Bakit?
Pag-naiisip ko talagang kasintahan ko na si Angelo ay nakakapanibago parin talaga. Parang kailan lang talaga, tinatamasa ko lang siya 'tas ngayon boyfriend ko na siya. Ang balita din tungkol sa aming dalawa, ang bilis kumalat sa La Naga na kesyo daw kasintahan ko na ang bunsong Guerrero at marami pang iba. Kahit pa totoo naman 'yong ibang parte ng mga haka-haka tungkol sa amin ay hindi ko pa rin maiwasang mairita at mailang.
Bakita ganito ang nga tao?Nararamdaman kong lahat ng nga kilos ko, namin, may nakabantay, may nakamasid. Nakakailang sa totoo lang.
Ang mga tao talaga...
Linggo ngayon at ito na ang huling araw sa bakasyon sa Christmas break namin. Kaya naman napagdesisyonan naming mga magkakaibigang magbonding sa ilog dahil panigurado akong pag magsisimula na ang pasukan ay madalang nalang kaming makakagala dahil maging abala na kami sa pag-aaral. 'Tsaka, hindi ko din sila nakita ng ilang araw dahil hindi na ako nakapagtrabaho sa planta dahil sa naging sugat ko sa tuhod, nahihirapan akong maglakad
'Yong sugat ko din ay unti-unti nang nawawala. Peklat nalang ang natira at hindi na mahapdi, paniguradong kunting araw nalang ang kailangan, tuluyan na itong gagaling at mawawala. Samantalang ang relasyon naman namin ni Angelo ay naging mabuti din. Mas lalo pang napapadalas ang pagkikita namin, minsan pa nga'y bumibisita ito sa bahay. Mabuti naman ang intensiyon niya at marespeto kaya hinayaan nalang din siya sa mga magulang ko. In short, open na kami sa mga magulang ko. Paunti-unti ay nakakaadjust na din ako sa naging relasyon namin.
Ngayon ay tinulungan niya akong magluto ng biko sa bahay para baunin namin mamaya sa ilog. Ito pa nga ang nakudkud sa limang lubi kanina. Wala naman siyang naging angal doon, hindi naman mareklamo kahit pawis na pawis na. My mother even scolded me for treating a Guerrero like that. Pero... kagustuhan naman 'yon ni Angelo. Galak na galak pa nga siya sa tuwing natatapos ng isang piraso ng niyog. And, I don't want to treat him as a Guerrero, I want to treat him like Angelo.
"Ganyan pala yan..." seryoso itong nakatingin ngayon habang dahan-dahan kong hinahalo ang latik sa kawali. "Ang bango, ah!" dagdag pa nito.
Napahagikhik nalang ako sa mga pinagsasabi niya. As always, Angelo never failed to amuse me.
"Pakiabot naman sa akin ng bikong kanin, Angelo..."
Kaagad din naman nitong iniabot sa akin ang nakalagay sa plato na bikong kanin. Hinalo ko iyon sa latik at sinimulang ihalo. Seryoso at pokus lang ako sa ginagawa nang may maramdamang akong kamay na pumulupot sa likuran ko 'tsaka isinabit ang mukha nito sa balikat ko.
"Angelo!" suway ko sa kaniya. Hindi naman ito ang unang beses na yinakap niya ako kaso nagluluto ako ngayon.
"Ang galing naman ng Iz ko..."
"Aba'y... nagluluto pa ako dito, Angelo. Do'n ka muna..."
"Bakit bawal bang yakapin kita?" he playfully teased.
"Nagluluto pa ako..."
"You can still cook while I'm hugging you, right?... Hmmm?"
"Bahala ka nga diyan!" Napabuntong-hininga ako 'tsaka binalik na naman muli ang atensyon sa ginagawa. Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya tutal boyfriend ko naman siya. Talagang normal lang talaga ako ang mga ganitong bagay.
"Ang bango, Iz..." sambit nito. Nakasabit parin ang mukha nito sa balikat ko.
I think, I couldn't ask for more from Angelo. Maalaga, mabait, sweet at boyfriend type pa talaga. Ngayon ko lang narealize na hindi ako nagkamaling sinagot ko siya.
"Gusto mo..."
"Can I?"
Tumawa ako, "Oo naman. Kumuha ka ng plato. Lagyan ko,"
BINABASA MO ANG
Wishing for a Señorito (Masalanta #1) [COMPLETED]
RomanceIz Manalo believed that worlds of differing social status would never collide. 'Yong tipong ang mga mayayaman ay para sa mayayaman at ang mahihirap naman ay para sa mahihirap. He always liked Angelo Guerrero but their worlds are just so far apart fr...