Comfort
There are things in our life where we completely regretted our decisions back then. Where we think, I just did it to be happy and was not expecting the pain you felt afterwards.
Gusto ko lang naman dibang sumaya kaya pinili ko si Enrique kaysa kay Angelo kasi... akala ko siya ang mahal ko. Now, I'm doubting, if Enrique really loves me the same way I love him. Dahil kung totoong minahal niya talaga ako, hindi na sana siya maghahanap pa ng iba.
"Am I not enough?"
Patuloy kong tanong sa fountain na kaharap ko ngayon. Ngunit patuloy lang ang eskultura sa pagbubuga ng tubig.
Walang sagot!
Tulala lang akong napatingin habang nagsisipag-agusan ang mga luha ko sa mata.
"Bakit? Did I just made a wrong decision?"
Nagsipaglandasan ang luha sa mata ko. Kanina pa umalis sila Enrique kasama ang bagong babae niya, si Livia, at ngayon ay naiwan ako dito mag-isa.
Sobrang sakit parin talaga!
Kapalit na ba ang sakit na ito sa mga kasalanan ko? Ganito din ba ang naramdaman ni Angelo no'ng niloko ko siya? Kaya ba niloko ako, kasi isa din akong manloloko?
It's all my fault. I'm vulnerable in temptation. Unang-una palang alam ko na kung anong klaseng tao si Enrique: Mayabang, mapagmataas, walang awa, walang modo, walang pake at higit sa lahat masama ang ugali. Ngunit nagpabiktima parin ako! Minahal ko pa nga eh!
Napakabobo ko talaga sa pag-ibig! Ni hindi nga siya ang lalaking tinatamasa ko noon. Matalino naman sana ako pero pagdating sa pag-ibig, ang bilis ko lang napapaniwala o ano.
Gusto kong suntukin ang sarili at magtampisaw sa fountain sa kagagahang nagawa. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Kung bakit ba si Enrique ang pinili ko... Kung bakit siya pa... Hindi sana ako masaktan ng ganito kung sa una palang hindi siya ang pinili ko.
Kaya pala ayaw niya ng rumeply sa akin dahil paniguradong nagsawa na siguro sa katawan ko o ano. O 'di kaya nakahanap na naman ng ibang flavor. O 'di kaya nakahanap na naman ng mas masarap ang katawan. O 'di kaya mas magaling sa performace 'yong si Livia kaya siya ang pinalit sa akin ni Enrique.
Punong-puno ng hinanakit ang puso ko. Kung bakit ba kasi ang tanga ko sa pagmamahal na 'yon na pati 'yong pinakainingat-ingatan kong pagkababae ay ibinigay ko pa sa kaniya. Ipinagkakaloob ko lang sana dapat iyon sa mga tama at siguradong tao, hindi sa kagaya niya!
Marahil, galit parin ito sa akin at ito ang ginawa n'yang paraan para saktan ako, para wasakin ako. Ang sama sama niya!
Npakasama ni Enrique!
Nanahimik lang naman ako pero bakit ako 'yong pinunterya niya. Nasayang lang lahat ng mga pinagmamalaki ko sa sarili... sayang na sayang lang!
Gusto kong tumili sa sakit na nararamdaman. Ni halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko ngayon.
Nasusuka ako. Nandidire sa lahat ng bawat segundong kasama siya. Lalong-lalo na sa mga pagkakataong nagpagalaw ako. Ang bobo ko! Napaniwala niya akong totoong mahal niya ako!
If only I could turn back time I wouldn't ever, ever choose him again. Ngunit sa kabila ng lahat ay pinikit ko parin ang mga mata ko 'tsaka ngumiti ng pilit.
I need to smile to wipe the tears away. I need to smile to wipe the pain away.
Kailangan ko ito... kailangang-kailangan kasi hindi pa katapusan ng mundo. Kailangan ko pang lumaban sa kabila ng lahat. Hindi dapat ako magpakawasak dahil sa lalaki lang na 'yon.
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...