Twenty Eight

1.8K 62 4
                                    

Jade's POV

I saw an unfamiliar place the moment I opened my eyes. Sobrang sakit rin ng ulo ko na para bang binibiyak 'to. I stopped for a moment as I tried to remember everything.

I was in the middle of thinking when I felt someone hugging me from behind. Naramdaman kong siya 'yon dahil she's already giving me light kisses from my back up to my shoulder. She suddenly grabbed me para mas mapalapit pa sa katawan niya, then she wrapped her legs and arms around me.

"I stink, lubb." I said as I, myself smelled the alcohol from my body.

Pinilit 'kong tumayo at umalis sa tabi niya pero ayaw niya at pinipigilan niya ako.

"I don't care. You smell fine." Sabi niya habang mas lalong linalapit ang katawan ko sakanya.

I gave a soft chuckle from what she did. How could she make a simple phrase sound so sweet?

"Lubb, tara na. May activities pa tayo sa baba. Hindi na pwedeng hindi ka sumama kasi last day na natin." I said as I gave her a peck on her cheek.

"Isa pa tas sasama na'ko sa'yo." She smiled as I kissed her cheek longer than before.

"I heart you. Tara na!" Sabi ko habang hila-hila siya para makapag-ayos na kami.

Napansin ko na mas naging clingy sa akin si Althea tapos nahuhuli ko siyang nakangiti kahit wala namang nakakatuwa sa pinag-uusapan namin. Ang weird po ng girlfriend ko.

Pansin ko din na marami naring nakakapansin sa closeness namin kahit sina Andie.

Pero kahit ganon ay natutuwa ako dahil kahit papano mas nakikihalubilo na siya sa mga empleyado. Naalala ko tuloy si Dada. Ang iba lang sa pamamalakad nila ay mas approachable si Althea. Mas minamahal siya ng mga empleyado niya.

"What?" I said as we made our way to the function hall after the team building.

"Can't you remember what happened last night?" She asked.

"I was drunk?" I asked. Napaisip naman ako sa tanong niya. Ano pa ba iba kong ginawa kahapon? Hindi ko na kasi eksaktong maalala yung mga nangyari.

"Big time. And?" She was waiting for another answer.

"And..nothing follows? I don't exactly remember what happened." I honestly said.

"Oh, nevermind." She smiled at me. What's wrong with this woman?

Nasa function room na ang lahat at kumakain nang biglang pumunta sa harap si Althea at nagsalita. Naiwan na ako sa table para saluhan sina Andie.

"Hi, everyone." She smiled and my heart just melted. Kahit sa malayo ay nakakaloko padin siya.

"I would just like to tell something, aside from how I'm really thankful for your cooperation throughout the whole year. Salamat sa pagtulong sa pagpapalago ng kumpanya natin. The company's succes is all because of you, guys." She said as we all applauded. You all deserve this, lubb.

"At dahil doon, I would like to share something to you. I'd like you to meet my girlfriend." She happily said and the room was filled with applause and shouts.

Patay.

"Aw, may girlfriend na si ma'am! Wala na akong chance!" Andie said. Bruha 'to!

"Wow. Sino kaya yun? Siya siguro kasama ni ma'am kahapon kaya hindi na muna siya sumama sa atin." Akala mo lang.

I was about to leave the room when si called my name.

"Jade." She said at napako na ako sa kinatatayuan ko.

"What?" Andie whispered as all of them looked at me.

"Hoy, Jade! Tawag ka ng jowa mo!" Wila said.

"Come here!" Batchi said.

All of them looked so shocked and confused. I walked past them as I went to Althea. Ito narin siguro ang mas nakakabubuti.

"This is Jade, my girlfriend." She said and they all shouted.

Yung mga girls na kasama ay halos hindi makapagsalita na para bang naglload ang sakanila yung sinabi ni Althea.

"Bagay naman sila ah?" Batchi said at tumawa sila.

"Oo nga! They look good."
"Ang ganda nila pareho. Grabe ang cute nila!"
"Huhu hindi na single si ma'am!"
"Sabi ko na eh! May something sakanila."
"I thought she was straight! Oh my god."

Ngumiti nalang ako at umupo ulit sa table ko. Tinititigan parin ako nila Andie.

"Kelan pa?!" Andie demanded for an answer.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin? Kaya pala ang init ng dugo sa akin ni ma'am dati." Nate said.

"Sorry, guys. Kahit nga ako nagulat na sinabi niya." I said.

"Gaga ka! Swerte mo! Sobrang hot ni ma'am. Alagaan mo siya ha? Kainggit ka!" Andie said.

"Bakit? Lesbian ka din ba?!" I said then we all laughed.

Ang bilis talaga ng oras pag nag-eenjoy ka. Gabi nanaman at nagdesisyon kami na maglibot sa dagat. Althea rented yachts to be used all night.

"Hindi tayo doon. Dito tayo." Sabi ni Althea habang hila-hila ako papunta sa isang boat na katabi nung isa. Napansin ko na nagtawan yung ibang empleyado na kasabay namin. Close na sila agad?

Nagsalubong ang mga kilay ko pero hinayaan ko nalang si Althea na alalayan ako paakyat. Ang sarap ng simoy ng hangin at excited na ako para makaalis sa pampang.

"You know how to drive this?" I asked.

"Experience, lablab." She smiled.

Oh god, ano pa bang hindi mo kayang gawin?!

"Uy! Doon ang daan oh!" I said habang tinuturo ang daan kung nasaan yung ibang yachts.

"I know." She said at hinayaan ang bangka namin sa gitna ng dagat.

"Come here." She said.

Pumunta ako sa labas at pinagmasdan ang dagat nang yumakap siya sa likod ko.

"How's your first company outing?" She asked habang nakapatong yung ulo niya sa shoulder ko.

"It was good. Great." I smiled.

"Good to hear that you enjoyed." Iniharap niya ako sakanya at may nagstart na tumugtog na music.

Oo nga, planado nanaman ng lubb ko.

She put both my hands around her neck tas ipinulupot naman niya yung kamay niya sa bewang ko.

Our position was very close. Very intimate.

"I don't know how to dance." She admitted.

"It's alright, lubb. As long as ikaw ang kasayaw ko, okay na'ko." I said.

"Hindi ka ba nahiya nung pinakilala kita as my girlfriend?" She asked.

"I couldn't be prouder to be your girlfriend. Sa tingin ko, iyon narin ang perfect time." I smiled at her.

"I heart you, lablab." She said habang naglapit ang mga noo namin.

"I heart you too. I really heart you." I said as we swayed to the peaceful rhythm.

The next day ay inasar na kami ng mga officemates namin at kanya-kanya na kaming umuwi. Sumabay na ako kay Althea at siya na ang nagdrive ng sasakyan.

"Lubb, doon na muna ako sa condo ko. Kukuha din kasi ako ng mga gamit. Bukas nalang ulit." I said.

"Okay, lablab. I'll drop you there. Tas kita nalang tayo bukas sa office? Mamimiss kita." She said while kissing my jaw.

"Clingy mo. Haha." I teased.

"Atleast sa'yo lang!" She answered. Good point, Guevarra.

Ibinaba na ako ni Althea sa condo ko at umakyat na ako sa condo ko. I was on my way to my unit when I saw him.

"Jade, let's talk."

EveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon