CASSANDRA'S POV
"Ito oh! Bagay 'to." aniya ni Celeste nang makarating kami sa pamilihan ng mga damit dito sa city ng nga bampira't lobo.
Marami rin yung mga estudyante ang bumibili ngayon at baka maubusan daw sila. Napatingin ako kina Selene na ngayo'y sinusukat yung blue niyang dress na napili. Bumaling ako sa dalawa na ngayo'y nakangiting nagtuturuan kung ano'ng nababagay sa kanila.
Argh, I'm going to miss them. . . sana wala ngang mangyayaring masama kasi hindi ko alam yung gagawin ko. Ang daya rin kasi ni tadhana- ayaw ipilasap sa'kin yung buhay ko dito since limited lang.
"Hoy, Sandra! Nakapili kana?" napabalik ako sa diwa ko nang kalabitin ako ni Celeste.
"May dress na'ko sa dorm." ani ko at napatango naman sila.
'Yon yung gagamitin ko, yung nabili ko sa moral realm.
"Magbabayad lang kami, Sandra. Wait ka lang dito ah?" paalam nung tatlo at tumango naman ako.
Inilibot ko yung tingin ko at naglakad papalabas ng boutique. What if? Puntahan ko sina Mama't Papa ngayon? I have a lot of questions to them, especially Mom. Kailangan kong malaman bago mahuli yung lahat.
"Tara na," napalingon ako sa tatlo na kakalabas lang bitbit yung lalagyan ng dresses nila.
"A-Ah. . . mauna nalang muna kayo, may pupuntahan lang ako pero susunod kaagad ako sa inyo." I smiled.
"Where?" tanong ni Celeste. "Doon lang." ani ko at tinuro yung direksyon sa 'di kalayuan at tumango naman sila.
Nagpa-alam na kami sa isa't-isa bago ako nag-iba ng direksyon. Sa una ay gustong sumama nung tatlo pero umayaw ako since kailangan ng privacy yung itatanong ko.
"Ma'am Cassandra?" bungad sa'kin ng isang buttler nang makarating ako sa main gate. Tumango ako at sinenyasan siyang pagbuksan ako ng gate at agad niya namang ginawa.
"Andun ba sina Mama sa loob?" tanong ko.
"Yung mama niyo lang po yung andun sa loob, at si sir naman ay umalis." sagot niya. Napabuntonghininga ako bago siya pinasasalamatan at tuluyan na ngang pumasok sa loob.
This is it. I miss this home, parang ilang taon akong nawala. haha.
"Sandra?" napabaling ako sa main door nang may tumawag sa'kin. Si Mama.
"Ma!" tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya. Damn, I miss my mom.
"Oh, anak. Napadito ka? Tumakas kaba?" she asked nang makakalas ako sa pagkayakap sa kaniya.
Umiling ako bago siya niyaya na pumasok muna. "No po, 'Ma. . . may gaganapin po kasing ball next day then pinayagan kami ng HM na lumabas para bumili ng ikasusuot." ani ko nang makaupo.
"Asa'n nga po pala si Papa?" tanong ko. Nang banggitin ko yung salitang iyon bigla nalang naging balisa si Mama. Heck, may nangyari ba? Nag-away ba sila?
"Ma, okay lang po ba kayo?" I asked worriedly.
Napalunok ito bago tumango. "Halika anak, I know may itatanong ka." aniya bago tumayo ulit.
Hindi ko alam pero bakit ganoon makapagreact si Mama? Sumunod ako sa kaniya, at nagtungo kami sa silid ko.
Binuksan ni Mama iyon at sinenyasan na pumasok. Marahan akong naglakad patungo sa loob bago niya iyon nilocked. Umupo siya sa higaan ko, kaya sumunod ako at umupo rin sa kaniyang tabi.
"What do you want me to answer, Sandra?" malambing nitong saad.
"May nangyari po ba?" I asked. Mamaya ko nalang itatanong yung tanong ko, I need to know if nag-away ba sila kasi iba si Mama ngayon.
BINABASA MO ANG
Crimson Shadows: The Vampire's Tale
Vampiros[COMPLETED but NOT yet EDITED] In the world of vampires and werewolves, their world is very mysterious. Just like a girl with a lifelong curse. A girl who was killed but lived, Lived in another body but her physical form remained in the body she p...