Althea's POV
Being not with Jade is really a hard time. Nawawala ako sa focus at hindi ako mapakali. Wala na nga ata akong nagawang trabaho dahil sa kakaisip sakanya. Kamusta na kaya siya?
"Hoy!" Batchi shouted.
"Ano ba? Bakit ka ba sumisigaw?!" I angrily asked.
"Tanong ba yan? Hindi ka nakikinig sa'min. Bruha ka!" Wila said.
"Kanina pa kami nagsasalita dito about our reports tapos hindi ka naman nakikinig!" Batchi added.
"Can we just resume this tomorrow? I'm not in the mood." I honestly said.
"Ito na nga ba sinasabi ko eh!" Wila said.
"Nawala lang nang ilang araw si Jade, hindi ka na makagawa ng ibang bagay. Clingy mo!"
"We talked yesterday. Hindi pa daw siya makakauwi kasi may kailangan pa daw siyang ayusin." I sighed.
"Baka may iba na?" Wila smirked.
"Shut up!" I said.
"Tsong, hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit bigla siyang umalis. Sabi mo okay naman kayo diba?" Batchi said.
"Oo nga. Ayaw niya sabihin sa'kin kung anong problema. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. May mali ba akong nagawa?" I asked.
"Baka nga kasi nagsasawa na sa'yo. Move on na! Tayo nalang kasi!" Wila suggested.
"Pwede ba? Kung wala kang masabing maganda, tigilan mo 'ko?" I looked at her.
"Huwag ka na kasing umasa dyan, Wila. Taken na nga diba?" Batchi said.
"Sus! Ni hindi nga nasabi ni Jade kung bakit siya umalis."
"Pero bakit nga kasi umalis yun? Di man lang nagsabi." Batchi said.
"Biglaan pa! Hay nako." Wila said.
"Hindi ko nga alam! Wala siyang nabanggit." I said while massaging my forehead.
Kinuha ko yung files na prinesent nila Batchi at sinimulan itong basahin. Wala rin namang pumapasok sa isip ko kasi hindi ako makapagfocus.
"Bakit hindi mo kaya tawagan?" Batchi reacted.
"Oo nga! Kayo pa naman diba?" Wila added.
"Anong pa?! Sira ka talaga!" Batchi looked at Wila.
"Ano namang sasabihin ko? Mamaya makaistorbo lang ako sakanya." I frowned.
"Napaka-arte mo naman! Tatawag lang eh!" Batchi said.
"Hala siya, nagkajowa lang, OA na!" Wila laughed.
"Baliw!" I said.
"Teka lang, bakit kaya hindi mo nalang siya sundan?" Batchi said.
"Gaga! Bakit naman niya susundan 'yon?" Wila said.
"Malamang kasi girlfriend siya, ikaw hindi. Nakakalimutan mo na ba?" Batchi smirked.
"Feeling ko talaga may tinatago sa'kin si Jade eh. Ang distant at ang cold niya sa'kin."
"Edi sundan mo nga! Kulit naman eh!" Batchi looked at me.
"Wag na! Dito ka nalang!" Wila said.
"Kapag ex, tapos na! Wag ka ngang bitter! Lovelife na ng kaibigan natin ang nakasalalay dito." Batchi said.
"Oo na, oo na! I'll buy you tickets para makaalis ka na ngayong gabi." Wila said.
"Ngayon na?! Madami pa'kong tatapusin!" I hurriedly said.