CASSANDRA'S POV
"Hay! Hindi pa rin ako nakakget-over doon sa ginawa mo last week, Sandra." Selene uttered. Naglalakad kami ngayon papuntang arena kasi in any minute, ay magstastart na yung battle.
"Why?"
"Anong 'why' ka d'yan! Syempre sino ba'ng hindi e sa isang pitik mo lang- bogsh!" bahagya niyang ikinuyom yung kamao niya sa harap niya ibinuka iyon with sounds. ". . . wala na kaagad yung kalaban!"
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi na 'ko pinayagan pa ni Draven na pumunta pa sa bahay namin kung saan nakita ko yung lalaking si Darius, kasi mapapahamak lang daw ako. Sina Damien nalang daw ang bahala roon.
Well, hindi na 'ko nakaangal pa since we make a deal din naman. Kung hindi ako papayag, ay walang away na magaganap ngayon. Tsk!
Nagpaalam na yung tatlo sa 'kin bago ako pumunta sa isang room kung saan ako lalabas patungo sa gitna ng arena.
Napaupo ako sa isang upuan bago isinandal yung likod dun. Sino kaya yung makakalaban ko?
"Are you ready, Sandra?" napalingon ako kay HM ng magsalita ito sa gilid ng pinto. Napaayos ako bago tumayo at hinarap siya. "Yes, Headmaster."
"Good, anyway, you didn't fail us." he smiled bago umalis.
Hindi ko kailan man bibiguin yung mga taong umaasa sa 'kin, I will promise I will do my best to protect them. Kahit kapalit na nito yung buhay ko.
"ARE YOU READY, ECLIPSE STUDENTS?!" agad akong napabaling sa screen nang magsalita yung emcee. I think, it's starting.
"SO, SINCE Y'ALL READY. LET'S ALL WITNESSES THE BATTLE BETWEEN CASSANDRA AMORA VS. " nagsimula nang bumunot yung si Headmaster Henzo sa isang box kung saan nakalagay ang pangalan nung pito. Ibinigay niya iyon sa emcee bago pumunta ulit sa kaniyang upuan.
"ARCEN MONSHADE!" malakas na sigaw ng emcee. Tinawag na niya kami para pumunta sa gitna kaya naglakad na ako patungo roon.
Si Arc pala yung makakalaban ko.
Agad na naghiyawan yung mga students nang pumasok kaming dalawa. He looked striking, yet perilous. I caught a glimpse of him smiling at me before vanishing in front of me.
He's starting.
THALIA'S POV
Arc smirked as he caught Sandra's intense gaze, her expression serious and unwavering. It was no secret that Arc possessed the extraordinary ability to control electricity, a power that made quick work of any adversaries foolish enough to challenge him. His mastery over this elemental force was both a gift and a curse, as it set him apart from others and granted him a formidable advantage in times of conflict.
Nagsimula na yung laban nila, kagaya ng pagitan nila, pati mga students ay nag-aapoy na rin sa hiyawan. Tsk.
Nawala sa harapan ni Sandra si Arc, pero hindi man lang siya nagreact or what- maybe she expected that already.
Tinitigan ko ng mabuti si Sandra at ganun nalang ang gulat namin nang bigla niyang sinipa yung direksyon ng likod niya at tumalsik si Arc sa 'di kalayuan. How? Hindi nga man lang nakita namin si Arc na sumugod sa kaniya.
Maybe he used his ability to teleport using his electricity.
Bumangon ulit si Arc bago iniangat yung dalawang palad niya at gumawa ng kuryente sa dalawang palad niya. Pati yung mga mata niya'y nag-iba, naging kulay puti iyon.
Sandra smirked. Agad na itinapon ni Arc yung kuryente niya sa kaniya pero agad 'yon naiwasan ni Sandra. She moved faster than we didn't expected- similar to the lightning that Arc conjured, I thought it would be faster, but I was mistaken. I was utterly wrong! Did she just manipulate the electricity?!
The students' mouths dropped open when they witnessed it. Well, she's Cassandra. The descendant of Aurelia, so what should we expect? Naturally, she's formidable, just like her fellow descendant.
She only needs to defeat Arc to secure the title of being an Eclipse Master.Ilang segundo yung lumipas nang iniangat ni Sandra yung hintuturo niya sa direksyon ni Arc, and in just one second bigla nalang napasigaw sa sakit si Arc. Agad akong napatayo at ganun din yung iba, except Damien and Draven.
Napatikip ako ng bibig ko sa nakita ko. Ako lang ba? Or pati yung iba? She just controlled his body! Ibinaba ni Sandra yung hintuturo niya kaya nakatayo ng maayos si Arc.
And in just one second- "Kneel." she commanded.
Napangisi si Arc bago tinignan si Sandra. "What if I don't?" he smirked.
"Then I don't have a choice but to end this battle and claim my victory." she said. Suddenly, the whole surroundings lit up, and we saw Arc lying on the ground.
What the fudge?
Agad na nagsidatingan yung mga servants para kunin si Arc. Ewan ko ba if dapat ba akong matawa sa kinahihinatnan ni Arc ngayon. Kasi, tangina! Dati-rati kasi ako yung tinawanan niya nung natalo ako ni Seraphina.
Naiwan si Sandra sa gitna habang tinitignan yung dalawang palad niya.
"Napalabas na niya yung Celestial Illumination." Damien uttered.
Celestial Illumination, this is the power of light bestowed by Lady Aurelia. This is the ability that can thwart anyone with malicious intent in our world. It is the second most potent weapon among all.
"Patay na si Arc?" maiyak-iyak na ani Elysia. Agad kong hinagod yung likod niya bago nagsalita. "He's not still dead, El. Nawalan lang siguro 'yon ng malay." I responded.
Umalis na kami kaagad para puntahan yung kasamahan naming ugok na si Arc. Papunta kami ngayon sa dorm namin since dun nila hinatid si Arc.
Agad na binuksan ni Xavier yung pinto at nauna nang pumasok sa 'min.
"Patay na ba 'yan?" Xavier asked. Napasok na namin yung dorm namin at agad na tumambad sa 'min si Sandra na ngayo'y nasa sofa na may hawak na libro. Nasa kabilang sofa si Arc na ngayo'y tulog pa rin.
Nauna na pala siya dito? At bakit 'di yan pinasok sa loob?
"Bakit dito 'yan nilagay?" I asked.
"Locked, I don't know where's the key kaya d'yan na siya inilagay. And anyway, I'm sorry from what happened- hindi naman siya nasaktan sa ginawa ko. Nawalan lang siya ng malay no'ng makita niya yung liwanag." she explained.
"Are you fine?" Draven asked.
"Sort of." ani niya bago isinirado yung librong binabasa niya. ". . . anyway, I have to go. May pupuntahan pa 'ko." she smiled at us bago tumayo.
"Where are you going?" tanong ni Draven na ngayo'y nakapamulsang nakasandal sa dingding. Hmm! Yeah, he appears handsome and appealing in that posture!
"Office. Sama ka?" dapat ba akong matawa sa pagkabigkas niya nun? Napakunot naman yung noo ni Draven bago umiling.
"Aish." napailing nalang si Sandra bago nag-angyong uwak. Lumipad na ito paalis at napaupo naman kami sa sofa namin.
Ang ganda niya talaga.
BINABASA MO ANG
Crimson Shadows: The Vampire's Tale
Vampire[COMPLETED but NOT yet EDITED] In the world of vampires and werewolves, their world is very mysterious. Just like a girl with a lifelong curse. A girl who was killed but lived, Lived in another body but her physical form remained in the body she p...