Gossip
Kasalanan talaga 'to ng magkapatid na Guerrero. Una n'ong hinalikan ako ni Enrique. Ngayon naman ay ang pagtapat ni Angelo sa nararamdaman niya para sa akin. Tuloy, para akong tuod kahapon at hindi makapaniwala nang sabihin ni Angelo 'yon sa'kin.
Nais ko sanang sabihin na gusto ko din siya pero parang may bukol sa lalamunan ko kahapon para sabihin ang mga katagang 'yon. Parang may kung anong pumipigil sa akin, hindi ko nga lang matukoy ano 'yon. Hindi ko nasabi sa kaniya— umuwi nalang si Angelo kasi wala naman akong imik pagkatapos ng pagsabi niya sa nararamdaman pa sa'kin.
Sa totoo lang, pinagsisihan ko ang naging desisyon. Pangarap ko pa naman 'yon noon... nando'n na sana pero... sinayang ko pa.
"Iz! Bakit nagpahatid ka ba sumakay sa kabayo ni Senyorito Angelo?"
Nagtataka naman akong napatingin sa ina. Wala sila ni tatay sa kahapon ah! Bumisita kasi sila sa isa sa mga Auntie ko. Paano niya nalaman? Sinong nagsabi sa kaniya
"Naging paksa sa mga sabi-sabi 'yong paghatid sa'yo ni Senyorito Angelo dito. At hindi ko na nagugustuhan ang ibang naririnig ko..." seryoso ang ina nang sabihin 'yon.
Nagkakape ito ngayon at ito ang bumungad sa akin sa umaga. Maya-maya kasi ay dadaan na dito si Manong Crispin upang sunduin kami sa pick up niya.
"Ma, mali po sila ng iniisip..."
"Iz naman! Alam ko din ang lihim na pagtingin mo sa bunsong anak ng Guerrero. Hindi ko na gusto ang sinasabi ng mga tao. Desperada ka daw, malandi at ambisyosang makasungkit ng Guerrero..."
Para iyong kampanilya na kumalabit sa utak ko. Masyadong madali talagang kumalat ang balita. May mga nadagdag pa talaga. Kahit kailan hindi ako desperada o ano-ano pang sinasabi nila tungkol sa akin. Hindi ako ganun!
"Ina mo ako Iz at nasasaktan din ako sa sinasabi nila laban sa'yo. Ayaw kong pag-isipan o pag-usapan ka anak ng gano'n..."
"Mae..." para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Sabihin mo sa akin anak, ano ba talaga ang dahilan ba't ka hinatid ka dito ni Senyorito Angelo?"
Napahinga ako ng malalim. Gusto kong linisin ang pangalan. Ayaw kong madungisan ang pagkatao ko sa tingin ng mga tao. I don't want myself tarnished just because of wrong assumption and fake news.
"Nagmamagandang lang po si Angelo sa akin Ma—"
"Anong Angelo lang?"
Napangiwi ako, "Nagmamagandang loob lang po si Senyorito Angelo sa akin, Ma. Sila Jessica at Mae nga din hinatid ng mga kaibigan niya. Naligo kasi kami sa ilog kahapon..."
Pilit kong itinama ang sarili. 'Yon naman talaga ang totoong nangyari. Hindi ako naging malandi o desperado gaya ng inilalarawan sa akin sa mga sabi-sabi.
"Anak, tandaan mo ha na Guerrero 'yang si Senyorito Angelo... Ayaw kong masaktan ka sa huli..." pangaral ng ina.
"Alam ko naman po 'yon, Ma... Nakakainis lang talaga ang mga tao!"
Tanggap ko naman talaga na malayo lang ang agwat namin sa isa't-isa. Pero... hindi ba talaga pwedeng kahit makipagkaibigan man lang sa Guerrero? Hindi ba pwedeng ihatid ka sa kabayo na isang Guerrero na walang malisya? Hindi ba pwedeng hindi nalang makialam sa buhay ng iba?
Ang hirap kasi sa mga tao napakainteresado natin sa mga usap-usapan. We forgot that peple who we talked to has feelings, too. Capable of being hurt and not as strong as you think they are. Hindi din sila manhid nasasaktan din naman sila pag binabato ng masasakit na salita.
Why can't we just friends? Bakit napakahirap kung may agwat?
NANDITO na kami ngayon sa planta at matapos n'ong masinsinan na pag-uusap namin ng ina kanina ay parang biglaang nawala na ako sa sarili, lumulutang na ang isip ko sa kawalan. Ni hindi ko na nga napansin na nagtratrabaho na din pala si Senyorito Enrique at parating nakasulyap sa akin. Hindi ko na 'yon napagtoonan ng pansin pa.
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...