THIRD PERSON POV
Ilang aras na yung lumipas nang maganap ang pagkawala ng isang dalaga sa isang Academia. Marami ang nalungkot at naiyak sa pangyayaring iyon.
Lahat ng mga white witches at ibang pang mga students ay nagpapasalamatan ng lubusan sa ginawa ni Cassandra. Alam nilang maraming enerhiyang mawawala sa katawan ni Cassandra no’ng ginawa niya yung pagpatay sa lahat ng mga itim na bampira gamit yung espada niya. Pero kahit ganoon‚ ay ginawa pa rin niya iyon.
Bumalik nasa dati yung Academia‚ at naiayos na yung mga nasirang mga building ng dahil sa mga itim na bampira’t lobo.
Naging masigla ulit ang lahat pero sa kabilang banda ng pagsasaya ng mga estudyante ay meron ding mga estudyanteng nalulungkot pa rin sa nangyari.
“She don’t deserve it.” naiiyak na ani Celeste‚ kaibigan ni Cassandra.
“S-Sana hindi ko nalang siya sinunod‚ edi sana natulungan ko pa siya.” Selene cried because of anger. Nagagalit siya sa kaniyang sarili‚ sa kaniyang ginawa.
“M-Masaya na siguro si Sandra ngayon, kung asaan man siya ngayon." ngumiti ng mapait si Lexna habang pinapatahan yung dalawa niyang kasama.
Parang nawasak yung mga bungo nila nang malaman nila yung nangyari kay Cassandra nang makabalik sila sa paaralan. Labis ang hinanakit ang andun sa puso nila dahil sa nangyari sa kaibigan nila.
Hindi na nga nila nakita yung pagka-abo ng katawan ni Cassandra.
“Oo‚ sana nga. . .” umaagos pa rin yung mga luha nila. Hindi nila iyon kayang pigilan dahil sa bugso ng kalungkutan na kanilang nararamdaman.
Sa kabilang banda, ay andun yung pitong estudyante sa rooftop ng building nila. Nakatingin lang sila sa kawalan, at yung iba pa ay may tumutulo pa yung luha.
They love her that much.
They even blame themselves from what happened. Masyado nilang minamaliit ang kanilang sarili dahil sa nangyari kasi nangako sila sa kaniya na proprotektahan nila siya— pero hindi nila iyon nagampanan‚ dahil si Cassandra mismo ang nagligtas sa kanila.
“D-Draven. . .” agaw pansin ni Seraphina sa lalaking nakasandal sa railings ng rooftop. Malungkot ang expression nito habang nakatingin sa kawalan.
Hindi sinagot ni Draven si Thalia kung kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“May nakita ako sa hinaharap. . .” pag-uumpisa ni Seraphina. Agad niyang nakuha ang atensyon ng iba kaya napatingin ito sa kaniya. “N-Nakita kong m-may babalik.” napalunok siya.
“Sino?” tanong ni Arc.
“H-Hindi ko naaninag yung mukha niya pero ang alam ko lang ay lobo siya.” she uttered.
Napatango naman yung iba. They’re expecting na babalik siya. . . at ganun din si Draven.
Pero babalik nga ba siya?
BINABASA MO ANG
Crimson Shadows: The Vampire's Tale
Vampire[COMPLETED but NOT yet EDITED] In the world of vampires and werewolves, their world is very mysterious. Just like a girl with a lifelong curse. A girl who was killed but lived, Lived in another body but her physical form remained in the body she p...