That should be me!
It's been days had passed when I found out Iz is about to marry Angelo next month. Hindi na ako bumalik pa doon sa hapagkainan no'ng umalis ako. I just couldn't stand seeing her with him. It feels like my heart has been stabbed into pieces.
Mas'yadong masakit!
Mas pinili ko nalang na magkulong sa kwarto at uminom ng alak hanggang sa makatulog dahil sa sobrang kalasingan.
Duwag na duwag nga talaga ako! Ni hindi ko man lang kayang harapin silang dalawa ng hindi nasasaktan. But I just can't help it... she's all I think about all these years. I have a lot of illusions and what if's with her.
Maybe, if I just become selfish back then and just let Angelo hurt himself, will I be happy now? Will I be the guy Iz would marry?
Collasal regret— that's what I felt right now!
Tahimik kong pinagmasdan ang bahay nila Iz ngayon sa labas. Wala na akong pakialam kahit pa pinagtitigan na ng kapitbahay nila ang sasakyan ko. Hindi din naman nila ako makikita sa loob dahil tinted ang salamin nito.
Ngayon, hinihintay ko siyang lumabas. Gusto ko lang siyang makita ngayon sa totoo lang! Kuntento na ako kahit masilayan man lang siya ng ilang sandali. Ngunit dismayado lang ako dahil sirado lang ang pinto sa bahay nila. Walang Iz na lumabas o baka naman nando'n lang siya sa loob ng bahay nila.
Hanggang sa hindi na ako nakatiis pa. Lumabas ako sa sasakyan at tinungo ang bahay nila. Napatingin ang mga kapit-bahay nila sa akin.
"Magandang hapon Senyorito Enrique!" magalang na bati nila. I just nodded at them as a reply.
Kinatok ko ang pinto sa bahay nila. Ewan ko ba, hindi ko na talaga matiis pang hindi siya makita ngayon. Wala pa ngang isang minuto ay agad na nagbukas iyon. Bumangad naman sa akin ang gulat na mukha ni Nanay Tassia nang makita ako.
"S-senyorito Enrique?"
"Ahh Nay Tassia, nandito po ba si Iz?" magalang na tanong ko.
"Si Iz ba Senyorito? Wala dito, eh! Mukhang may lakad yata silang dalawa ni Angelo ngayon..."
Kumirot na naman muli ang puso ko nang maisip 'yon. Oo nga no! May Angelo na pala siya...
"Ahhh sige po Nay..."
"Tuloy ka muna Senyorito!" aya nito pero umiling lang ako.
"Hindi na po Nay. May sadya lang po ako kay Iz..."
"Gano'n ba... Sige sabihin ko nalang kay Iz na napadaan ka dito Senyorito."
"Puwedeng hindi na po Nay. Tatawagan ko nalang si Angelo. Aalis na po ako!"
"Sige hijo ingat ka ha,"
Nginitian ko siya 'tsaka naglakad na pabalik sa sasakyan. Wala naman pala dito si Iz. Sayang lang ang ilang oras na pagmamasid ko rito dahil kasama niya lang pala ang kapatid ko.
Bigo akong pumasok muli sa sasakyan. Nag-umpisa ko nang lisanin ang lugar at nagtungo nalang sa daanan papuntang burol embes na umuwi. Kailangan kong sulitin ang ilang araw na pananatili ko sa La Naga dahil mahihirapan na naman akong balikang muli ang lugar na ito.
Lumabas ako ng sasakyan atsaka nag-umpisa nang maglakad papunta sa burol. Gano'n parin naman ang lugar... ang kaibihan nga lang ay medyo tumubo na ang karamihan sa mga damo. Hanggang sa makarating ako sa tuktok doon.
Pinakiramdaman ko ang sariwa at preskong hangin sa paligid. Tiningala ko ang magandang tanawin at napatingin sa nag-iisang puno. I remember we used to sit there... dito ko siya niyayakap at hinahalikan habang sabay naming tinatanaw ang magandang tanawin sa paligid.
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...