Sixteen

1.7K 68 2
                                    

Jade's POV

Hinga, Jade. Relax.

Nag-ayos na ako at minabuting agahan ang pagpunta doon. I'm on my way to the bar na pinag-usapan namin ni Althea. I'm trying to stay calm pero I'm failing. Kinakabahan ako sa mga mangyayari mamaya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan lahat ng sasabihin ko sakanya. I can't even think straight!

"Act normally, Jade." I told myself.

Nakarating ako isang oras bago sa napagkasunduan naming oras. I entered and ordered a drink. Hanggang sa ngayon ay hindi parin natatanggal sa aking yung kaba.

Paano kung mareject ako?
Paano kung bigla niya akong iwasan?
Paano kung may iba pala siyang gusto?

My mind's full of doubts and worries, of questions and uncertainty. How would I tell her? I'm was busy thinking when the bartender talked to me.

"Ma'am, ang lalim po ng iniisip natin ha?" He said.

"Hindi naman, may iniisip lang. Hahaha." I defended.

"Love problems ba, ma'am? Hahaha." He smiled.

"Yeah, you could say that." I laughed.

"Basta, ma'am. Ipaglaban mo hangga't pwede pa, hangga't kaya at gusto mo pa. Ito na po yung drink niyo, ma'am." He said while giving me the drink.

Nandoon parin ako at nakaupo hanggang sa nagring ang phone ko because of Althea's message.

1 message received.

"Andito na kami nila Batchi sa parking. Gusto din nila kasing sumama. Sorry."

Patay, mapapaamin pa ata ako sa buong squad niya. Ano nang gagawin ko?!

I kept it cool para at hinintay ko na sila sa taas. Nakikita ko na sila sa ibaba and there I saw them. Althea's with Batchi and Wila.

Tinaas ko yung kamay ko para naman makita nila ako. Umakyat na sila sa taas at linapitan ako.

"Hi Jade!" Batchi greeted.

"Hello, Batchi." I smiled at her.

"Ay, by the way Jade, this is Wila, our friend." Althea introduced her to me.

"I know her. I've seen her at Nic's wedding." I said.

"Good to know. Pero mas maganda kung may formal introduction. I'm Wila, Althea's girlfriend." She stated while offering her hand.

"G-Girlfriend?" I stuttered.

"Ex-girlfriend. Matagal na kaming wala nito. Buti nalang." Althea said.

"Pero kahit na, I've been one of your few girls. That's already an achievement." She said while putting her hands around Althea's waist.

"Akala ko ba ex na ha?" I whispered to my self.

"Are you saying something?" Wila asked.

"Tara na, guys! Let's chill. Upo na tayo doon!" She said as she grabbed Wila's hand para hilahin ito.

"Tara na?" Althea asked.

"Sige, mauna ka na. Mukha namang mas masaya ka sa kanya eh." I said.

"What are you talking about?"

"Wala. Let's go." I'm pissed.

Habang umiinom kami ay di ko mapigilang hindi pansinin kung gaano kaclose si Wila and Althea. They look like a couple and I can't help not to be jealous. Wila's been whispering things to her at para bang wala lang kay Althea na ganoon na siya kaclose sakanya. This view is really pissing me off.

"Excuse me guys, I'll just go and get some drinks." I said as I grabbed my purse.

"Wait, Jade! Sasama na'ko. I'll help you." Batchi offered her help.

We were at the counter waiting for our drinks when Batchi talked.

"You look pissed. What's bothering you?" Batchi asked.

"Wala naman. Okay lang ako." I said.

"Jade, tapatin mo nga ako, kahit sa akin nalang. May gusto ka ba kay Althea?" She directly asked.

I kept silent and looked at her.

"So oo nga? May gusto ka sa kanya. When I look at you, nakikita ko sa'yo na nagseselos ka kay Wila. Alam na ba yan ni Althea?" She told me.

"No. I was supposed to tell her, kaya nga niyaya ko siya dito kaya lang masaya naman na siya kay Wila." I said.

"They're just friends. We've been friends kahit na naging mag-ex yan kaya natural lang na ganyan sila."

"May mag-ex bang ganyan? Parang wala naman. Parang hindi naman ata dapat ganyan."

"Edi nagseselos ka nga." Batchi stated.

"No, I'm not." I defended.

"Eh bakit nagkakaganyan ka? Halata namang nagseselos ka, ayaw mo lang aminin." She said.

"Oo na! Ngayon lang ako nagselos nang ganito. Naiinis ako kasi wala akong magawa dahil wala naman akong karapatang magalit at magtampo because in the first place, wala namang kami." I seriously said.

"Eh ba't kasi hindi mo nalang aminin sakanya. Wala namang mawawala, Jade. Malay mo, things will be better once na sinabi mo na sakanya yung nararamdaman mo." She told me.

"Natatakot ako, Batchi. Natatakot ako sa mga magiging reaksyon niya. Mamaya ay layuan niya lang ako."

"Don't be too hard on yourself, Jade. The more na itago mo 'yan, mas lalo ka lang mahihirapan. Kung ako sa'yo aamin na'ko. Tara na sa taas kasi panigurado hinihintay na nila 'tong drinks natin." She said.

Umakyat na kami sa taas at naabutan naming nagtatawanan yung dalawa. Halata namang nag-eenjoy si Althea sa company ni Wila. Hindi ko na talaga mapigilan yung selos na nararamdaman ko.

"Hoy kayong dalawa! Ito na mga alak niyo oh. Mamaya na kayo dyan!" Batchi said.

"Che! Busy kami ng babe ko!" Babe pa talaga?

"Manahimik ka nga dyan, Wila. Babe mo mukha mo! Hahaha." Althea laughed.

"Bakit? Babe naman talaga endearment natin dati ha!" Wila said.

"Kaya nga dati eh! Haha!" Althea said.

"Ewan ko sa'yo! Makipagbalikan ka na kasi sa'kin! Mwa!" Wila said as she kissed Althea's cheek.

Ok, that's it! Nakakainis!

"Hoy Wila! Tara sa baba, sumayaw na tayo dali!" Batchi said.

"Pero nag--"

Hindi na hinintay pa ni Batchi yung reply ni Wila at kinuha na niya yung kamay ni Wila.

Naiwan kami ni Althea sa taas and there was silence between the two of us. Althea looked at me and talked.

"Bakit ang tahimik mo, Jade? Kanina ka pa ganyan simula nung dumating kami." She said.

"Ang akala ko kasi tayong dalawa lang talaga magkikita. Hindi ako aware na kasama pala sila." I said.

"Wala ka namang sinabi na dapat tayo lang eh?" She told me.

Naiinis na talaga ako.

Tumayo ako bigla at kinuha yung kamay niya at nagsimula na akong maglakad habang hila-hila siya. Wala na'kong pakialam sa mga nakakakita sa'min basta ang importante ay masabi ko na sakanya 'to.

"Jade, saan ba tayo papunta? Baka hanapin tayo nila Wila eh." Puro ka Wila eh.

Hinila ko padin siya hanggang sa nakarating na kami sa rooftop ng building. Binitawan ko ang kamay ko at pilit kong huminga nang malalim. Tiningnan ko siya nang seryoso.

"Jade?"

"Manhid ka ba talaga?!" I told her.

EveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon