Kabanata 1

293 16 35
                                    

Meet Again

Dalawang araw na ang nakalipas magmula nung makasalamuha ko 'yong lalaking nakaaway ko sa kalsada. Pag naaala ko talaga ang pangyayaring 'yon, ewan ko ba, kumukulo talaga ang dugo ko.

Nakakainis kasi!

Pagkaabot ko kasi sa pinagtratrabahuan namin, pinagtawanan ako ng mga tao doon kasi nakabusangot ang mukha ko at ang dumi ko daw tignan. Kapakanan talaga ng lahat ay ang mayabang na lalaki na 'yon kung sino man siya. Nakaboiling blood talaga ang katawan ko kahit sumasagi lang siya sa isipan ko.

Ayaw ko na siyang makita pang muli! Sana hindi na siya mapadpad pa sa probinsya namin.

Kakagaling ko lang ngayon sa pagliligo at sinusuklay ko ngayon ang basa kong buhok.  Tuwid na tuwid ang bawat hibla ng buhok ko sa pagkakataong ito dahil basa pa. Pero pag natuyo naman ay medyo kumukulot 'yon. Natural kasi ang pagkakulot ng kulay chocolateng buhok ko.

"Tapos ka na ba, Iz? Agahan daw natin ang pagpunta sa planta ngayon sabi ni Manong Crispin, may bibisita daw." Si Mama na nasa sala namin pinapadali ako ng kunti. Ako nalang kasi ang hindi pa tapos sa pag-aayos. Inaantay ako ng ama at ina sa labas ng kwarto ko.

Para namang kuminang ang mata ko nang marinig 'yon. May bisita, sana si Senyorito Angelo. Sana bibisita siya sa planta ngayon. Sana naman...

"Oo po, Ma. Patapos na po!"

Minamadali ko ang kilos. Nagsuot ako ng jacket upang balutin ang katawan kung umaraw man ngayon. 'Tsaka binalingan muli ang sarili sa salamin. Kailangan kong magpaganda ng kaunti... baka nandoon si Senyorito Angelo. Kinuha ko ang pulbos at naglagay ng kaunti nun at nilagyan ko din ng kunting liptint ang labi.

Baka lang... mapansin ng isang Guerrero... mapansin ni Senyorito Angelo.

"Iz, nandito na pick up!" tukoy nito sa sasakyan na susundo sa amin papuntang planta.

"Lalabas na po, Ma!"

Tinignan ko muli ang itsura bago napagpasyahang magmadaling lumabas sa kwarto.

Nag-iisa lang akong anak ng mga magulang at ngayon nga ay tumutulong ako sa niyogan para makapag-ipon-ipon ng kunti sa darating na pasukan. Isa na kasi akong sophomore student sa kursong Business Management at nagtratrabaho ako ngayon sa niyogan upang makapag-ipon sa darating na pasukan. Medyo magastos kasi ang kolehiyo kaya sinamantala ko na ang pagkakataong makatulong kahit kunti man lang sa magulang. 'Tsaka marami din naman kami, hindi lang ako ang working student sa niyogan. May mga kaibigan din akong nagtratrabaho din sa niyogan.

Habang nakasakay kami sa truck ni Manong Crispin ay isa lang ang nasa isip ko— ang magiging bisita sa planta. Sabik na sabik na akong makaabot na kami sa planta dahil baka sakaling si Senyorito Angelo ang bibisita mamaya.

Matagal na akong may lihim na pagtingin sa kaniya, noon pa. Hindi naman sa ambisyosa akong makasungkit ng mayamang eredero ng Guerrero. Sadyang 'yong pagkakagusto ko sa kanya ay hindi dahil lang dahil sa galing siya sa mayamang pamilya kundi dahil kabutihan nitong nagawa sa akin noong bata pa ako.

Sumasagi na naman sa utak ko ang magandang memorya na 'yon:

Labindalawang taon palang ako nun at binubully ako ng mga kaklase kong mga lalaki dahil daw sa ako lang ang mahirap na taong nakapag-aral sa paaralan nila. Naswertihan lang naman akong makatanggap ng scholarship sa pribadong paaralang na 'yon. At kung alam ko lang na ganoon lang din naman ang karanasan ko sa paaralang 'yon ay minabuti nalang sanang sa public school nalang ako nag-aral.

"Bakit ba yan nandito?" sambit nung mayabang na lalaki.

Pinagbabato ako ng mga scratch paper sa mga grupo nila dito sa bakanteng room. Nakaupo sa gitna lang akong umiiyak nun kasi sa pagkakataong iyon hindi pa ako marunong lumaban. Hindi ko pa alam paano lumaban. Paano depensahan ang sarili.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon