Chapter 2: Eclipse Folder

46 4 0
                                    

CASSANDRA'S POV

"Do you still know how to hunt, right?" tanong ni Mama. Kasalukuyan kaming andito sa salas ng mansion namin. Umalis si Papa ngayon kasi may pupuntahan pa raw siya, hindi ko alam kung saan pero sabi niya'y para sa 'kin daw 'yon.

Sinusuklay ni Mama yung mahaba kong buhok na ngayo'y kumikintab dahil sa liwanag na nakapasok sa loob.

"I-I don't know, Ma." I honestly replied.

Narinig ko naman siyang napatawa ng mahina. Pinaharap niya ako at tinignan yung kabuhuan ng mukha ko.

"Then, I'll teach you how to hunt soon." she uttered while giving me a sweet smile.

Walang ipinagbago si Mama, siya pa rin yung Mama kong kailan ma'y hindi ka papagalitan kahit mali-mali na 'yong mga ginagawa mo, o kahit pa ma'y nakalimutan mo 'yong iniutos niya. She's so gentle.

Kilala ang pamilyang Amora dito sa mundo namin na ang pinakamayaman na bampira. Marami ngang nagsasabi sa 'kin dati na maswerte raw ako dahil nag-iisa lang ako na anak nina Mama at Papa, at dahil nabibigay daw lahat ng hinihiling ko.

Well, hindi ako swerte dahil naibibigay nila Mama't Papa lahat sa 'kin, ibinibigay nila iyon dahil gusto nila. Pero hindi pa rin iyon napag-iba sa swerte, ang sa'kin kasi, ang swerte kasi para sa'kin ay 'yon yung sina Mama at Papa.

"Marami pa rin po ba'ng mga bampira, Ma, ang pumupunta sa mortal realms para pumatay at kumuha ng mga dugo ng mga tao?" tanong ko. Dati kasi, maraming mga rebeldeng mga bampira ang pumunta doon para lang makalasap ng sariwang dugo ng mga tao.

"Hindi naman masyado, anak. Pero ina-aakasikaso na yun ng mga may matataas na posisyon dito sa mundo natin." she replied.

Napatango naman ako. I can't blame those rebels, well, masarap naman talaga yung mga dugo ng mga tao. Naka-inom ako no'ng bata pa ako nun, 'yon yung dugo ng isang mortal na nakapasok sa mundo namin.

Mahigpit kasing ipinagbabawal ng mga bampira ang mga taong nakakapasok dito. At nasa rules din namin ang pagpatay ng mga tao pag sila'y nakapasok dito. Maraming komplikado sa mundo namin.

Ilang minuto yung lumipas nang mapagpasiyahan namin ni Mama na pumunta muna sa labas upang mamasyal. Kusa akong napakagat ng pang-ibabang labi ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko ngayon; takot, kaba, at saya.

Nagpalit ako ng puting bistidang ibinigay ni Mama sa 'kin. Ang buhok ko'y ganun pa rin yung design at walang ipinagbago. Off shoulder iyon at kitang-kita roon yung puti ng balat ko sa leeg.

"Let's go?" aya ni Mama sa'kin. Tumango naman ako bago humawak sa braso niya.

Ganun yung naging posisyon ko hanggang sa malisan namin yung lugar namin. Habang tumatagal ay lumalakas yung pandinig ko, senyales na malapit na kami sa lugar kung asaan maraming bampira ang nagkakalat.

Napatingin ako sa isang side nang mapansin kong may mga bata roong naglalaro. Nagtatakbuhan, at napapaiyak dahil sa pikon, ang sabi kasi nang bata ay wala dawng gamitan ng speed ability kaya napaiyak siya.

Napatawa naman ako bahagya sa nakita bago itinuon atensyon sa paglalakad.

Ilang minutonyung lumipas nang marating namin ang bayan, kung saan maraming mga bampira at lobo ang nagtitinda ng kung ano-ano.

"May kakausapin lang ako, Sandra. Maglibot-libot ka nalang muna dito. . ." aniya at tumango naman ako.

Nag-iba ng direksyon si Mama at ganun din ako. Dumiretso ako sa mga nagtitinda ng mga dugong andun sa isang supot.

"Napaka ganda mong binibini, hija. . . ano ang 'yong pangalan?" an old woman asked me. Napangiti naman ako bahagya bago sumagot. "Cassandra po, but you can call me Sandra."

Crimson Shadows: The Vampire's Tale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon