Conscience
Naalimpungatan ako nang pagbukas ko sa dalawang mata ay ibang kwarto ang kinaroroonan ko ngayon. Kinabahan ako, ngunit nang makita ang lalaking katabi ko ngayon na sobrang himbing ang tulog ay unti-unting bumalik sa akin ang mga alaala kagabi. I am so exhausted. I remember, it was dawn when Enrique finally stopped. Hindi niya talaga ako tinigilan kagabi. Pinanggigilan niya ako.
Pinuluhan ako ng pisngi. Nangyari talaga 'yon? Ibig sabihin ba, hindi na ako virgin ngayon? Meron pa naman sana akong pangako sa sarili na ibibigay ko lang ang bagay na 'yon sa lalaking mapapangasawa ko lang. But it turns out to be a joke, kay Enrique ko 'yon naibigay. Pilit akong humanap ng kung ano mang pagsisisi sa sarili, ngunit wala talaga. I was happy and contented that it was him. I enjoyed every moment last night, though.
Nang mapasadahan ko ng tingin ang magandang mukha niya ay hindi ko mapigilang mapangiti, ang gwapo niya talaga. Ngunit agad iyong napawi nang maalala ang pangyayari bago 'yon.
Shit! Anong oras na kaya ngayon? Paniguradong nag-alala na ang mga magulang sa akin. Si Angelo ba, baka pinuntahan niya ang silid na tutulugan ko sana.
Nag-uumpisa na akong mataranta at akmang babangon na sana nang halos mapangiwi ako sa sobrang sakit ng katawan. Halos hindi na ako makagalaw para akong kakagaling binugbog ng todo. Lalong-lalo na sa parteng iyon, masakit na masakit talaga siya.
"Hmmm..." gumalaw si Enrique at yinakap lang ako.
"Enrique..." pukaw ko sa kaniya.
"Mamaya na. I'm still so fucking tired baby..." malambing ang tinig nito.
"Enrique, baka nag-alala na ang mga magulang ko, hindi pa naman ako nakatawag sa kanila dahil sa nangyari sa ating dalawa kagabi..."
"Okay, okay give me a minute..." mas yinakap pa ako nito at sumubsob ito sa dibdib ko.
"Enrique!" saway ko.
"Hmmm... What is it baby?"
"Anong oras na kaya ngayon?"
"Probably Twelve Noon. I am not sure..."
Agad na nanlaki ang mata ko. Baka hinahanap na ako ni Angelo ngayon. Paniguradong nag-alala na ito ngayon.
Shit na!
"Enrique! Babangon na ako..."
Itinulak ko siya mula sa pagkayakap sa akin. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito. "I'm still tired and sleepy..."
"Uuwi na ako baka nag-alala na sa akin sila Mama at Papa—"
Hindi ko na magawang matapos pa ang sasabihin nang mabilis n'yang sinakop ang labi ko sa halik niya. Iniwas ko sa una ang mukha ngunit napilitan akong mapatugon nang parang kinakain na nito ang mga labi ko.
"Hmmm!" naging ungol ko nalang.
Pilit kong pinapantayan ang intensidad na ibinibigay nito sa akin. Mas lumalim na ang halikan namin hangang sa gumalaw-galaw na ang katawan nito at unti-unti akong pinatungan. Ngunit agad na nagbitiw ang halikan naming dalawa nang biglang may bumukas ng pintuan sa silid.
Hindi ba 'yon nalock ni Enrique kagabi? Mukhang hindi nga!
"Kuya?... Iz? Ahhh..." boses iyon ni Angelo kaya agad-agad kong itinulak si Enrique mula sa ibabaw ko.
Shit!
Nang mapatingin ako sa mukha ni Angelo ay bakas sa mukha nito ang gulat at hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi maipinta ang mukha nito sa galit. Hindi ko din siya masisisi, makita mo ba naman ang kasintahan mong kahalikan ang kapatid mo na parehong walang saplot sa katawan sa iisang kama.
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...