Jade's POV
Ano na ba 'tong nararamdaman ko?
Napapangiti niya ako.
Napapasaya niya 'ko.
Nararamdaman kong mahalaga ako.
Lahat ng efforts ay nakikita ko.Pinipilit kong itago pero...
Na-iinlove na ata ko.
I kept thinking all day. Kakauwi ko lang sa Batangas at pagod pa ako kaya pinili 'kong mapag-isa sa condo ko para mag-isip. Mag-isip nang mabuti.
Tama ba 'tong ginagawa ko?
Alam mo naman ang mga magiging consequences nito.
Pwede ba?
Alam mong hindi, kasi nga mali.
Pero bakit gusto mo?
Kasi nga mahal mo.
Mahal mo nga ba talaga siya?
Hindi na kailangan tanungin ang mga bagay na halata na.
Naguguluhan ako. Bakit ganito? Bakit sa babae ako nagkagusto?
I wasn't attracted to girls. Alam ko sa sarili ko sa na straight ako. Pero bakit ngayon? Bakit iba na ang nararamdaman ko?
The moment I saw Althea, I knew that I was already into her. Something sparked at alam kong iba iyon. The connection between us is too strong, kahit ano pang gawin kong paglayo ay siya lang ding nakakadagdag sa hirap ng pag-iwas. Hindi ko siya kayang layuan. Hindi ko kakayanin.
Inaamin ko, gusto ko siya. Ay hindi, mahal ko na ata siya.
Sa onting oras na magkasama kami ay naramdaman ko ang saya. It's the happiness that I've felt that brought me to a better life.
To endless possibilities.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pinilit kong ibalin sa ibang bagay ang mga nararamdaman ko.
Pero hindi ko nagawa. Hindi ko magawa.
I called the only person na alam kong makakatulong sa akin at the moment. It's only him who I know na maiintindihan itong sitwasyong pinagdadaanan ko sa ngayon.
Calling Ahia Paul...
"Hello, Jade? What's going on? Okay ka lang?" He said. Oh how I missed my kuyas.
"Ahia..." I broke down. Hindi ko na talaga alam.
"Jade? Why are you crying? What happened?!" He sounded so worried.
"It's n--nothing, Ahia. I--I just miss you guys." I said while my voice was shaking.
"Shobe, please stop crying. What's the problem? Alam mo namang you can tell me anything. Go on and speak up." He said.
"Kuya, pagod na pagod na ako. Gulong-gulo na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko." There, I said it.
"Why shobe? Bakit ka naguguluhan? Is something bothering you?" He asked.
"Yes, kuya." I admitted.
"Who is this person at anong ginawa niya sa'yo? Did he hurt you?"
"No! I'm just confused at the moment. I don't know what to do with what I'm feeling towards that person." I said.
"Bakit? Ano ba talagang nangyari? "He seriously asked.
I told him all the happenings at nakinig naman siya. Kwinento ko simula noong una kaming nagkita tapos sa sleepover ko sa condo niya hanggang sa trip namin sa Batangas. Lahat 'yon ay sinabi ko sakanya.
"So ibig mong sabihin, feeling mo nahuhulog na ang loob mo sakanya?" He asked.
"Buti sana kung nahuhulog lang eh. Kuya, I think I'm already inlove with that person. Oo, saglit palang kami magkakilala, pero yung bond na nabuo namin, hindi ko ma-explain yun. The connection between us is too irresistible." I admitted.
"Shobe, hindi ba parang na-aattach ka lang sakanya? Siya din ba yung napag-usapan natin dati?" He asked.
"Yes. I don't think so, kuya. Iba talaga ang nararadaman ko para sakanya. At alam kong mali itong nararamdaman ko kaya nga pilit kong tinitigil. Pero the more na umiwas ako, the more na mas hinahanap ko siya. That person has been a part of my system, kuya." I said.
"Pero hindi ko maintindihan kung bakit pigilan mo 'yang nararamdaman mo. Kung mahal mo siya, bakit pinipilit mong itago 'yang feelings mo?"
"Kasi kuya, mali. Hindi pwede. Hindi dapat." I told him.
"Bakit mali, Jade? Bakit?"
"I just can't tell you right now, ahia. Masyadong kumplikado ang lahat. Ang kumplikado ng sitwasyon namin."
"Okay, I respect your decision. Basta I just want you to know that I'm on your side no matter what happens." He said.
"Alam kong mahirap, Jade. Pero trying won't do you any harm. Trying makes you wanna see things in a different perspective. Doon ka natututo, Jade."
"Pero kuya, hindi nga kasi tama. Mali talaga."
"Jade, love can make you do things na hindi mo naisip na kaya mong gawin. Love can make you let go all of your worries. Ang pagmamahal, pag andyan na, hindi mo na yan mapipigilan. Ikaw na mismo ang nagsasabing may feelings ka para doon sa tao,pero bakit pinipigilan mo pa?"
"I--I don't know."
"You will when you learn to let go and love. Kung mahal mo talaga siya, gagawin mo yung kung ano ang sinasabi ng puso mo. Love can be found. Pero once na ito ay mawala, minsan maiisip mo din kung bakit hindi mo ito pinaglaban."
"Do you think na yung person na yun ay worth it, kuya?"
"Only you, yourself, can tell. Ikaw lang makakapagsabi niyan sa sarili mo." He said.
"Isa pa, alam mo naman na talaga ang mga sagot dyan sa mga tanong mo, dine-deny mo lang." He continued.
"Pero kuy---"
"Jade, listen to your heart. Don't let other things come in your way. This is your happiness we're talking about." He added.
"Naniniwala akong ang kasiyahan ang siyang naghahanap sa mga tao. At sa case mo, nahanap ka na ng source of happiness mo. Ikaw nalang talaga ang hinihintay niya." He said.
Happiness finding people. Parang si Althea.
"Okay kuya, thank you. Thank you sa lahat." I said.
"No problem, sis. Just remember na maging matibay sa lahat ng haharapin mo. Loving someone is hard. Pero worth it din at the same time." He said.
"Sasabihin ko na sakanya. I'll tell that person that I love her." I said.
"Her? What do you mean?" He asked.
"Thank you, kuya! You're really the best." I smiled as I hung up the phone.
Umupo ako sa kama ko at hinanap ang number niya. Hindi ko alam ang pinapasok ko, pero handa na ako para harapin lahat ng 'to.
Calling Althea...
"Hello, pwede ba tayong magkita?"