Wakas

115 4 0
                                    

This will be the last part... thank you!



I watched the trees twist and curl with the subtle wind. Sumasabay iyon na parang alon sa ihip ng hangin dito sa planta. It felt honestly good to finally be back. To finally be back after a year of leaving to run away. I feel so light, modest and lastly, it felt something like... home.

A year ago, I can still clearly remember how we left this place. How we made a mark in people's minds and in this place. I missed everything in La Naga. Ang napakabughaw na kalangitan, ang mga nagsisipagberdehang mga kakahuyan, ang sobrang sariwang hangin, ang burol, ang mga tao... lahat-lahat. I missed it, so much. It's something that you could not compare to the wild lights and tall buildings in the city. Sa loob ng taong nandoon ako sa siyudad, palaging hinihingi ng puso ko ang makauwi sa lugar kung saan ako lumaki at nagkamulat.

Now, I understand the feeling when somebody says there is no place like home because home is peace. Home is happiness. Home is everything. And home is a part of you that will always remain forever despite the burdens that life presents. Babalikan mo hindi dahil lang sa magandang lugar at tanawin kundi dahil naging parte ito ng masakit at magandang alaala ng buhay mo. Home is the foundation and provides us the groundwork to the person we've become.

Napakadaming nagbago na kahit isang taon lang ang nakalipas magmula no'ng umalis kami. Lalong-lalo na sa bandang ilog; mas rumami pa ang cottage doon at kahit ang mga taga Flordeliz at karatig na lugar ay bumibisita din doon. Naging tanyag ito at andaming mga vloggers ang pumupunta roon.

Pinagpasalamat ko nalang din na hindi nagtagal ay naintindihan ng mga magulang ko ang naging desisyon ko. Si Tita Venece naman medyo na-disappoint siya sa ginawa ko ngunit paunti-unti ay natanggap niya rin naman lalo na ng masilayan ang apo niya. Si Tito Amre naman, ang akala kong magagalit ito sa akin ay hindi ako makapaniwalang halos magdiwang pa nga ito na sa wakas daw ay may apo na siya sa pinakapaborito niyang anak. Wala naman siyang sinabi tungkol sa ginawa ko. Nakasuporta lang siya sa aming dalawa ni Enrique.

While Angelo... well, I never saw him anymore pagkatapos nang pangyayaring iyon.

Ayon kay Tita Venece, nasaktan daw ito ng sobra sa ginawa ko at pinili nalang manatili sa Cebu kaysa sa La Naga. Hindi niya daw kasi kayang alalahanin ang ano mang meron kami. Pinili niya daw magpakalayo-layo para maibsan ang sakit na dulot ko. I never heard of him anymore. And God knows how much I wanted to apologize to him. Seems like, I will be forever haunted by my conscience towards him.

He never did anything wrong. The only thing he does is love me. Ngunit sa pagmamahalan nga lang, may panalo at  may bokya. At kung pinili kong ipagpatuloy 'yong kasal, sigurado akong hindi ako magiging masaya gaya ngayon, hindi ako magiging kunteto gaya ngayon. Siguro, magiging bokya din ako sa pag-ibig. Siguro, mananatili pa rin ang puwang sa puso ko.

Kung tatanungin ako kung pinagsisihan ko ba ang mga naging desisyon ko? Ang sagot ay HINDI!

Seems like Enrique was the best choice and no matter how hard I try to deny it before, we are always made for each other. It's not about the wish in the Masalanta Fountain but its destiny that brought us to where we are now. It's not the fountain's doing. Tadhana namin na kaming dalawa sa isa't-isa nang hindi inaasahan.

Our worlds collided. Our worlds crash. Despite the differences and the distance.

"Hindi ako makapaniwala Iz na asawa mo na si Senyorito Enrique ngayon," bulaslas ni Mae. Nakaupo kami ngayong dalawa sa kulandong ng kubo dito sa Planta. Sayang nga lang at wala si Jessica at ang huling usapan namin ay no'ng nakaraang taon pa, no'ng sa naudlot na kasal pa namin ni Angelo.

Napagdesisyonan kasi naming dalawa ni Enrique na bumisita sa Planta para magpamiryenda sa mga trabahador dito. Noong isang araw pa kaming dalawa nakauwi dito sa La Naga. Gaya noon, andito parin si Manong Crispin, Aling Lorelyn at 'yong ibang mga kasamahan namin. Si Mae naman ay pansamantalang nagtratrabaho dito sa planta bilang timekeeper nila dito. Buntis kasi siya sa  ka-live in partner niya ngayon na classmate lang namin no'ng high school.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon