(A/N; wahh!! Ang dami ng ganap na nangyayari sa history ni Cassandra!(゚ο゚人))
enjoy reading!! >,<
ELYSIA'S POV
One, two, three. . . ampt! Kanina pa ako nandito sa gilid ni Seraphina! Hindi ko alam kung bakit kami andito sa labas e may dress na naman kami para sa gaganapin na ball.
Ewan ko ba kay Draven, kunting ere nalang talaga at paghahalataan ko na siyang may crush siya kay Sandra.
"Malapit na maggabi, hindi pa ba tayo babalik?" tanong ni Arc.
Napairap ako bago nagpout at napatingin sa mga bampira't lobo na naglalakad sa gilid namin. Agad kong napansin sina Selene, yung mga kaibigan ni Sandra na kaibigan na rin namin. hihihi.
"Hi, nakita niyo ba si Sandra?" tanong ni Thalia nang makalapit kami sa tatlo.
Nag-hi ako sa kanila dahil mabait ako, oo. At kung gusto niyong malaman ay ako yung good influencer ng mga Eclipse, 'no!
"She's with us earlier. . . pero humiwalay siya sa 'min, she said na may pupuntahan pa raw siya." saad ni Celeste.
Wahh! Ang ganda talaga nila! Pero mas maganda pa rin ako.
"Where did she go?" palihim akong napahalakhak dahil sa tono ng pananalita ng Vizier namin.
hihihi.
"Hindi namin alam, ang sabi niya'y babalik daw siya kaagad." sagot ni Celeste at napatango naman ng marahan si Draven.
"Mauna na kami sa inyo." paalam sa 'min ni Selene at tumango naman kami bilang tugon. Lumisan na sila sa harapan namin kaya't humarap ako sa kanila para magsalita.
"Balik na tayo sa Academy." I pouted.
"Tss. Tigilan mo nga 'yan, Ely. Hindi bagay sa'yo, nagmukhang pwetan 'yang nguso mo ng manok." komento ni Seraphina. Agad silang naghalakhakan sa sinabi ni Seraphina.
Ampt!
Magsasalita na sana ako nang bigla akong naunahan ni Damian. "You both stop." suway nito sa'min.
Sinamaan ko nalang ng tingin yung dalawa bago nagsimulang magmartsa paalis. Aalis ako oo! Bahala sila.
****
"Dito, ay- hindi! Pangit tingnan. Lagyan mo ng mga balloons para maganda tingnan-"
"Ano ba, Ely?! Hindi birthday party yung magaganap. BALL!" sigaw ni Arc sa itaas.
Dinilaan ko lang siya bago umalis sa ilalim at nagtungo sa isang bench. Bukas na gaganapin yung ball, pero hindi pa rin namin nakikita si Sandra. Sa'n na kaya yung dyosang 'yon at bigla nalang nawala? Kahapon pa 'yon, ah?
Napatingin ako sa itaas nang bigla nalang tumalon sa itaas si Arc pababa. Tss. Sana nadapa! Bwahahah.
"Bakit ba kasi tayo yung gumagawa nito? 'Di ba yung mga mangkukulam dapat?" iritang ani Seraphina habang may hawak na tubig.
"Tss. Ngayon mo pa talaga 'yan naisip e tapos na nga yung paglalagay nun!" turo ni Arc sa inilagay niya sa itaas kanina.
Umirap nalang si Seraphina. Andito kami sa Grand Hall para ayusin yung kakailanganin ayusin. Gold yung theme ng hall kaya ang ganda tignan. Marami na rin yung staffs ang tumutulong sa 'min.
Lumipas ang ilang oras na pag-aakasikaso nang pinagawa sa 'min ay bumalik na kami sa dorm namin. Dumaan kami sa hall way pero napatigil ako nang mapansin ko yung babaeng naglalakad mag-isa patungo sa kabilang building.
Wait! Umiiyak siya!!
Napalingon ako sa mga kasama ko na napatigil din. Hindi naman gaano ka kaingay yung hikbi niya pero naririnig ko 'yon dahil bampira ako.
"Si Sandra 'yon, 'di ba?" napabalik ako ng tingin sa babaeng umiiyak. Napalunok ako.
Wahh!! Baka ito na yung sinasabi kong momo! Talagang may nagpaparamdam talaga dito, e!!
"I think, oo-"
"Hoy, 'wag niyong puntahan! Clone n'yan o multo!" nanginginig na ani ko nang akmang maglalakad na sana sila patungo roon sa babae na sabi nila'y si Sandra.
"Naprapraning kana, Ely." ani Thalia at napailing naman sila.
Umalis sila sa tabi ko para sundan yung babae. Napapikit ako bago sila sinundan. Kyah! Ano pa ba magagawa ko e baka ako pa yung ma-momo roon sa gawi ko kanina?! Mahirap na't iniwan pa nila ako.
"Sandra!" tawag ni Thalia nang makalapit kami ng ilang inches sa kaniya.
Napahinto ito sa paglalakad at agad na pinunasan yung mga luha niya para humarap kami.
"B-Bakit?" namamaga yung mga mata niya at puro dumi yung damit niya. Gosh! Kinuha ba siya ng mga multo?! Wahh!!
"Hey, what happened?" nilapitan siya ni Thalia pero lumayo ito. Wah!!
"A-Ayos lang ako. . ." nginitian niya kami pero parang iba yung dating ng kaniyang ngiti, yung tipong natatakot at nasasaktan? Argh, baliw kana, Ely. Walang multong ganiyan!
Lumapit na si Draven sa kaniya at akmang lalayo ulit si Sandra sa kaniya nang mahawakan siya ni Draven. Wah!!!
"What happened?" kalmadong tanong ni Draven sa kaniya.
"She died 21 years ago. . . pero b-buhay siya, Draven. B-Buhay siya." napahagulgol ng iyak si Sandra.
A-Ano raw? Namatay si ewan, pero nabuhay ulit si ewan? Whut?!
"Sandra? Sino yung nabuhay?" nagtatakang tanong ni Xavier at ganun din kami.
"P-Patay na si Cassandra. . . m-matagal na siyang w-wala." agad akong napayakap kay Seraphina na nasa tabi ko. Katakot!!
"Hoy, kung sino ka man! Umalis kana sa katawan ni Sandra! P-tanginang multo ka!" sigaw ko habang nakayakap kay Sera pero hindi nila ako pinansin.
Wah!!
"Shut up, Ely." bulong ni Seraphina sa'kin.
"Uminom kaba ng dugo, Sandra?" nag-alalang tanong ni Damien.
"H-Hindi ako umiinom n'yan. . . l-lobo ako, 'di ba?" napalunok bahagya si Sandra.
"Sandra, what are you saying? You were only gone for a day, and you're already like this." may bahid na ng galit si Draven sa kaniya.
Napakagat ng pang-ibabang labi si Sandra bago umatras. "P-Pasensya na," ani niya bago nawala sa harapan namin.
Whut?! Lobo raw pero ginamit yung ability naming mga vampire na speed?!
****
naxiamyy >,<
BINABASA MO ANG
Crimson Shadows: The Vampire's Tale
Vampiri[COMPLETED but NOT yet EDITED] In the world of vampires and werewolves, their world is very mysterious. Just like a girl with a lifelong curse. A girl who was killed but lived, Lived in another body but her physical form remained in the body she p...