Kabanata 24

139 4 0
                                    

Moments

Unfortunately, I was so loaded this day. Seven Thirty sa umaga palang pumasok na ako sa paaralan, sobrang aga kasi ng klase ko ngayon. Dagdagan pa sobrang napakaraming activities na gagawin sa araw na ito.

Actually, I wouldn't be this loaded and busy if in the first place, hindi ko na pinaabot sa malapit na sa deadline ang mga gawain. I was a bit negligent of my responsibilities.

"Bakit kasi hindi mo ginawa ang essay na 'yan kagabi Iz?" panayam ni Mae.

Oo na! Aaminin ko ng naging pabaya ako mas'yado. Sa aming tatlo, ako na lang 'yong dali-daling ginagawa ang mga assignment ngayon. Tapos na daw kasi sila. Which is really odd, this was never ever my behavior before. I finished task ahead of time but what happens now?

"Panay siguro ang pagkikita at pagtetext nila ni Angelo kaya ayan hahaha. Hindi ka naman ganito Iz, ah. Sa pagkakaalam ko, ikaw 'yong pinaka-aktibo sa mga school works natin..." si Jessica.

Hanggang ngayon wala pa rin silang ideya na wala na kami ni Angelo. Hindi ako nagkukwento sa kanila sa nangyari no'ng nagdaang semana. Pinanatili ko lang 'yong lihim. Not that I don't want to, I just don't want to stir rumors. I trusted them but I am not yet ready to talk about it for now.

Inignora ko lang ang sinabi ng mga kaibigan at itinuon na lang ang atensyon sa pagsusulat nang mabilis dahil malapit nang pumasok ang prof namin sa subject ngayon. Sa palagay ko pa nama'y ako nalang 'yong natitirang wala pang essay sa lahat ng kaklase ko.

"Ewan ko talaga sa'yo. Sana naman 'wag kang mawalan ng interes sa pag-aaral dahil lang sa pag-ibig na 'yan haha," si Mae.

Naging pabaya talaga ako sa nagdaang araw kasi panay at sunod-sunod ang pagkikita namin ni Enrique. Minsan pa nga'y tumatakas lang ako sa bahay para lang makipagkita sa kaniya. Simula no'ng nahuli kami ni Angelo ay hindi ko na rin siya nakita pang muli pa. Si Enrique ang pumalit sa puwesto niya o mas malala pa. Palihim kaming nagkikita at minsan pa nga'y nagawa ko pang hindi na pumasok sa ibang subject para makipagkita lang sa kaniya.

Minsan sa Cabin kami, minsan dinadala niya ako sa malayong lugar at minsan lang din nasa loob lang kami ng sasakyan niya nag-uusap. Ilang beses ko na ding naibigay ang sarili ko sa kaniya. I oftenly sleep with him. Nasundan ang bagay na 'yon ng maraming beses. Karamihan kasi sa pagkikita namin ay ginagawa din namin ang milagrong iyon. Natatakot na nga ako minsan sa magiging kahihinatnan no'n. Ngunit, hindi ko din talaga mapigilang ang sariling hindi makipagkita sa kaniya.

Baliw na nga yata ako!

"Masama kasi ang pakiramdam ko kagabi..." I lied.

Ang totoo kasi niyan, kagabi tumukas ako sa bahay mula sa bintana ng kwarto ko upang makipagkita lang kay Enrique. Palihim na inantay niya lang ako sa labas gaya ng nakasanayan.

"Ewan ko talaga sa'yo. O, s'ya hayaan mo na 'yang si Iz Mae para matapos na 'yan," si Jessica.

Napahinga nalang ako ng malalim 'tsaka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. Nangangalay na nga 'yong kamay ko kakamamadaling magsulat. Wala din naman akong ibang masisisi bukod sa sarili, pinairal ko ba naman ang kalandian kaysa sa pag-aaral.

Madali lang natapos ang araw, hindi lang namamalayan. Pinagpapasalamat ko nalang na nagawa ko paring mapangasiwaan ang mga kapabayaan ko. Kahit papaano'y naipasa ko naman lahat ng kailangang mapasa sa araw na ito.

Nandito na kami ngayong magkakaibigan sa labas ng gate at natanaw ko na nga ang magandang sasakyang nakaparada malapit sa puno. Araw-araw niya kasi akong sinusundo pagkatapos ng klase ko. Hindi ko nga lang siya pinapalabas. Ayaw ko na naman ng panibagong atensyon. Lesson learned na sa akin kumbaga ang naging unang relasyon namin ni Angelo and I don't want to make the same mistake twice.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon