Chapter 31: Chaos

14 4 0
                                    

THIRD PERSON POV

Kanya-kanya ng takbo ang bawat estudyante papuntang exit door. Habang yung iba'y nananatili upang labanan yung mga itim na bampira't lobo.

Sa ibang bahagi ng Grand Hall‚ ay andun yung walong studyante kung saan pinapalibutan nila yung dalagitang si Cassandra.

"Sandra‚ please. . . let us just handle this." ani ng isang binatang bampira na si Draven.

Umiling si Cassandra bago nagsalita. "I'm your co-descendant! Ikaw na mismo yung nagsabi na kailangan ako para dito!" sigaw nito na tila natatakot sa mangyayari sa mga kasama niya dahil sa ginagawa nila sa kaniya.

Lumingon siya sa bawat bahagi ng Grand Hall bago nagteleport papunta sa apat na grupo ng itim na bampira na sinasalakay yung isang studyante na lalaki.

Tuwang-tuwa ang mga ito dahil sa reaksyon ng estudyanteng lalaki pero agad silang napatigil nang mapansin ang tumarak na espada sa kanilang kasama. Naging abo iyon pagkatapos hugutin ni Cassandra ang espada.

Bilang descendant ni Aurelia‚ ay bawat isa sa kanila ni Draven ay may kaniyang-kaniyang kakayahan kung saan sila lang yung nakakapalabas at nakakakontrol ng mga ito.

"You're just too confident to laugh you idiots." ngumisi ang talaga dahilan para sumugod sa kaniya yung tatlong natira.

Tumakbo yung lalaking estudyante bago niya pinasasalamatan yung dalaga.

"Napaka swerte naman pala namin at ikaw na mismo yung lumapit sa'min‚ Maliyah." ani ng isa sa kanila.

Ngumisi si Cassandra bago winawasiwas-siwas yung espada niya sa ere. "Well‚ it's my pleasure." she uttered.

Sumugod yung tatlo at ipinalabas yung bawat patalim nila. Itinapon ng isa yung dagger nilang dala sa dalaga pero agad niya iyon inilagan.

Itinaas ni Cassandra sa ere ang kaniyang isang kamay at may lumabas doon na kuryente. Itinapon niya yun sa may dala ng dagger. Nakailag yung dalawa niyang kasama dahil magkatabi silang inaatake yung dalaga. Pero dahil sa ginawa nang tatlo‚ ay nawala yung atensyon nila sa dalaga at napunta sa kuryente.

Hindi nag-alinlangan yung dalaga at pumunta sa likod ng mga bampira at isinaksak sa bawat isa sa kanila yung espada at kusa nalang naging abo yung mga nakalaban niya.

Napatingin siya sa ibang direksyon kung saan kanya-kanya na nang atake yung bawat membro ng mga ranks sa Academy.

CASSANDRA'S POV

Ang bigat na ng katawan ko. Pagod na ako dahil ilang oras na kaming nakikipaglaban sa mga pesteng alipuros na mga bampira't lobo.

Wala akong nakuhang sugat o kung ano man‚ bawat mga white witches ay kanya-kanya sila ng wasiwas ng kanilang mga wands para protektahan kami.

"Are you okay?" napalingon ako kay Draven at nginitian siya. "Yes. . ." napatango naman ito bago ako hinalikan sa noo.

"I'll just end this." aniya at tumango ako.

Hinanap ng mga mata ko si Caspian but I didn't see him. I probably sure that he's still alive since leader siya ng mga itim na bampira't lobo.

Sinalubong ko ng espada yung kakapasok lang na mga bampira at agad naman silang naging abo.

Bumalik sa 'kin yung espada ko at agad ko naman itong nasalo. Napalunok ako dahil sa uhaw na hindi ko alam- I'm not craving for blood‚ iba yung nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman kong nag-iba yung mga kulay ng mga mata ko at sa isang iglap ay hindi ko na macontrol yung sarili ko. Kusang gumalaw yung katawan ko at sinalubong ulit yung mga bampira't lobo na itim sa paligid.

Crimson Shadows: The Vampire's Tale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon