Althea's POV
I looked at all the documents and papers that I've been checking and reading for the past hour.
Kanina pa ako dito sa office at pinipilit kong tapusin lahat ng reports and plans na kailangan nang gawin pero I failed.
And, it's definitely because of her.
I've been daydreaming and was basically unproductive for the rest of the day. Hindi siya maalis sa isip ko at feeling ko mababaliw na ata ako kakaisip sakanya. I kept on thinking and thinking and thinking of her.
Jade.
Flashback
Dahan-dahang bumaba kami ni Chynna at pumunta sa study room para hindi magising si Jade. Nang nasa loob na kami ay umupo si Chynna at humarap sa akin.
"So? Care to explain?" Batchi eyed me.
"I met Jade kahapon sa Runner's noong pinilit mo akong kumanta." I quickly said.
"Yun lang? Pahabain mo naman, tsong." She sarcastically smiled.
"Ano bang kailangan ko kasi sabihin sa'yo?"
"Malamang lahat! Kahapon lang halos hindi mo matanggal sa isip mo si I--" I looked at her.
"Okay, okay! I'm sorry. Basta yun na yon! Ni halos sirain mo na nga 'yang buhay mo dahil kay she-who-must-not-be-named." Batchi said.
"I'm okay now. Kung ayaw niya sa akin, hindi ko ipagpipilitan yung sarili ko. Irerespeto ko yung desisyon niya. Ang mahalaga ay inaayos ko na yung sarili ko ngayon." I said.
"Good. Atleast naliwanagan ka na. Pero ang pinagtataka ka talaga, paano 'yang si Jadr napunta dito? This is the first time na may dinala ka dito bukod sa amin ni Wila."
"Nakita ko kasi siya sa club and ayun nagkayayaan kami. She's so drunk yesterday and hindi ko naman alam yung address niya since new friends palang kami kaya dinala ko na siya dito. Konsensya ko pa kung may mangyaring masama sakanya." I told her.
I sat beside her and grabbed a pillow.
"Pero you know what? I was very comfortable with her. Alam mo yun, tsong? Parang magkakilala na kami for a long period of time." I said.
"She told me that she was about to get married and hindi yun natuloy kasi niloko siya ng boyfriend niya. I feel her. Yung tipong bigla mo nalang marrealize sa sarili mo na wala na yung taong mahal mo. Na wala na yung pagmamahal niya sa'yo." I continued.
Tahimik namang nakikinig si Batchi kaya naman tinuloy ko yung sasabihin ko.
"...and the good thing is, sakanya ko nakita yung courage na dapat ituloy ko lang buhay. Go with the flow ba? The moment I saw her at the club para bang nakikita ko ang sarili ko sakanya." I added.
"Ano yan, soulmate?" Batchi asked.
"Anong soulmate?"
"Iyang sinasabi mo, yan ang isang definition ng soulmate. Yung the moment you laid your eyes on her, naiba agad yung feeling mo, yung perspective mo sa buhay." She explained.
"No. We're only friends. I have no plans on getting into a relationship with her." I said.
"Wala nga ba? I was looking at you when you were sharing at halos magningning na yang mga mata mo tuwing binabanggit mo pangalan niya."
"Tsong, wag mong lagyan ng malisya!" I told her.
"Hindi naman ah! I'm just telling the truth."
"Kahit na. Ayokong malagyan ng malice yung friendship namin ni Jade."
"Sure ka ba talagang wala kang nararamdamang kakaiba?" She asked.
"Ha? Sabihin mo nga, what am I supposed to feel ba?" I asked.
"I don't know. Why don't you ask yourself?" She smiled at me.
Tumayo na kami at lumabas na ng room dahil nga kailangan na niya pumunta ng RK.
"Oh paano tsong, punta ka nalang RK ha. May reports pa kasing kailangan tingnan." She said.
"Ok. Sasaglit lang ako dun since i-mmeet ko pa yung client ko para maplano na yung para sa event." I told her
"Okay. Sige tsong, una na'ko ha? Kitakits nalang." She said while putting her sunglasses on.
She was about to go out when she looked at me again.
"Nga pala, mahihirapan ka dyan kay Jade. Eh mas straight pa yan sa buhok mo eh! Hahaha!" She told me.
"Ewan ko sa'yo!" I shut the door closed.
Tinapos ko nang pirmahan yung mga documents na pinapapirma kaya naman minabuti ko nang umalis para naman mameet na yung client ko at may magawa naman ako.
Traffic nanaman when I was on my way to our meeting place kaya naisip kong i-check yung phone ko.
I have Jade's number on my phone kaya naman iniisip ko kung aayain ko ba siya mamaya since I'm free.
I looked at at my phone and looked for her number.
"Ano, Althea? Ittext ko ba siya?" I mentally asked myself.
Pero baka busy siya?
Oo nga, oh kaya naman nagpapahinga, Althea.
"Wag na nga. Next time nalang." I said as I drove my car.
I stopped by a restaurant and met my clients. Hinayaan ko muna ang sarili ko na magpakabusy para naman tumigil na muna yung uaak sa pag-iisip kay Jade. I wanted my clients' event to be very memorable for them kaya tinuon ko na muna ang buong atensyon ko sa mga gusto nila.
Gabi nadin kami halos natapos kaya minabuti ko nalang umuwi na agad para makapagpahinga.
Pagkauwing-pagkauwi ko ay dumiretso nako para maligo dahil gusto ko na talagang matulog.
I grabbed a book from my study room and dinala iyon sa kwarto ko para makapagbasa muna ako at hayaang magrelax yung mind ko.
2 messages received.
"Tsong, tara labas tayo ngayon! Nasa bar kami ni Wila. Lam mo na kung saan ha!"
"Althea! Miss you. Tara na puntahan mo na kami ni Batchi dito!"
Nagbalak palan gumimik ngayon sina Wila pero I was just not in the mood para makigimik sakanila.
"Di ako pwede ngayon. Medyo busy. Enjoy kayo!"
I hit reply.
Binaba ko na yung libro na hawak ko at humiga na ako sa kama.
Hanggang ngayon ay iniisip ko padin kung dapat bang yayain ko si Jade kahit bukas or any other day.
Tiningnan ko ulit yung phone ko and searched for her number. I was looking at my phone at feeling ko para na'kong baliw kakatitig sa number niya.
"Kelan kaya ulit tayo magkikita?"
