p...