I hope you also read the next series of this story. Thank you!
REVENGE OF A BEAUTY (MASALANTA SERIES #2)
Buong buhay ni Jandrix, si Aina Santamaria lang ang babaeng pinapangarap niya. Lahat ng magagawa niya para mapalapit sa kanya ay ginawa na niya-sunduin araw-araw, magbigay ng bulaklak, at humiling sa Masalanta Fountain. Pero kahit anong gawin niya, tila malabo pa rin na magustuhan siya ng babae.
Sa kabila ng lahat ng pagsisikap ni Jandrix, lalong naiirita si Aina sa kanya. Sa kalaunan, magiging handa siyang gumawa ng kahit anong bagay, kahit na masama, para makuha lang si Aina. Ang kanyang pagnanasa ay nagiging obsesyon, na nagdudulot ng malalim na sugat sa buhay ni Aina.
Ilang taon ang lumipas, babalik si Aina na may bagong pagkakakilanlan at bagong status upang maghiganti bilang si Anarina Rafael. Pero matatakasan ba niya ang isang Jacobo Andrix Bigeriego? At kaya ba niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang pagkatao at pamilya?
MY FIRST AND GREAT LOVE
(MASALANTA SERIES #3)Maraming tao ang dadaan sa buhay natin—kaibigan, oportunidad, pagmamahal... tapos bagong pagmamahal na naman ulit. Pilit na hinihingi ni Paige sa Masalanta Fountain ang tunay na pag-ibig ngunit kailanman ay hindi siya binigyan ng katuparan sa Fountain.
Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Christian, ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya. Nagsimula ang kwento nila na parang telenovela, ngunit nauwi lamang sa sakit. Hanggang sa may makilala na naman ulit siyang bago at magbabalik na naman si Christian na siyang unang pag-ibig niya.
Sa buhay, makikilala natin ang ating unang at dakilang pag-ibig. Pero sino ang pipiliin natin—ang una, o ang nag-ayos sa atin upang sumugal ulit? Ngunit, papaano kung huli na ang lahat?
More will come out soon...
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...