Kabanata 17

156 6 4
                                    

Yes

Alas siete na ngayon at nakauwi na ang mga magulang sa bahay galing sa niyogan. Medyo nawala na din ang hapdi sa sugat ng tuhod ko. Masakit nalang siya pag nasasagi. Nakakalakad na din ako kahit papaano ng normal pero hinay-hinay nga lang.

Ang pinag-alala ko ngayon ay
ang pagkikita namin ni Angelo. Ayaw ko namang kanselahin ang lakad namin mamaya kasi nahihiya ako sa kaniya. Ang sabi pa naman nito'y may importante daw kaming pag-uusapan. Kaya bahala nang gumapang ako matutuloy lang ang lakad naming dalawa.

"Anak, sigurado ka bang tutuloy ka parin sa lakad mo?" nag-aalalang tanong ng ina.

"Opo, Ma..." kakagaling ko lang sa pagliligo at may tuwalyang nakapulupot sa buhok at nakabalot naman sa katawan ko.

"Paano ang sugat mo?"

"Iindahin ko nalang po, Ma. Makakalakad pa naman, hindi na po siya gano'n kasakit gaya kanina..."

"Sigurado ka ha?"

Tumango lang ako 'tsaka maingat at dahan-dahang nagtungo sa kwarto upang magbihis at mag-ayos sa sarili. Alam ko na maya-maya lang ay magtetext na si Angelo sa akin na susunduin niya na ako.

Nakaharap sa maliit na tukador namin ay inaral ko kung ano ang gagawin sa mukha ngayon. May mga kolerete naman ako, hindi ko lang talaga mas'yadong ginagamit pag walang okasyon. At alam ko naman paano gamitin 'yon, hindi lang talaga ako mahilig.

Kailangan kong magpaganda kasi kahit hindi man direktang sabihin ni Angelo sa akin ay malakas ang pakiramdam kong magde-date kami ngayon. Gusto kong maging kahit kaaya-aya lang tignan sa pagkakataong ito. I just feel like though.

Nag-umpisa na akong maglagay ng kolerete sa mukha. Foundation... eye brows... lipstick, etc..., hanggang sa makuntento na ako estado ng mukha. Binuksan ko din sa aparador ang dress na susuotin ngayon. Kakabili lang nito sa tiangge no'ng isang araw at ngayon ko palang susuotin. It was maroon short sleeve V-neck pleated dress tight-fitting clinced hip skirt.

Nagdadalawang-isip pa ako kung susuotin ko ba ito ngayon o hindi kasi mas'yadong revealing ang damit at paniguradong makikita talaga ang cleavage ko nito. Pero... wala naman akong ibang masusuot bukod dito. Ang iba ko ng mga damit ay jeans, blouse at t-shirt lang. Hindi naman siguro magandang tignan na magsusuot lang ako ng mga pipitsuging mga damit sa lakad ngayon.

Bahala na nga... ito nalang. Ngayon lang naman 'to.

Isinuot ko ang dress, medyo nahihirapan pa ako dahil sa sugat ko pero naisagawa ko naman. Inayos ko ng kunti 'tsaka pinaresan ko rin ng mababang takong na sandal. Balak ko sana 'yong medyo mataas-taas ngunit, mahihirapan akong maglakad. Kung hindi lang sana ako nasugatan ngayon... aba'y kahit ilang inch pa.

Matapos masuot ang sandal ay bigla ding tumunog ang selpon ko sa gilid kaya agad ko 'yong tinignan— si Angelo pala tumatawag. Agad ko naman 'yong sinagot.

"Iz, nandito na ako sa labas ng bahay niyo," sabi nito sa kabilang linya.

"Pasok ka muna sa loob Angelo. Patapos na din ako..."

"Okay, sige. Walang problema!"

"Sandali lang ha, aayusin ko muna 'yong damit ko. Mabilis lang 'to..."

He chuckled on the other line, "Take your time, Iz. I'll be waiting..."

"Baba ko muna ha!"

"Sige,"

Then I cut off the line. Sa totoo lang medyo kinabahan ako ngayon ng kunti. Ewan ko lang talaga...

Pinasadahan ko muli ng tingin ang sarili sa salamin. Kuntento naman ako sa ayos ko ngayon, maganda naman ang make up ko at bumagay naman 'yong dress. 'Yon nga lang, ang suot ko ay masyadong maikli at halos lumuluwa na ang may kalakihan kong dibdib. Pilit ko naman sana 'yong hinihila pataas pero medyo malaki talaga kaya lantad ang cleavage ko.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon