Perplexed
"Make an essay about, how global cities a medium of globalization?" tinig ng professor naming matandang lalaki.
Balik pasukan na naman at limang araw na ang nakalipas magmula sa pangyayaring iyon sa ilog. It keeps on bothering me na parating nawawala ako sa pokus. Bumabalik sa akin ang mga alala. Parating bumabagabag sa'kin, hindi lang 'yong eksena namin ni Senyorito Enrique, pati narin 'yong sinabi ni Valerie sa akin matapos 'yon. Somehow, I started to realize something after that confrontation:
Nagpaiwan ako sa cottage habang silang lahat ay naligo doon sa ilog maliban sa aming dalawa ni Valerie. I made an excuse that I'm sick, na hindi ko na gustong maligo. Nag-alala pa nga si Angelo sa akin, pero sinabihan ko naman siyang kaya ko. Kasi kaya ko naman talaga, I'm just sick with guilt and I don't feel any physiological or physical pain in my body.
"Iz..." tinig ni Valerie. Napatingin ako sa kaniya.
"Ang saya nilang panoorin, noh?"
"Yeah!" tipid ko lang na sagot at inignora lang siya. I don't want to be close with her anymore. Pinagtangkaan n'yang landiin si Angelo. Wala siyang respeto sa relasyon naming dalawa.
Mabait naman siya pero... hindi ko lang talaga ramdam na makipagclose sa kaniya. I don't want to!
Napatikhim ito, "I-I don't want to offend you... but I heard your noises in the Comfort Room... w-with Enrique. Susundan ka sana ni Angelo pero... pinigilan ko siya. I don't want him hurt... I don't want him to witness what happen between you and his brother... He loved you, Iz..."
Napalingon ako sa kaniya at naging hilaw ang mukha ko. Narinig niya 'yon? Nasaksihan niya?
"You don't want him to know... do you?"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kinakabahan ako. Muntikan na pala... muntik na!
"V-valerie..." kumukutob ang dibdib ko nang bigkasin 'yon.
"You're still young, Iz. Ang bata-bata mo pa, hindi mo pa yata alam anong mga pinaggagawa mo. But you were playing with the both of them..."
Mahirap tanggapin ang sinabi niya pero... sa kabilang banda ay totoo 'yon. Hinalikan at nagpahawak ako kay Senyorito Enrique habang karelasyon ko pa si Angelo.
"Hindi ko sila pinaglalaruan..." I denied.
She laughed sarcastically, "Hindi ba? You were fucking Enrique in the CR while Angelo is waiting for you in the cottage, worried about you. You even dared to kiss him pagkatapos mo sa Kuya niya. What is that?"
Bakit parang napapalagay na ang sama sama ko? Bakit parang kasalanan ko? Bakit pakiramdam ko ay nagkamali ako? May kasalanan ba talaga ako? Prinotektahan ko lang naman diba ang relasyon namin ni Angelo? Wala akong pinaglalaruan, diba?
Hindi ko alam... naguguluhan din ako.
"I really thought, you are a kind and a sweet girl, Iz. I really thought, you're innocent but it turns out to be very, very dissapointing. Ang galing galing mo! Pinagsabay mo pa talaga ang dalawang Guerrero. Tinuhog mo sila pareho ng sabay-sabay. Wow just wow!"
"Hindi ko sila pinagsasabay... si Angelo lang ang mahal ko..."
Gusto kong linisin ang pangalan ko sa iniisip niya. Hindi ko sila pinagsasabay. Wala akong tinuhog gaya ng sinasabi niya. Hindi ko pa naman tuluyang nabigay ang pagkababae ko kay Senyorito, pero... kahit na... hindi ko parin sana 'yon ginawa.
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
Roman d'amourIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...