Kabanata 22

173 4 4
                                    

Bed (SPG)

"Let Iz stay in the Mansion, Angelo. Sobrang lakas ng ulan..." si Tita Venece.

"Is it okay, Iz?" nag-aalangang tanong ni Angelo sa akin.

Pagkatapos kasi ng dinner kanina at magpapasya na sanang ihatid ako pauwi nang mapagtanto naming sobrang lakas ng ulan at hangin sa labas. Ewan ko ba kung may bagyo o ano pero parang galit yata ang langit ngayon, kumukulog pa nga. Pag minamalas ka nga naman!

"Paano sila Mama at Papa? Ang alam nila makakauwi ako ngayon..."

"You could text to inform them, Iz..." suhestiyon ni Tita Venece.

Ayaw ko din namang magpumilit na magpahatid ngayon dahil sa panahon. Ngunit nakakahiya talaga at dagdagan pa na ito ang unang beses na hindi ako matutulog sa bahay.

"Mom's right, Iz. You could stay here for the rest of the night. I'll take you home tomorrow morning. I promise!"

Nagdadalawang isip talaga ako. Sleeping in their mansion is a dream of many people residing in La Naga. It is an opportunity for me. Ngunit, nakakahiya mas'yado.

"Tatawagan ko muna kapitbahay namin para ipaalam sa mga magulang ko..."

Napahinga ng matiwasay ang mag-ina nang sabihin ko 'yon. Alam kong nag-aalala din sila para sa akin.

"You call your parents, Iz. I'll just ask someone to prepare the guest room for you,"

"Salamat po, Tita Venece..." Napangiti ito sa akin bago ito umalis sa gawi namin ni Angelo. Ako naman ay nagsimula nang tawagan ang kapitbahay namin upang i-imporma ito sa kalagayan ko ngayon. Wala kasing sariling cellphone ang mga magulang kaya makikisuyo nalang ako.


KAHARAP ko ngayon ang napakagandang silid. Na akalain mo talaga isa itong kwarto ng VIP hotel. May malaki at malambot na kama atsaka napakagandang desinyo ng paligid. Tuloy, hindi mapigilan ng mga mata kong mapakislap. Hindi makapaniwalang dito ako matutulog sa gabing ito.

"Malapit lang ang kwarto ko dito, Iz. Puntahan mo nalang ako pag may kailangan ka..."

"Ang ganda dito, Angelo!" Kanina ko pa 'to bukambibig. Mas'yado talaga akong napamangha.

Napatawa lang ito, "Hindi naman. Sige, sige iwan muna kita dito ha para makapagpahinga ka na."

"Salamat Angelo, ha..."

Sumilay lang ang ngiti sa labi nito, "Goodnight, Iz! Have a good sleep!"

"Ikaw din..."

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "I love you..."

Kinabahan na naman ako nang bigkasin niya ang mga katagang 'yon. I don't know what to reply... I-I don't know. I'm not sure yet about my feeling for him...

I choose to stay silent. I can't reply him for now. Hindi na ako sigurado sa totoong nararamdaman ko para sa kaniya.

"Lalabas na ako, Iz. Sweet dreams..."

"Ikaw din..."

Hanggang sa makalabas na si Angelo sa silid. Napaisip pa rin ako sa kinasangkutang sitwasyon ngayon. Before, I could easily say I loved him eventhough I didn't hear him say it. Pero... ngayon na sinabi niya na ng harap-harapan sa akin. Wala talaga akong nararamdaman na kung ano man lang. Though, the sound is like music to my ears but no emotion, just pure sound. Hindi na talaga gaya sa dati... may nag-iba.

Ibinagsak ko ang sarili sa malambot na kama. Ang sarap-sarap sa pakiramdam. It feels like I'm laying in the clouds. Hindi ganito ang kama ko sa bahay. Foam din naman siyang manipis, sadyang hindi lang kasing lambot nito. Sinubukan ko pa ngang italbog-talbog ang sarili, napaka-satisfying talaga.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon