Chapter 23: Cemeteries

12 4 0
                                    

CASSANDRA'S POV

"Why you're so interested about that girl, Sandra? What's up with her?" rinig kong tanong ni Draven sa likod ko.

Argh! Kanina ko pa hinahanap yung name niya, hindi ko man lang makita. Iba't-ibang cemetery na rin yung napupuntahan namin, pati na rin yung sementeryo ng mga lobo.

"I had a vision last month, at narinig ko lang yung pangalan niya sa panaginip ko." saad ko habang patuloy sa pagtitingin ng mga lapidang nadadaanan namin.

"It's just a dream, Sandra." seryosong saad nito sa likod ko.

"No, andun din si Lady Aurelia." ani ko.

Hindi na siya sumagot pa at tumulong nalang sa paghahanap. "May sementeryo ka pa bang nalalaman, Draven?" lumingon ako sa kaniya para tanungin iyon.

"There's a last one," sagot niya. Napatingin ako sa kabuhuaan ng sementeryo bago napabuntonghininga at bumaling sa lalaking kaharap ko na ngayon. "Puntahan na natin 'yon." aniko.

Tumango ito at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. We turned into a dark crow, and yes, we're same.

Lumipad kami sa himpapawid at lumipas ang ilang minuto sa itaas ay lumipad siya paibaba kaya sinundan ko siya. Bumalik kami sa dating anyo namin at hindi na'ko nagulat sa lumantad sa'min na sementeryo.

"This is a old cemetery, it was build 984 years ago." ani niya habang seryosong nakatingin sa gate na luma na.

Bukas iyon bahagya at kulay itim ang kulay nun, matayog ang gate at sa pinakataas ay may bungo na naka disenyo. Napabaling ako sa kaniya nang magsalita pa ito.

"Hindi gaano kadami ang inilibing dito." dagdag niya. Napaawang ang labi ko sa narinig ko.

"Kaninong sementeryo ba 'to? Sa mga lobo o sa mga bampira?" tanong ko.

"Both." aniya na ikanatango ko. Kaya siguro walang masyadong inilibing dito kasi marami nang nagbago sa panahon namin.

"Pasok na tayo?" tanong ko at marahan naman itong napatango.

Bahagya kong inilibot yung tingin sa paligid at bigla nalang akong nangilabot, ang creepy naman pala dito hindi kagaya nang napuntahan namin last two days. Iba kasi yung katahimikan at ang ihip ng hangin dito, at parang ang bigat? I don't know, 'yan kasi yung nararamdaman ko ngayon since iba yung atmosphere dito.

Nauna akong humakbang papalapit sa gate at ganun nalang yung gulat ko nang kusa ito bumukas ng napakalaki as if mga higante kami. Nagbigay iyon ng matinis na ingay dahil sa luma at parang matagal na rin itong hindi nabuksan.

"D-Draven. . . wala namang sigurong nangmumulto dito, 'di ba?" nanginginig yung boses ko sa 'di ko alam na dahilan. Shit! Nahawa na ata ako kay Elysia!

"Maybe." sagot nito. Eh? Buti nalang talaga at sumama 'tong si Draven sa 'kin!

Tuluyan na kaming pumasok sa gate. Tumabi ako sa lalaking seryoso ginala yun tingin sa kabuhuan. "Are you scared?" tanong niya habang nakakunot yung noo.

"H-Hindi 'no,"

Napailing nalang siya bago naunang maglakad patungo sa unang lapida. Marami mga makakapal na puno ang nasa paligid, at yung lupa nama'y marami mga dami yung patay. Aish!

Tumakbo ako para maabutan kaagad si Draven. I've never been this scared before, not even in my whole life! Ngayon lang.

Tumingin ako sa unang lapida na puro lumot na yung andoon. Huminto ako at bahagyang itinikod yung isang tuhod para mapantayan yung lapida.

Cyn Sera Fesav

Vampirà -

Puro pangalan yung nakalagay, ni walang date kung kailan siya namatay or nabuhay dito sa mundo. Tinanggal ko yung lumot roon bago tumayo.

Nanatiling nasa likod si Draven sa'kin habang seryosong nakatingin. Argh, bakit ba ang seryoso niya? Parang feeling ko kasi anytime parang gusto na niya akong lapain.

Tumayo na 'ko para tingnan yung ibang lapida. Patuloy lang kami sa paglalakad nang bigla nalang ako napahinto sa nakita ko. Nahagilap ko kasi sa hindi kalayuan yung isang lapida na may letrang M.

Hindi ako nag-alinlangan gamitin yung ability naming mga bampira na pumunta kaagad doon. Huminto ako sa harap at ganun nalang yung pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita yung nakalagay.

Maliya--

Werewolf -

Hindi ko na gaano makita yung huling letra ng dahil sa luma na nito. Napalunok ako bago dahan-dahang umupo.

Pero sigurado akong ito 'yon.

"You're too fast, m'lady." rinig kong ani Draven nang makasunod na sa'kin.

Hindi ko nalang siya pinansin bago dahan-dahang tumayo. Lumingon ako kay Draven na ngayo'y seryoso nang nakatingin sa lapida.

Hindi ko alam pero parang naging emosyonal ako ngayon. Ano ba'ng meron sa babaeng nakalibing dito at parang ang laki niyang parte sa buhay ko? Kilala ko ba siya?

No, kasi I'm just 21 years old, matanda pa sila sa'kin.

Kusa nalang ako napayakap kay Draven nang hindi ko mapigilang mapahagulgol ng iyak. Damn this, I hate crying. But fvck, bakit hindi ko mapigilan? Ang bigat-bigat.

Parang kilala ko talaga siya. . .
Hindi pa gaano ka luma yung lapida kasi mukhang nasa 120 years ago pa siya inilibing. Pero luma na rin 'yon!

"Hush now, m'lady." hinaplos ni Draven yung buhok ko. Bahagya kong iniangat yung ulo ko para matingnan siya. "D-Draven. . . p-pwede mo bang alamin kung k-kailan siya namatay?" I asked.

Napatango siya ng marahan bago humiwalay sa'kin, pinunasan ko yung mga luhang umagos sa pisngi ko.

May emosyon ka pala, Sandra.

"I can't." napadapo yung tingin ko kay Draven na ngayo'y nakakunot yung noo habang nakapikit at nakahawak bahagya sa lapida ng babae.

Napalunok ako. Ano'ng ibig niyang sabihin? I know some informations about Lucian's descendant, at 'yon yung alamin ang isang bagay na matagal nang wala. Pero bakit ganun yung sinabi niya?

Lumingon ito sa'kin bago tumayo. "It's too powerful, Sandra. Something's blocking me." aniya.

Blocking? May humaharang sa kaniya, ano'ng ibig niyang sabihin?

Mukhang napansin ni Draven yung expression ko kaya nagsalita siya ulit. "I think someone did that, her history is a secret that's why something is blocking me." parang may kung ano'ng bumara sa lalamunan ko.

Secret? Bakit? Sino kaba talaga, Maliyah? Bakit ganun nalang ako makapag-react sa'yo nang makita ko yung puntod mo? Do I know you? Or do we already know each other pero hindi kita matandaan?

Imposible namang may anak si Mama na Maliyah yung pangalan tapos lobo yung bata? Argh, too much headaches. Hindi naman lobo si Papa kundi bampira, at ganun din si Mama, so how come at nakilala niya yung Maliyah na 'yon?

"Uwi na tayo, Draven." paos yung boses ko nang sabihin ko iyon. Kailangan kong makausap si Mama, pero hindi ngayon. Hindi pa ito yung tamang panahon para puntahan ko siya.

I really want to know the truth bago mahuli ang lahat.

"Let's go." sagot niya bago nag-anyong uwak. Sumunod ako sa kaniya at ilang minutong yung lumipas nang marating namin yung Academia. Gabi na at wala pang masyadong estudyante ang lumalabas.

Nag-iba ako ng direksyon at ganun din si Draven. Bumababa ako sa balcony ng kwarto ko bago bumalik sa dati.

Pumasok ako sa silid ko at pabagsak na napahiga sa kama ko. Pagod ako ngayon- emotionally, and physically.

Pagod yung katawan ko. Ang bigat pa rin t-ngina, pero 'di bale na. Malalaman at malalaman ko rin kung sino kaba talaga Maliyah. Walang sekretong hindi nabubunyag kaya aalamin ko 'yon nang palihim.

****
naxiamyy>,<

Crimson Shadows: The Vampire's Tale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon