Selfish
Almost same routines, almost same happenings. It's already been two weeks had passed. Wala namang nagbago sa relasyon namin ni Enrique gano'n parin. He always insisted on revealing our relationship in public but I always refused him. Minsan nga dinadaanan ko nalang sa paglalambing sa kaniya, para makalimutan niya at hindi na muling banggitin pa. Which is really effective, though.
"Iz... may sasabihin kami sa'yo, ha. Pero... ipangako mo muna sa aming magiging kalma ka lang..." si Mae, bakas sa mukha nito ang hindi pagkalagay. Tuloy, nag-uumpisa na akong kabahan sa kung ano mang gustong ipahiwatig ng kaibigan.
Nakaupo kami ngayon sa plaza ng paaralan. Kami lang tatlo habang nanood ng practice sa pagsasayaw ng kabilang department, sa mga educ yata, may upcoming event yata sila.
"Kaibigan mo kami Iz... kaya nararapat lang na sasabihan namin sa'yo 'to..." si Jessica.
"Ang alin?"
"Kasi..." napatikhim si Mae at napatingin kay Jessica mukhang nagdadawang isip sa kung ano man ang sasabihin, "Kasi si Angelo... nahuli naming may kahalikang babae no'ng isang araw. Nagloloko yata sa'yo!"
I wanted to become jealous but unfortunately I haven't felt those. Wala akong nararamdamang kung ano emosyon gaya no'ng nakita ko si Valerie at Enrique sa ilog. 'Tsaka naisip ko ring normal na gawin niya lang 'yon dahil wala na naman kaming relasyon pa. He's free to do whatever he wants. Wala din akong karapatang magreklamo dahil unang una't sa lahat, ako ang unang nagloko.
Kampante lang ako ngumiti sa mga kaibigan, "Hindi niya 'yan magagawa... mahal niya ako..." I pretended unbothered.
Pero iyon naman talaga, wala akong pakialam. I was happy for him pa nga. That he's slowly healing to the pain I've caused him.
"Iz, nakita nga namin sa mismong dalawang mata namin!" nanggigil na aniya ni Mae.
"Hindi niya magagawa ang bagay na 'yan!" I declared confidently.
"Alam naming patay na patay ka sa kaniya pero sana naman hindi ka magpapabulag sa pag-ibig na 'yan. Hindi katanggap-tanggap ang—"
Pinutol ko siya, "Mae, pwede ba! Angelo loved me so much, okay? He will never do that to me..."
"Pero..." si Mae.
"May tiwala ako sa kaniya..." pakunyari ko pa.
"Iz, ano ba! Niloloko ka na ni Angelo!" Si Jessica nanggigil na ang boses. "Sabi nga sa akin ni Cedrick ilang araw na daw 'yang ganyan si Angelo parating lasing at wala sa sarili. Iba-ibang babae lang daw ang kinakasama niya. Gumising ka naman! Wag kang magpakabulag diyan sa tarantadong lalaki na 'yan!"
Hindi siya tarantado. He's been like that because of me. Sa katunayan, ako ang naging taratado sa kaniya. He doesn't deserve that kind of treatment from me, from us. Napakabait pa naman sana niya pero... ginanon ko lang siya. It's too unfair and I want to validate his feeling kasi alam kong hindi biro 'yon.
Hinarap ko si Jessica, "Jes, ano ba! Angelo won't do that. He's faithful to me. Hindi niya magagawa iyang mga pinagsasabi niyo. Mahal na mahal niya ako!"
I'm defending him because it's the right thing to do, from my perspective. Kasi talagang tapat naman talaga siya sa akin no'ng kami pa.
"Iz..." si Mae.
I understand that my friend are just worried for me but... they don't know the whole story yet. Kaming tatlo palang ni Enrique at Angelo ang tanging may alam sa totoong nangyari. I can't blame them, if I ever caught their boyfriends cheating, I wouldn't hesitate to tell them as well.
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...