Kabanata 10

180 10 4
                                    

Kiss

Same with the other days. Walang palta sa pagbisita si Senyorito Enrique sa planta at tumutulong din ito. Nasanay nalang din kaming mga trabahador sa asal niya. N'ong Biyernes... bumisita rin siya. At gaya ng paulit-ulit na interaksyon namin... titigan... bangayan minsan... at bibili ng pangmeryenda.

Ngayon na namang sabado bumisita na naman ulit siya. Tumulong na naman ito sa pangungulekta ng mga niyog. Nasa ibang lugar na naman kami. Medyo mas madali na ditong magtrabaho kasi malinis na ang lugar, mapatag at wala ng talahib sa paligid. Medyo marami-rami ding sugat ang natamo ko sa mga talahib sa nagdaang araw.

"Uy Iz! Baka nakakalimutan mo ang lakad natin bukas ng bebeloves mo!" si Mae.

Napangiti naman ako nang maalala ang magiging ganap bukas. Muntik ko nang makalimutan na maliligo pala kami sa ilog nila Senyorito Angelo at ng mga kaibigan niya. Bibili pa pala ako ng ilang kilo ng malagkit na bigas mamaya sa palengke para gawing biko bukas.

"Nagustuhan pa naman niya Iz 'yong bikong dala mo. Ramihan mo bukas para tuluyan ng mainlove si Senyorito Angelo sa'yo haha," si Jessica.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, "Ayaw kong mangarap ng gising, Jes..."

Tanggap ko naman na kahit kailan hindi talaga ako magugustuhan ni Senyorito Angelo. Sino ba naman ako, diba? Isa lang naman akong simpleng babae na nagtratrabaho sa lupain nila. Chances are really slim for him to like me back or even have any intimate feelings for me. Baka nga... may napupusuan na siyang iba...

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng kahit simpleng interaksyon man lang sa kaniya. But regardless of the impossible chances... I'll still try. Hindi naman siguro masama 'yon, diba?

"Aysus! Napansin ka na ni Senyorito Angelo, Iz, magtuloy-tuloy na yan hehehe..." si Mae na naman.

"Baka nga sa susunod na araw manliligaw na 'yon sa'yo. Hala ka!" si Jessica.

Napatawa nalang talaga ako sa mga hikayat ng mga kaibigan. Malabong malabo talaga pero... who knows right? Baka linggid pala sa kaalaman ko ay tinutulungan na ako ng Malasanta Fountain na matupad ang mga pangarap ko sa pag-ibig. Na makakabighani na ako ng isang Guerrero—ay hindi! Na mabighani ko na si Senyorito Angelo.

"Kami nga dito, Iz. Mukhang wala talagang pag-asa sa lalaking natitipuhan namin. Mas madali pa sigurong masungkit si Senyorito Angelo kaysa kay Senyorito Enrique..." si Mae.

Inirapan ko si Mae. Bakit ba kasi nila nagugustuhan si Senyorito Enrique? Ano ba kasing meron sa kaniya? Ang babaw talaga ng mga kaibigan ko sa totoo lang.

"Ha? Bakit niyo ba kasi siya nagugustuhan?"  nagtatakang tanong ko.

"Hindi mo na kasi makikita si Senyorito Enrique, Iz, dahil bulag ka na kay Senyorito Angelo. Siguro, pag hindi mo lang gusto ang bunso panigurado akong mababaliw ka rin sa panganay!"

Mababaliw? Ewww! Kahit pa siguro hindi ko gusto si Senyorito Angelo. Hindi parin talaga siya ang gugustuhin ko. Gaya nga ng parati kong sinasabi, kahit siya nalang ang natitirang lalaki dito sa mundo, hinding-hindi ko parin siya papatulan.

"Mas mabait pa nga si Senyorito Enrique kung tutuusin. Isipin mo, tumulong at parati pa tayong pinagmemeryenda. May malasakit siya sa mga trabahador nila. Yan ang tunay na Guerrero! Yan ang tunay na standard haha!" si Mae.

"Kaya siya ang fav ko sa lahat ng mga Guerrero eh! Akala ko talaga, n'ong una masama ugali niyan. Hindi pala!" si Jessica naman.

Sabagay, nagbabalat kayo kasi siyang mabait kaya ganito nalang ang tingin ng mga tao sa kaniya. Magaling talaga siyang magpanggap sa totoo lang. Pati pa tuloy mga kaibigan ko ay nabiktima niya at napaniwala niya.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon