CASSANDRA'S POV
"Na-iayos na yung lahat."
"Ano'ng oras daw sasalakay yung mga pinuno natin?"
"Mamaya-maya na. . ."
"Maganda 'to." humalakhak yung lalaking may takip ang mukha. Naramdaman ko yung paglabas ng dalawang pangil ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Bakit ba hindi pa rin sila tumitigil? Ganun na ba talaga sila ka confident para mapasakanila yung mundong ito?
"Yung plano natin- uunahin natin yung nagpapanggap na anak ni Caspian. 'Yan yung sabi nila Pinuno, kailangan nating siyang mapaslang dahil sigurado siyang sasagabal 'yon sa mga plano natin." saad ng kaniyang kasama na may takip yung mukha.
The hell! Pa'no nila nalaman?! Maybe Carmilla told someone about it!
Kasalukuyan akong andito sa labas ng Academia. At hindi nga ako nagkamali kanina na may mangyayaring hindi inaasahan. I need to talk to the Headmaster.
Kailangan nilang malaman yung mangyayaring hindi maganda mamaya. Napasulyap ako sa 'di kalayuan nang makita yung grupo ng mga maiitim na bampira't lobo.
Tsk. Mga papansin.
Umalis na kaagad ako at nagtungo sa Grand Hall. Sumalubong sa'kin yung apat na guards ng hall. Tinignan nila ako head to toe bago ako tinanguan para papasukin.
Late na ba ako? Kasi kung oo, ayos. For sure sa'kin mapupunta yung mga atensyon nila. Argh.
"GOOD EVENING STUDENTS! IN THIS EVENING, PLEASE DO ENJOY THIS NIGHT!" rinig kong sigaw ng Headmaster sa speaker.
Formal akong naglakad bago narating yung malaking main extrance door ng hall. Kusa nalang bumilis yung tibok ng puso ko sa nakita ko, andaming students. Ayokong isipin yung iniisip ko ngayon.
Ayoko silang madamay.
Naglakad ako sa red carpet, at wala na akong pakealam pa kung nasa akin yung buong atensyon nila. I need to talk the HM as soon as possible!
Bakit pa ba sila gumawa ng ganitong kalaking event? Hindi ba nila naisip na pwedeng sumalakay yung mga kalaban dahil nagtitipon lahat ng students sa iisang lugar?
At bakit din kasi hindi ako pumunta sa meeting para dito?! E, hindi man lang nila ako pinatawag to ask my opinion. Dapat may ganun sana!
"Si Cassandra Amora! Wah!! Ang ganda."
"Red na red!"
"Kinis ng legs, p're oh!"
"Ang ganda!"
I smirked. Kung hindi lang sana ganito yung kulay ng buhok at mata ko. . . siguro mapapansin nilang buhay pa pala yung dati nilang inaakalang patay na.
Especially yung mga kauri kong mga lobo noon.
Hinanap ng mga mata ko sina Draven na ngayo'y kinakausap yung Headmaster sa stage.
"Draven."
I called him using telepathy.
Agad kumunot yung noo niya at tumingin sa direksyon ko. Kita ko yung pag-aliwalas ng mukha niya nang makita ako pero agad din siyang sumeryoso nang makitang seryoso ako.
"To the backstage. I need to talk to you." seryosong ani ko sa isipan niya. Tumango ito bago nagpaalam sa Headmaster at nauna nang pumunta roon sa sinabi ko.
Sumunod ako sa kaniya at naririnig ko pa rin sa bawat daan na napupuntahan ko'y nagbubulungan pa rin sila.
"You look stunning." muntikan na akong mapasigaw nang makarinig ako ng seksing boses sa likoran ko.
BINABASA MO ANG
Crimson Shadows: The Vampire's Tale
Vampiros[COMPLETED but NOT yet EDITED] In the world of vampires and werewolves, their world is very mysterious. Just like a girl with a lifelong curse. A girl who was killed but lived, Lived in another body but her physical form remained in the body she p...