Angelo
Kasalanan talaga 'to ni Senyorito Enrique lahat. Wala ako sa sarili ngayon habang naglalakad papunta sa ilog dala ang isang basket ng biko. Kahit pa nga n'ong nagluto ako sa biko kanina... parang nakalutang ang utak ko sa kakaisip sa pangyayari kahapon— yung halikan.
Pilit na pilit ko 'yong binubura sa isipan ko ngunit hindi talaga siya basta-bastang nawawala. Tila ba'y nakakaukit na 'yon sa selula ng utak ko. Hindi na nga ako nakatulog kagabi ng maayos. Palagi ko 'yong naiisip.
Naiisip ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko...
'Yong dila nitong parang ginagalugad ang bibig ko...
Letse talaga!
Napailing-iling nalang talaga ako sa sarili. Ni muntik ko na ngang makalimutang malagyan ng latik ang bikong kanin dahil sa kakaisip lang sa halik na 'yon. Paulit-ulit talaga 'yong nagreplay sa utak ko.
'Yong mukha nito na sobrang nakakaakit...
'Yong labi nitong natural na mapula at mabango..
'Yong... Ewan ko nalang talaga!
Galit at iritado naman sana ako sa kaniya pero bakit hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang labi nito sa labi ko. Parang may kung anong lumay na dala talaga 'yong halik na iginawad nito sa'kin. Kung alam ko lang talagang mababaliw ako ng ganito sa halik na 'yon ay sana hindi ko nalang siya itinulak pero... Ewww!—— Ayaw kong mahalikan ulit. Hindi ko siya gusto! Hinding-hindi ko siya magugustuhan. Napakalaking HINDI!
Nakakadire 'yon... NAKAKADIRE! Pero... bakit parang hinahanap ko? Bakit parang nabitin ako kahapon?
Nais ko talagang sapakin at saktan ang sarili dahil sa pagtra-traydor ng sariling katawan. Pagkatapos kasi n'ong halik ay wala na akong ibang inisip kung hindi ang pangyayaring 'yon. Nai-imagine ko pa ngang parang kinakain ni Senyorito Enrique ang bibig ko.
Ewww! Ewww! Talaga! Nakakainis! Nakakadire!
Hanggang sa umabot nalang ako sa ilog, iyon parin ang nasa isip ko. Pinilit ko namang ibaling sa ibang bagay ang pag-iisip ngunit ayaw talaga... hindi na mabubura 'yon sa selula ng utak ko. Dikit na dikit na talaga na kahit ako lang mag-isa ay pinag-iinitan parin ako ng mukha sa pangyayaring 'yon.
Nakita ko naman ang mga kaibigan mula sa itaas na nakaupo na doon sa may cottage. Nandoon na rin ang mga kaibigan ni Senyorito Angelo at pati din siya. Kumportable silang nag-uusap doon sa may cottage. Nahuli kasi ako dahil nakalimutan kong lagyan ng latik ang bikong kanin kanina. Absent minded kasi ako dahil sa halik kahapon.
Habang naglalakad pababa at papunta sa gawi nila ay nakita kong kinawayan ako ni Mae at Jessica. Nginitian ko lang ang dalawang kaibigan. Nagtama din ang paningin namin ni Senyorito Angelo. Ngumiti ito kaya ginawadan ko din siya nang mas matamis pa na ngiti.
Unlike my past encounter to him, I don't know what had gotten to my senses but I no longer feel my heart beating so fast whenever I see him. This is not the way I act whenever I'm near or he's staring at me.
Something has changed... hindi ko nga lang matukoy kung ano 'yon. O hindi ko lang magawang maamin ang tunay na nararamdaman. Ewan ko lang!
Nakita kong tumayo ito mula sa pagkakaupo sa cottage at lumapit sa akin. He was wearing a white t-shirt and paired with khaki shorts. He looks fresh and positive, and he also has this light aura. Gwapo itong tignan at simple lang.
"Iz, ako na ang magdadala sa basket..." alok nito. Nandito na pala siya sa harap ko habang pababa ako sa hagdan. Pinuntahan niya pala ako ngayon uoang salubongin.
"Wag na po kayong mag-abala Senyorito Angelo, ako nalang... hindi naman masyadong mabigat..."
"No, I insist..."
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...