Kabanata 21

149 5 0
                                    

Please...

Mabuti nalang na pinayagan ako ni Angelo na dadaan muna kami sa bahay para magpalit ako ng damit at makapagpaalam din sa mga magulang. It's unformal naman sigurong makipagkilala ako sa mga magulang niya na nakauniporme lang. Atleast, I have to give a good impression in his family, right?

Suot ang isang kulay rosas na half shoulder na dress ay sabay kaming lumabas ni Angelo sa sasakyan niya. Bumangad naman sa akin ang napakalaking mansyon ng mga Guerrero. It is inspired in Spanish architecture. It's collosal showing their wealth and power in La Naga. Isang sulyap mo lang talaga sa mansyon nila masasabi mong makapangyarihang pamilya sila. May malawak din silang hardin na nakalandscape. May sariling fountain pa nga. Ang ganda-ganda tignan.

It's already bound six in the afternoon at medyo lumubog na nga ang araw. Pagkatapak palang namin sa baldosa ng entrance sa mansyon ay agad ngang nagbukas ang malaking pintoan doon.

Tuloy, nag-umpisa na naman akong kabahan. Hindi pa talaga ako handang makaharap ang Senyora at Senyor. Nakakakaba. Nakakatakot. Si Senyorito Enrique ba, nandito din kaya siya sa mansyon ngayon?

"Magandang hapon po Senyorito at Senyorita. Nando'n po si Senyora Venece sa living room naghihintay..." bati ng kasambahay na sa palagay ko ay kasing edad ng ina ko.

Hindi ko din mapigilang mailang sa tawag nila sa akin. Senyorita? Am I even deserving to be called like that? Hindi ko kailan man naisip na maging ganyan o ano. I'm not even worthy to be called one. Hindi ako bagay... hinding-hindi.

"Papunta na po kami doon, Manang..." si Angelo.

"Ang ganda naman ng kasintahan niyo Senyorito..." puri pa nito sa akin dahilan para pamulahan ako sa mukha.

"Of course, Manang! Marunong kaya akong pumili..."

"Oo nga, Senyorito!" napatawa ang ginang sa biro ni Angelo.

"Pupunta na kami kay Mommy, Manang..."

"Sige, Senyorito..."

Magkahawak kamay kaming tinungo ang gawi ng Senyora. Habang naglalakad palang ay nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko. Ni hindi ko na mapansin ang ganda ng loob sa mansyon. May sariling aranya na nagsisilbing ilaw at napakalaki ng lugar. It was more like of a palace thing than a house. Everything in this place is exquisite and screams grandeur.

"Your hand is cold, Iz..." si Angelo nang mapansin ang panlalamig ng kamay ko.

"Kinakabahan ako..."

"Don't be, my Mom is a nice person believe me..."

I wanted to believe that... pero hindi parin talaga mapigilan ng puso kong kabahan; ang Senyora ang kaharap ko ngayon. Hinding-hindi basta-bastang tao dito sa La Naga.

"Bahala na!"

"She'll like you... don't worry!"

Ngumiti nalang ako sa kaniya sa kabila ng kabang nararamdaman. Hanggang sa makaabot na nga kami sa malaking living room nila. At doon nga may nakaupong magandang babae. Napatayo ito nang makita kaming paparating Angelo.

Unang sulyap palang sa mukha ng Senyora ay halos panindigan ako ng balahibo. She looks scary and intimidating. Nakasuot ito ng puting bestida at may kumikinang itong kwentas sa leeg niya. Medyo kulot ang buhok nito at sobrang bata niyang tignan sa edad niya. Napansin ko ding hindi sila magkamukha ni Angelo. Though, Senyorito Enrique has a small resemblance to her mother. But, I think mostly of his features come from his father.

"Good Evening, Mom!" bati ni Angelo sa ina at lumapit ito at bumeso sa ina.

"M-magandang gabi po, Senyora..." nahihiya kong bati. Hindi ko talaga alam anong gagawin. Kinakabahan ako sa ina niya.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon