Sorry
"Jessica, Mae, tara na! Mangulekta na tayo ng niyog. Madami sa bandang 'yon oh," aya ko sa mga kaibigan.
Pero ang totoo niyan ay inayaya ko lang sila para makatakas sa masamang tingin ni Senyorito Enrique sa akin. Hangga't sa maari ayaw kong mapalapit sa kanya. Baka tuluyan na ako o kaming mawalan ng hanapbuhay nito.
"Teka lang, Iz—"
Hindi na makaangal ang dalawa dahil hinila ko na sila paalis sa gawing 'yon. Kulang nalang ay kaladkarin ko ang dalawa. Grabe sobrang nakakahiya talaga sa isipang ginanun ko lang ang amo namin, na ginanun ko lang ang isang Guerrero. Pero... totoo din naman kasi mayabang siya at walang pakialam.
"Iz, ano ba!" reklamo ni Jessica sa paghihila ko. Tuluyan na din kaming medyo nakalayo-layo na sa gawi ni Senyorito Enrique.
"Hindi niyo ba nakita? Tinignan tayo ng amo natin kasi nag-uusap kayong dalawa..." palusot ko pa.
Kumagat naman ang dalawa dahil bakas sa eksprasyon nilang napaniwala ko sila. Sabay na nanlalaki ang mga mata ng dalawa.
"Hala! Kaya pala ang sama ng tingin niya sa ating tatlo. Napansin ko din 'yon!" si Mae na ngayo'y kinakabahan.
"Nakatingin pa ba?" usyuso kong tanong sa dalawa. Hindi ko kasi magawang tignan ang Senyorito kasi napakasama ng titig nito sa gawi ko kanina.
Kunyari namang lumingon si Mae 'tsaka binalik din naman ang baling sa amin agad, "Oo patay! Baka galit! Magpokus nalang tayo sa ginagawa!" natataranta ito nang sabihin 'yon.
Kaya naman kaming tatlo ay ipinukos nalang ang sarili sa ginagawa. Palihim ko namang minumura ang sarili at sinisisi. Alam kong masama ang tingin nito sa akin dahil iritado siya sa naging asal ko sa kaniya noong nagdaang araw. Binastos ko ba naman!
Yung mga trabahador naman ay nagkukunwaring nagsisipag din. Alangan naman, kailangan talagang magpapasikat dahil nandito ang amo namin. Nandito ang panganay na Guerrero.
Nagnakaw naman ako ng tingin sa gawi niya at laki ko namang pinagpapasalamat na hindi na ito nakatingin sa amin. Kausap na nito si Manong Crispin, lumapit pala ito sa kanya kanina.
Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa?
Baka... sinusumbong na nito ang ginawa ko sa nagdaang araw at hindi na ako patratrabahuin muli sa niyogan o baka mas masama pa, papaalisin kami dito sa lupain nila. Ayaw kong mag-ooverthink, pero 'yon nga siguro ang pinag-uusapan ng dalawa, lalo na nung nakita kong napatingin din si Manong Crispin sa akin.
Iniwas ko nalang ang tingin sa gawi nila. Sana lang talaga mali ang iniisip ko.
"Uy, Iz, ikaw ha!" si Jessica habang patuloy parin kami sa ginagawa.
"H-ha?"
"Wag mo sabihin sa'ming may bago ka na namang crush hindi na si Senyorito Angelo, 'yong panganay na naman sa Guerrero!" tukso niya sa akin.
"A-ano?" biglang nanlaki ang mga mata ko. "Magpokus ka na nga lang sa ginagawa mo diyan, Jessica. 'Wag 'yong kung ano-ano lang ang mga pinagsasabi mo!"
I can't even imagine having a crush on him. Yes it's undeniable that he has the looks but he is a proud man and full of himself. Hindi yang mga klase na yan ang pinapangarap kong maging kasintahan. Ang natatanging ideal man ko lang ay is Senyorito Angelo lang. Kind-hearted, gentleman and every girl's dream.
"Eh bakit tumitingin ka sa gawi niya? Akala mo hindi ko napapansin 'yon haha,"
Bumusangot lang ang mukha ko. Nabigyan ba naman ng maling kahulugan ang pagsimpleng pagtingin sa gawi niya.
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...