Chapter 22: Rooftop

14 4 0
                                    

CASSANDRA'S POV

Lumipas na yung isang buwan ko dito sa Academy, pero thank goodness at walang labanan yung nangyari. Hindi na rin nagpadala ng mga sulat yung mga Crimson Nightshade Coven.

Maayos din yung pag-aaral ko dito dahil walang gulo.

"Sandra. . ."

"Draven?"

Narinig kong tumawa ito ng mahina. "Go to the rooftop." aniya sa 'king isipan.

"B-Bakit?"

Fresh pa rin sa'kin yung nangyari sa 'min noon. I don't know if sakaniya rin since mukhang wala akong napapansing kakaiba sa kaniya pag kasama ako.

"I need to tell you something." he answered. Napalunok ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko- t-ngina, bakit ganito?!

Hindi ko na siya sinagot at agad na nagtransform into a crow. Lumipad ako pataas at patungo sa building nila. Gabi na ngayon at wala pang masyadong estudyante ang nagsisilabasan since mamaya pa yung night hunting nila.

Agad kong napansin yung lalaking nakatayo sa 'di kalayuan, at nakatingin sa malaking buwan. He looks like a greek god- no scratch! Promise.

Nakaputing t-shirt lang ito kagaya ng dati- at nakapamulsa itong nakaharap doon.

Lumipad bahagya yung mga buhok ko dahil sa lakas ng hangin. Dahan-dahan akong bumababa at bago ibinalik yung dati kong anyo. Napansin niya iyon kaya agad itong humarap sa 'kin.

"Ano yung sasabihin mo?" pag-uumpisa ko.

Sinenyasan niya akong maupo sa isang bench kaya tumungo ako roon at umupo, ginawa naman niya yung ginawa ko.

"The curse that you have will soon be lifted." nginitian niya ako dahilan para tumibok yung puso ko.

Gosh! Bakit ba ang gwapo niya?!

"Draven. . . hindi kailan man mawawala yung sumpa kung walang tatanggap nun para mawala sa 'kin." malumanay na saad ko. Nabasa ko kasi 'yon sa libro noon.

"Don't mind it, what's important is that you'll live, okay?" he uttered. Hindi ko alam pero parang bumalik yung alala ko no'ng nasa mission pa kami.

Siya ba yung tatanggap sa sumpa?

"D-Draven. . . hindi mo naman 'to kailangan gawin kasi tanggap ko na ito na talaga yung kapalaran ko." nginitian ko siya ng mapait. Iba rin kasi yung feeling kung bakit niya ito ginagawa sa 'kin.

"Sandra, just thank me, okay? Don't speak like that because you will live, and you won't sleep forever," he gave me an assured smile.

Ilang segundo yung nagdaan nang maramdaman ko nalang na niyakap ko siya. "Thank. . . you," I whispered.

Hinaplos niya yung buhok ko bago ko naramdam na hinalikan niya yung noo ko. God! Why is he doing this to me?

"Anything for you, m'lady." he whispered. Agad akong namula sa narinig ko. 'Yan na naman- na trauma na 'ko d'yan!

"Why are you doing this to me? Wala namang akong ginawa para gawin mo 'to sa'kin." ani ko nang humiwalay ako sa kaniya.

"I'm the Vezier, Sandra. You know what is it, right?" tanong niya at tumango naman ako ng marahan.

Napabuntonghininga ako bago hinawakan yung kamay niya. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na 'yon pinansin.

I caressed it softly before I spoke. "Draven," tawag pansin ko sa kaniya.

"Hmm?" he hummed.

"Kung ano man yung mangyayaring masama sa'kin, gusto ko lang sabihin na nangyari iyon ng may dahilan." ani ko tyaka isinandal sa matigas niyang braso ang ulo ko.

Crimson Shadows: The Vampire's Tale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon