CASSANDRA'S POV
Nag-alerto na yung mga ina-sign ng Headmaster, especially yung mga witches na gagawa ng barrier upang hindi madamay yung ibang mga students.
All secured.
Ang kailangan ko nalang ngayon ay yung mag-ingat. But still, may bahagi sa 'kin na masaya. . . hindi dahil doon sa halik na iginawad sa 'kin ni Draven kundi dahil sa balak nilang pagpapatay sa'kin, kasi once namatay ako at hindi pa sumasapit yung tamang oras nang pagtransfer ng sumpa sa katawan ni Draven ay may posibilidad na mawawala na 'tong sumpa na meron sa 'kin magpakailanman.
Kung mamamatay nga lang ako.
"May I dance you, Sandra?" napaangat ako ng tingin nang may kamay ang naglahad sa'kin.
Nasa pinakagilid akong bahagi ng hall, how come at nakita niya ako dito? Andito lang kasi ako para abangan yung pagsalakay ng mga itim na bampira kasi t-ngina nila't ang tagal nila! Kanila pa ako nangangalay kakatayo dito! Limang basong dugo na ata yung naubos ko, kasi wala e, masarap at iba yung lasa. Wine with blood.
"Draven, sa'n ka galing?" bati ko. Umangat yung sulok ng kaniyang labi.
Tinanggap ko yung kamay niya at hinila niya ako patungo sa gitna kung saan maraming mga bampira't lobo ang nagsasayawan kasama yung mga kaparehan nila.
"I'm just watching you since earlier from there." turo niya doon sa lugar kung saan niya 'raw' ako tinitignan.
"Tss. Bakit naman?" I asked. Nakarating na kaagad kami sa gitna. Hinawakan niya yung beywang ko at agad ko naman isinalay yung dalawang kamay ko sa batok niya.
Sa bawat tugtog ng malamyos na kanta ang kasabay ng mga paa naming dahan-dahang gumalaw.
"Boys always looking at you." pinaningkitan niya ako ng mga mata kaya napatawa ako ng mahina.
Ako? Tinitigan? E, wala namang masyadong bumabaling sa madilim na lugar do'n!
"Selos ka?" I joked.
"Yes, I'm jealous. If I really couldn't control myself earlier, I might have cut off their heads just by looking at you." aniya.
"Hinalikan lang kita, naging possessive kana? Astig mo, ah." biro ko. Isinandal ko yung ulo ko sa dibdib niya matigas.
Iniisip ko lang if ilan kayang packs ng abs ang andun sa loob? Argh! Stop that, Sandra!
"Why do you need to beautify yourself?" he whispered.
"Bawal ba?" tanong habang nakasandal pa rin yung ulo ko sa dibdib niya.
"Yes, it's probihited." tugon niya na ikinangat ng ulo ko. Tinignan ko siya pero tumawa lang siya.
"May sarili ka ng batas ngayon?" I asked.
"Yes, because I don't want any competition, I want to be the only one who can see your beauty. I doubt that, m'lady." his voice turns to seducing tone! Argh.
"Ayoko." ibinalik ko yung ulo ko sa pagkasandal sa dibdib niya, and this time. Naririnig ko na rin yung tibok ng puso niya.
Ang bilis! Para sa'kin kaya 'to?
"Hear that?" tanong niya. "Ang alin?" sagot ko.
"The beat. . . it's beating fast because of you. I hope you know that." namula ako sa sinabi niya. Para sa'kin?
"Draven. . ." I muttered. Alam kong mangyayari na 'yon mamaya, at dahil mahalaga sila. . . I will do my best to fight those vampires.
Gagawin ko ito hindi dahil gusto ko, kundi gagawin ko ito kasi ito yung nararapat- this is my fate in this life. At haharapan ko 'yon kahit kapalit na nito yung buhay ko.
BINABASA MO ANG
Crimson Shadows: The Vampire's Tale
Vampirgeschichten[COMPLETED but NOT yet EDITED] In the world of vampires and werewolves, their world is very mysterious. Just like a girl with a lifelong curse. A girl who was killed but lived, Lived in another body but her physical form remained in the body she p...