Kabanata 27

146 7 4
                                    

Karma

Is it just me or... but I find Enrique's behavior really odd today. It's been two weeks had passed simula ng midterm examination namin. Hindi naman sa nag-ooverthink ako... but, I feel like there is something wrong with him today. Nakakapanibago lang, hindi naman siya ganito.

"Enrique!" tawag pansin ko sa kaniya. Nakatulala kasi ito at ang lalim ng iniisip.

"Y-yes baby?"

"O-okay ka lang?" nag-alalang tanong ko ngunit tumango lang ito 'tsaka yinakap ako patagilid at hinalikan ang noo ko.

Something is going on talaga... I could feel it! This is not him! O baka naman naprapraning lang ako.

"D-don't mind me... I'm just thinking about something..."

"Sigurado ka ha?" Napatango lang ito atsaka hinayaan ko nalang din. Baka naging praning lang ako o ano.

Nakaupo kami ngayon sa damo sa burol. Kami lang dalawa at kanina ko pa talaga siya napapansin na ibang-iba ang asal nito sa nakasanayan.

"Let me just hold you Iz..."

Yinakap na naman ako nito 'tsaka isinabit ang mukha sa balikat ko.

What's wrong with him? Kanina pa talaga... Bakit kung maka-akto siya para bang ito na ang huling beses naming pagkikita? I'm completely baffled or am I just imagining things?

"I love you... I love you baby..." paulit-ulit niyang sambit.

Napakunot ang noo ko. "Enrique, okay ka lang ba talaga?"

Hindi ito sumagot sa halip ay pinagpatuloy lang nito ang ginagawa habang nakatingala kaming dalawa pareho sa malawak na lupain nila. Wala akong ni katiting na ideya sa mga pinaggagawa niya pero hinayaan ko nalang ito.

Baka trip lang niyang umasal ng ganito...

Baka ano lang talaga...

"I love you Iz... please remember that always..." he whispered in my ear. Iniwas ko naman ang leeg sa kaniya nang maramdaman kong parang nakikiliti ako.

"Enrique, ano ba!"

He just chuckled. "Come here baby!" Yinakap niya na naman akong muli.

Kung makaasta naman siya parang papanaw na siya bukas o hindi na kami magkikita pa kahit kailan. Ewan ko nalang talaga!

Nakakapagtaka ang asal niya ngayon...



NANGINGINIG ang kamay ko nang mapatingin sa kakabukas na link ng portal kung saan nakapost lahat ng grades namin. Hindi ako makapaniwala... parang tumigil ang mundo ko sa nakita.

Totoo ba 'to?

"OMG! 1.75 sa major! isa lang ang dos ko ngayon," si Mae na tumatalon-talon pa nang makita ang marka niya.

"Shit! Sa akin 1.50!" si Jessica.

Sobrang galak na galak sila habang ako naman dito ay natitigilan. Paano nalang ang pagiging dean's lister ko? Paano nalang ang scholarship ko? Resulta na ba ito sa mga naging kapabayaan ko?

I couldn't blame someone for this but myself. I was the one who brought myself into this situation. Unang-una palang alam ko na sa sariling hindi maganda ang hindi pagpasok sa klase pero ginawa ko pa rin. Alam ko na rin ang kahihinatnan pag pinairal ang kalandian kaysa sa pag-aaral pero nagawa ko pa ding ipagpaliban ang pag-aaral para lang makipagkita kay Enrique.

"Ikaw ba Iz. Ilan sa'yo? For sure flat 1 yan. Ikaw pa!" si Mae.

"Hindi ko pa tinignan..." I lied.

I already know what's the result. And, I'm so dissapointed in myself.

Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon