Tingin
Gaya n'ong unang pagpapasama niya sa akin. Bumili na naman ito ng pangmeryenda para sa mga trabahador. Wala kaming imikan dalawa matapos ang usapan kanina.
Sumama lang ako sa kaniya doon sa tindahan at gaya n'ong unang pagsama ko sa kanya. Ako ang nagdala ng tinapay at siya naman sa mga softdrinks. Hindi naman ako naiilang na walang nagsasalita at walang pansinan. Mas mabuti ngang ganun.
Hindi ko nga lang talaga alam kung ano ang motibo nito sa amin. Kung bakit nagpapabango siya ng pangalan, sa pamamagitan ng pagbibili ng pangmeryenda sa aming mga trabahador. Hindi naman sa hindi ko na-appreciate ang ginagawa niya pero kasi...
Basta...
Obligasyon niya naman bilang amo namin siguro, kasi hindi kaya biro ang pagtratrabaho namin doon sa planta. Tapos sila lang din naman ang makikinabang d'on. Siya kaya 'yong papupulotin ko ng mga niyog kung kaya niya ba? Kutis palang ng lalaking ito, siguradong-sigurado na ako at walang pagdadalawang isip na maarte. Maski siguro kahit niyog man lang hindi niya pupulutin.
Ang sarap talagang hampasin ng dahon sa talahib ang mukha niya sa totoo lang, nakakainis!
"Why are you staring?"
Agad naman akong natauhan nang bigla itong nagsalita. Kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya habang nag-iisip. Nasa loob na kami ng sasakyan niya ngayon at kagagaling lang sa pagbili ng pangmeryenda para mamaya.
"H-ha?"
"You're staring at me!"
"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"I caught you... Don't deny it! Baka mamaya nagsungit-sungitan ka lang tapos gusto mo lang pala akong angkasan," natatawa pa nitong sabi.
Aba'y! Kailan man, hindi ko inisip sa kaniya 'yon. Pagsuntok o paghampas ng talahib sa pagmumukha kaya... siguro.
"Ano?"
"Just saying..."
"FYI, pinapatay lang kita sa isip ko. Para naman mabawas-bawasan ng mayabang at masasamang damo dito sa mundo..."
Nakita ko ang pagkunot ng noo nito.
"Really? Huh? Aren't you really one of those girls who fantasize me?"
He smirked. Ang hangin talaga!
Sa isipan ko pa nga lang na makita lang siya, nandidire na ako. Pagpantasyahan ba naman? Hindi ko talaga maisip 'yan sa kaniya.
Oo, totoo, may hitsura siya, hindi naman maipagkakaila 'yon. Pero nakakatindig balahibo ang ugali niya... 'yong kayabangan at kahanginan niya sa sarili. Mas pipiliin ko pa siguro ang pinakapangit na mukha sa mundo kaysa sa kaniya.
"Ewww! Nakakadire ka!"
Nanginginig ang katawan ko sa sinabi niya. Hindi porket gwapo at mayaman ay magkakagusto na ako sa kanya o hihilingin ko na sa sariling makaangkas sa mga hita niya. Isa lang ang taong napupusuan ko at hindi siya 'yon— ang kapatid niya, si Senyorito Angelo lang at wala ng iba pa.
"You're just pretending—" tukso pa nito.
"Tumahimik ka nga! Hindi ako pumapatol sa kagaya mo... Nakakasuka kang lalaki ka!"
Kahit pa siguro siya nalang ang nag-iisang lalaki dito sa mundo, hindi ko pa rin siya papatulan. Magpapakamatay nalang akong birhen kaysa sa madapuan ng kagaya niya.
"Nasusuka ka ba talaga sa'kin o 'di kaya—"
"Pwede ba!" medyo lumakas na ang boses ko. "Wag na wag mong sinasabi sa akin 'yan. Hindi ako gaya sa ibang babae dito na pinapantasya ka. Wag mong lahatin dahil kahit ikaw nalang ang natitirang lalaki dito sa mundo, hindi parin kita papatulan. Kadire talaga! Ewww!"
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomansaIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...